STICK - Stick to your goals! Be walastik.
"Mary has chosen the better part, and it will not be taken away from her." Lk. 10:42
Hello mga kablogs! Aattend dapat ako ng retreat this weekend kaya lang hindi naconfirm kung nagrant ako ng scholarship. $150.00 rin iyong bayad kaya nag-alangan na akong pumunta. Gusto ko talagang magretreat kaya lang mahal naman ng $150.00. Sayang...
May nakausap akong pinsan last weekend kaya naisip kong idedicate sa kanya ang blog na 'to. Sabi nya, "sana iba na lang kasi hindi ako deserving." May nagpapaaral kasi sa kanya at feeling niya hindi sya deserving. Feeling niya hindi sya deserving kasi hindi rin nya ginagawa ang part niya.
Gusto kong balikan ulit ang PSB Community Giving. Sa totoo lang kahit hindi ako pumasok sa eksena, winning na sila kasi noong nameet namin sila mataas na ang rank nila. Bakit nag-ukol pa rin ako/kami ng panahon? Dahil naniniwala akong may pagkakataon! Na kung naniwala lang ang marami at nakiisa, kayang-kayang maging Top 1. Sa mga postings nga ng pagpapasalamat sa mga fan pages, gusto ko sanang makita rin ng mga nagreject noon para maisip nilang kung nakijoin sila nakatulong sila. Para rin maisip nilang "Nasa huli ang pagsisisi."
Nakaget-over na talaga ako sa experience na yan kaya lang ginamit kong halimbawa para gisingin din ang lahat ng may pagkakataon. Kagaya na lang ng mga nag-aaral na pinapag-aral ng mga concern sa kanila. Hindi lahat ng kabataang gustong mag-aral ay nakakapag-aral. Siguro nakakapag-aral nga pero hindi iyong gusto nilang course o kaya gusto nilang schools. Nakakalungkot sa mga kabataang may pagkakataon kapag sasayangin lang nila. Sa totoo lang balewala ang pera sa mga sponsors niyo. Sabihin na nating nagigipit din sila pero balewala na sa kanila iyon kapag nakarating na sa inyo ang allowance. Sa management costs, tawag don ay SUNK COSTS! Ang mahalaga ay ang future niyo kaya don't be sorry for the sponsors but feel sorry for yourselves kapag binalewala niyo lang ang pagkakataon. Applicable rin ito sa mga estudyanteng pilit ginagapang ng mga magulang nila.
Sa buhay estudyante, hindi mo maiiwasang mapabarkada o kaya'y mainlove. Kaya dapat palagi kang handa sa mga decisions na gagawin mo kasi sa pagdedecide puwede ka pang mamili pero kapag nakapagdecide ka na hindi na napipili ang consequences ng decisions mo. Bigyan natin ng halimbawa. May nagyaya sa 'yong manood ng sine Wednesday ng gabi. May exam ka kinabukasan at kailangan mong mag-aral that night. Option A - hindi sasama kahit anong pilit ng mga kaibigan at sasabihing kailangang mag-aral. Option B - sasama dahil masaya.
Tignan natin ang consequences ng mga options. Option A - makakauwi ng maaga, makakasama ng mas maaga ang pamilya, makakapag-aral, maaaring makakuha ng mataas na grade sa exam kinabukasan at makakatipid. Option B - magiging masaya with friends, malelate ng uwi sa bahay kaya maboboljack (mapapagalitan) ng parents, pagod na kaya matutulog na lang, suwerte na kung makapasa pa sa exams at nabawasan ang allowance for the week.
Ganito iyon ha. Iyong mga consequences kadikit na yan ng mga choices. Hindi mo puwedeng piliin ang Option B tapos sasabihin mo ang consequences ay pang-Option A. Gaya ng sabi ko package na iyon. Hindi ka na puwedeng mamili ng consequences. Ikinumpara iyan ni Stephen Covey sa pagpulot ng stick. The other side ay choice at the other ay consequences. Nakakakita ka na ba ng stick na walang kabilang side? Ganoon din sa pagdedesisyon.
Kagaya rin sa pagbasa ngayong linggo. Dinalaw ni Hesus sina Mary at Martha. Dahil si Martha ay sadyang masipag though hindi naman tamad si Mary, mas pinili niyang maging busy sa kusina kaysa makinig sa mga kuwento ni Hesus. Tapos, nagrereklamo siya kay Hesus na hindi raw siya tinutulungan ni Mary. Hindi niya alam na mas wise ang decision ni Mary kasi hindi naman sila araw-araw dadalawin ni Hesus pero araw-araw siyang puwedeng magpakabusy mode sa kusina. Gets niyo na?
Alangang mga estudyante lang ang matouch ko. Siyempre marami pang ibang readers dyan. Puwede rin ito sa may mga pagkakataong magtrabaho sa ibang bansa o kahit sa Pilipinas. Hindi rin natin alam kung gaano tayo tatagal sa isang kumpanya/lugar kaya mas mabuting gawin natin ang best natin at mag-iwan ng mabubuting bagay sa mga nakakasalamuha. Para naman sa mga nasa ibang bansa lalo na sa aking Kuya, mag-ipong mabuti para sa mga mahal sa buhay.
Maraming-marami tayong decisions na ginagawa sa araw-araw na buhay natin. Hindi lang natin napapansin kaya laging isapuso, isip-isip bago pili.... bow.
Hanggang sa muli!
Maging masaya sana tayong lahat ngayong weekend at darating na week. God bless us all!
Comments