BB
Hello mga kablogs! May bonus blog na naman dahil sa aking "katangahan."
Ako ang tipo ng taong hindi mapakali kapag walang ginagawa at kapag bakante ang isip. So, palaging may tumatakbo sa isip ko at palagi rin akong may ginagawa. Pauwi pa lang ako sa bahay alam ko na ang mga gagawin ko. Magbubukas na laptop, magdidinner, magchecheck ng emails, magfafacebook, mag-aaral, magrereply sa mga texts at kung anu-ano pang extra.
Every Thursdays ako naglalaba. Sa sobrang dami ng mga dapat kong gawin, dali-dali akong umuwi sa apartment. Kinuha ko agad ang labahin at biglang sara ng pinto... Hala! Ang susi ko ay naiwanan pala! Sobrang inis na inis ako kasi bukod sa marami akong gagawin sobrang trying hard din akong makasave ng money. It will cost me $25.00 dahil maiistorbo ang maintenance guy na bumalik ulit sa building. Pandagdag na sana sa project ng mga youth sa Pinas, nagastos pa dahil sa pagkakamali ko.
Itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa laundry room at pagkatapos ay nagpunta ako sa admin office at nagbakasakaling may tao pa. Siyempre, wala na! Kaya't naglakas loob na akong nakigamit ng phone sa kauna-unahang tenant na nakita ko. Natawagan naman namin ang main office at ang sabi maghintay daw ako ng 45 minutes. Haaaaaaaaaay. 45 minutes na walang ibang gagawin kung hindi maghihintay lang. Oks lang sana kung nadala ko iyong libro ni Morrie Schwartz na kabibili ko lang. O kaya kung nabibitbit ko rin iyong cell phone ko kung saan puwede ko ng simulan ang pagsisend ng text messages sa 120 recipients na gabi-gabi kong ginagawa. E di sana makakareply na rin ako sa mga text messages. O kaya sana nabitbit ko rin ang practice questions para habang naghihintay nagsisimula na akong mag-aral. Kahit nga sana ballpen at papel masaya na rin ako kasi puwede na akong magsulat ng mga gagawin ko o listahan ng bibilihin ko sa susunod na grocery shopping.
Syempre dahil nga hindi naman ako sanay na walang ginagawa, tumatakbo pa rin ang isip ko. "Ano kaya ang gustong ituro sa akin ng experience na 'to? Masyado na ba akong mabilis na bira lang nang bira at hindi na nakakaconcentrate sa mga dapat kong gawin?" 5 minutes pa lang ang nagdadaan sobrang naiinip na talaga ako. Ganoon pala ang nararamdaman ng mga batang napaparusahan ng time out. Kapag may mga ganoong instances pala, talagang makakapag-isip kang mabuti. Pero mas gusto ko sana iyong tahimik lang talaga. Iyong parang taize o meditation na hindi rin tumatakbo ang isip ko kaya may chance si Lord na magsalita at takapakinig lang ako. Ilang saglit pa sabi ko magrorosary na ako sa isip ko. Nangako kasi akong magrosary nong Sunday dahil Solemnity of the Blessed Virgin Mary pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawa. :-( Magisisimula na sana ako nang bigla kong nakita si Steve, the maintenance guy. Yes!
Sa totoo, mas nalungkot ako. Todo outfit kasi si Steve. Nakashirt at cap ng pangbaseball kaya tinanong ko sya kung manonood sya ng baseball game. Sabi niya, "I supposed to take my boys to the baseball practice but I missed it." Para akong nalugi ng doble. Kahit na magbayad ako ng $50 hindi matatapatan ng pera ang moment na iyon ni Steve with his sons na unintentionally ay nanakaw ko. Gusto ko syang bigyan ng mga pagkain pero sobrang tanggi sya at pinagpilitan niyang hindi siya allowed tumanggap ng kahit na ano. Nalungkot ako for him dahil sa namiss niyang event pero humanga ako sa kanya.
Kapag nakakasalubong ko sya sa umaga, napapag-usapan namin ang tungkol sa trabaho. He always says na ok sya at may trabaho sya. Para sa akin, ang mga maitenance guy na kagaya niya ay may malaking part sa buhay ng mga tenants. They are simply wonderful. I watched "The Five People You Meet In Heaven," si Eddie ay maintenance guy na hindi happy sa trabaho niya dahil akala niya walang effect iyon. Saka lamang niya nalaman na malaki ang tulong niya sa buhay ng mga nagpupunta sa park lalo na sa mga bata....
Ayun lang muna. Idadry ko na ang mga labahin ko.
Nakain man ang aking oras dahil sa imbes na gumawa ako ng iba ay nagblog ako, ayos lang kasi alam kong may mapupulot din kayo sa experience kong ito.
Gbu!
Comments