In-spirit
"By this, everyone will know that you are my disciples, if you have love one another." John 13:35
Hello mga kablogs! 10:31am rito. Inaantok ako kaya lang may nilalaga akong red beans at mani kaya sabi ko gagawin ko na ang blog. Parang kagabi lang, gusto ko sanang manood ng movie kaya lang pinilit kong matulog ng 9pm kaya at 8:00pm nagbasa na lang ako ng 1 chapter ng book ni Dr. Wayne W. Dyer called INSPIRATION (Your Ultimate Calling). Minsan iyong mga unexpected mong gagawin, iyon pa ang magbibigay sa'yo ng kasiyahan. :-)
Actually, Chapter 2 pa lang ako sa book at iyong pagkakaintindi ko, sinasabi ni Dr. Wayne na related daw tayo sa mga paligid natin lalo na sa Spirit. Tapos kaya pala masaya tayo kapag inspired kasi ibig sabihin masaya rin ung spirit natin. INSPIRATION = IN-SPIRIT. O diba, parang interesting. More to come kapag nabalikan ko na ulit...
Kagaya rin ba kitang minsan ay nagtatanong, "Bakit ako nasa lugar na 'to?" O kaya ay isa sa mga tanong na ito - Bakit ko pa siya nakilala? Bakit kasama ko ang mga taong ito? Bakit siya pa ang boss ko? Bakit hindi na lang ako pinanganak na mayaman? Bakit ako nasa company na 'to? At marami pang mga tanong. Isang maiksing kuwento sa book ni Dr. Wayne ang nakapag-enlighten ng mga bagay-bagay sa akin. Para sa kanya, nasa tiyan pa lang daw tayo ng mga nanay natin nagbibigay na si God ng CONTRACT sa kung sino ang mga magiging magulang natin, magiging mga kapatid, mga kaibigan, mga lugar na pupuntahan at mga pangyayari sa buhay natin. At mayroon tayong choice kung anong gusto nating maging result ng buhay natin. Bigyan natin ng example at irerelate ko sa buhay ni Carla, choice nya ay maging inspiration sa iba at makatulong sa mga nangangailangan.

Ang mga magulang niya ay sina Bien at Precy at may limang kapatid. Ang pamilya nila ay masaya na kapag nakakain ng 3 beses sa isang araw. Nasa contract nila ni Lord na mapabilang siya sa mahirap na pamilya at manirahan sa Barangay Capri (malayung-malayo sa subdivision). Kasama rin sa plano ang magkaroon ng ilang masasaganang kamag-anak at sobrang mahihirap na kamag-anak, napapalibutan din siya ng ibang mga kaibigan na kapos sa buhay. Isa pa sa plano ay kukunin Niyang maaga ang Tatay ni Carla para masaksihan niya at ma-touched siya ng sobrang pagmamahal ng Nanay niya sa pamamagitan ng pagsasakripisyo para lang maiahon silang magkakapatid at mapagtapos ng pag-aaral. Nakatapos man nang maayos, hindi naman sapat ang sahod para sa kanyang pamilya at mga pangarap.
Ang mga pangyayaring ito simula nang siya ay ipinanganak ay related sa contract at choice niya kung bakit siya nasa ibang bansa ngayon. She's trying hard para maishare ang blessings sa mga nangangailangan. Kung hindi siya nakaramdam ng paghihirap, hindi niya rin madarama ang paghihirap ng iba. Kung hindi naging supportive ang Nanay niya, she will not also care na paginhawain ang nanay niya at ang mga kapatid. Kung napapalibutan lang siya ng mga mahihirap, she will think na ang mahirap ay mayaman na. Kaya rin pala nakapg-aral siya sa Letran with a course of BSA dahil magagamit niya iyon kapag nag-abroad na siya. Kaya pala mababa lang ang kinikita niya sa Pinas para maisipan niyang mag-abroad at kumita ng mas malaki. At hahaba na ito masyado kung idadagdag ko pa ang mga pangyayari, successes or failures, na naging tulay para maging ganito sya ngayon. Ang gusto ko lang iparating ay ang lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari ay according sa contract natin with the Lord. May dahilan kung bakit ganoon. At habang pinu-fulfill natin ang ating contract, nagiging instrument din tayo sa ibang tao para macomplete nila ang contract nila. We are all connected.
Iba't-iba ang contracts natin kay Lord ngunit isa lang ang Kanyang interest at iyon ay maging disciple Niya tayo by loving one another.
Habang nagbabasa ng blog na ito, naisip mo na ba kung bakit ka nandyan sa kinakatayuan mo at kasama mo ang kasama mo? Siguro nagtataka ka rin na minsan ayaw mo na sa isang lugar pero hindi ka pa rin makaalis. Isipin mo ang contract na pinirmahan mo with the Lord, nagawa mo na ba ang mission mo? Dahil kung hindi pa, talagang hindi ka papaalisin sa lugar na iyan.
Ayun lang. Not sure kung makakapagblog ako next week dahil I will be flying to Phil. yahoo.
Gbu!
Comments