Pagtaob sa Unang Pagsubok
"It is written: You shall love the Lord Your God with all your heart, with all your soul, with all your strength and with all your mind. And you shall love your neighbor as yourself." Luke 10:27
Hello mga kablogs! Ang sarap ng dighay na iyon, kumain kasi kami sa eat all you can chinese restaurant, feeling ko busog na busog ako. hehehe.
Ang ganda ng pagbasa ngayong linggo, tungkol na naman sa pagtulong sa kapwa. May magandang paliwanag dyan si Fr. Luke e, ang pagkakaalala ko iba ang pagtingin nila sa mga Samaritano. Hindi ako sure sa explanation pero ang point ni Fr. ay mas inaasahang tutulong ang Priest at Levite kaysa sa Samaritano. Para na lang, may kamag-anak kang nangangailangan ng pera at sa iyo unang lumapit dahil nga iniisip niyang tutulungan mo siya dahil kamag-anak mo siya pero kahit isang kusing hindi ka man lang nagpahiram kahit mayroon ka naman talaga. Kaya nong sumubok siya sa kaibigan niyang nakaaway niya at hindi pinansin ng matagal na panahon, siya pa ang nagpahiram sa kanya.
Medyo mahirap ang hamon sa atin sa kung paano natin kikilalanin ang ating kapwa. Sila lang ba iyong mga kalevel natin o sila rin iyong hindi pinapansin sa lipunan. Sila lang ba iyong mga kapamilya natin o sila din ba iyong kahit hindi natin kaanu-ano....
Enough for that. Gusto ko ring ibahagi sa inyo ang aking "sagwan" experience kahapon. Masayang sumubok ng mga bagay-bagay kahit hindi ka sigurado kung anong mangyayari. Dahil first timer ako, napasama ako sa isang couple, ang kinalabasan ay mas bumigat ang aming boat kaya tumatama sa bato kapag mababaw. Ayos lang sana kung may bato kaya lang malakas din ang agos ng tubig. Kampante lang kami noong una pero nong nareach namin ang isa sa mga malalakas na alon with bato, hindi naming naiwasang tumaob ang bangka. Mababaw lang naman, hindi ka mamamatay pero nag-alala ako sa kasama ko kasi naipit ang legs niya sa bangka kaya ayun nagkasugat tuloy ang mga tuhod niya. Kala ko nakaligtas din ako pero kagabi lang naramdaman ko na nagalusan din pala ako at may mga pasa. :-(
Hindi doon nagtapos ang mabato at mababaw na parte ng ilog. Pagkatapos noon, may 2 pa kaming nadaanan na nakakatakot din. Sobrang takot na ng isa naming kasama. Ako naman may takot din pero mas nag-aalala ako sa kanya. Kaya pinagplanuhan na naming mabuti bago kami sumuong. "Where side shall we go? It looks like right side is safer." Ganoon nga ang ginawa namin, sinubaybayan muna namin ang mga nauuna saka kami susuong kapag handa na kami. It could have been worst kasi iyong 2 sumunod mas delikado pa kaysa sa point na tumaob ang bangka namin.
While analyzing what happened, I realized God will give us problems not to harm us but to prepare us to the harder problems. Kung hindi tumaob ang bangka namin sa pinakamadaling roughs, hindi namin napaghandaan ang mga mas delikadong roughs. Naging kampante lang kami at baka kung ano pa ang mas masamang nangyari. Nagtamo lang kami ng mga sugat pero kung hindi kami naghanda maaaring may mas masama pang nangyari.
Kagaya rin sa buhay natin, inaallow ni God na maturuan tayo ng lesson habang papunta tayo sa destination natin. Maaring sa 1st stop pa lang ay turuan ka na Niya dahil alam Niyang mas mahirap ang 2nd at 3rd at the lesson He will give you at 1st is the lesson you can use when you reach other stops. He's only preparing us to the actual battle. Kailangan lang nating maging receptive at palagi nating isiping He is always with us. bow.
Ayun lang! God bless everyone.
Comments