Makiisa, May Pag-Asa Pa!


Nalalapit na naman ang araw para ma-exercise nating mga Filipino ang isa sa ating mga karapatan. In one year, 2 beses.

Kung binibisita niyo ang aking profile, naging adDICKted ako kay Senator Gordon noong panahon ng presidential campaign. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para maipromote siya. Hindi man sya nanalo, ok na rin kasi may mga naging kaibigan ako sa Facebook.

Depende ang lahat sa pananaw natin. Para sa akin siya ang pinakamagaling sa lahat ng mga tumakbo. Nanalo si President Noynoy kasi nagustuhan ng mga tao ang kanyang pangako na “Kung walang corrupt, walang mahirap” tsaka nadala na rin ng kanyang personal at family background. Sana nga maibangon ni President Noy ang Pilipinas.

Nasa Pilipinas ako noong botohan, dumating ako noong May 9, 6:30pm at tamang-tama election kinabukasan. Siyempre dahil bagong dating kahit gusto kong magpahinga mas pinili kong makipagbonding sa aking pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan. Kahit sobrang puyat at pagod sa biyahe (halos 24 hours sa plane), pinilit ko pa ring pumunta sa plaza para makaboto sana kaya lang super haba ng pila. Sabi ko noon, siguro my one vote will not matter; kaya na ng ibang botante iyon tutal sumuporta naman ako noong campaign. Sobrang laki ng lamang ni President Noy at ng ibang tumakbo sa votes ni Sen. Dick pero baka marami ring kagaya ko na dahil nahabaan sa pila o tinamad ay hindi na rin inexercise ang karapatan nila. Baka kung pinagsama-sama ang mga kagaya namin kahit paano ay hindi masyadong malaki ang lamang.

Nandito na naman ako para magshare ng aking mga pananaw para sa nalalapit na barangay election. In general itong aking blog dahil mga kakilala ko personally ang mga nasa barangay namin. Wala akong papatamaan o pupurihing specific person(s) kaya kung may magrereact positively o negatively, nasa inyo na iyon.

Silipin muna natin kung bakit maraming gustong pasukin ang pulitika. Kaunti lang ang nalalaman ko kaya pagpasenyahan niyo na. Ang mga tumatakbo ay naghahangad na makatulong sa kapuwa nila at malaking bagay nga kapag nasa position kasi parang mas may say ka (sa tingin ko lang.) May mga sahod din sila buwan-buwan kaya para na rin silang nagtatrabaho. Nakakatulong na sa kapuwa, may sahod pa. May pondo rin ang bawat barangay kada taon at ang pagkakaalam ko may percentage na nakukuha ang mga namumuno. Applicable yan sa lahat hindi lang sa barangay. Naalaala niyo iyong pork barrel? Mga pondo ng senators/congressmen? Ganoon din iyon kaya lang maliit syempre sa barangay. Kaya nga sabi ng kakilala kong politician, kahit daw ayaw mong maging corrupt, magiging corrupt ka dahil iyon na ang trend…. Bago pa nga lang mapunta ang pondo sa kamay ng mga namumuno, nabawasan na rin dahil sa commission ng contractor. Tsk. Tsk. Tsk. If you can recall the advertisement of President Noy, pinaliwanag niya ang procedure. Php100,000.00 na pondo para sa isang project, ang mapupunta lang talaga sa project ay Php40,000.00 at minsan mas mababa pa. Alam mo ba kung kaninong pera ang pinag-uusapan ditto? Pera mo, pera ko – iyan ang buwis na napupunta sa gobyerno!

Baka sabihin mo, anong pakialam ko dyan eh nag-aaral pa lang ako o kaya wala namang nawawala sa akin dahil hindi naman ako nagtatrabaho kaya hindi rin ako nagbabayad ng buwis. Puwede… Pero wala ka bang kapamilya na nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis? Alam mo bang nababawasan ang sahod ng mga empleyado ng up to 32% para sa income tax? At kahit nag-aaral ka pa lang, hindi ka ba bumibili ng kahit ano ni minsan? Kahit hindi ka pa nagtatrabaho, hindi ka lang aware pero nagbabayad ka na rin ng tax. VAT – Value Added Tax na ngayon ay 12% na. Ang gusto ko lang iparating ay lahat tayo ay bahagi ng kung anong nangyayari sa paligid natin kaya hindi mo puwedeng sabihin na tatahimik ka na lang o papanoorin na lang ang sistema sa paligid mo. O kaya idadahilan mo, mangingibang bansa na lang ako.

Baka sabihin mo ulit, ano namang magagawa ko eh simpleng mamamayan lang ako. Hindi naman ako kasing tapang ng ibang tao na magrereklamo sa Presidente kapag hindi na mabuti ang nangyayari. Hindi naman ako si Superman na nababasa ang naiisip ng mga politiko. Hindi naman malakas ang loob kong puntahan ang mga politiko at pasalamatan sila sa mga mabubuti nilang ginagawa. Hindi naman ako, hindi naman ako, hindi naman ako… Sige na, hindi ka na ganyan pero kahit simpleng nilalang ka lang may magagawa ka pa rin. Sa simpleng pamamaraan mo, puwede kang maging change agent sa paligid mo. Sa simpleng pagboto, maipaparinig mo ang boses mo! Kung gusto mo silang pasalamatan sa mga nagawa nila, iboto mo ulit sila. Kung sa tingin mo naman ay iba naman ang dapat mamuno, bumoto ka ng iba. Basta ang maging layunin mo ay makaboto ng mga magagaling at hindi basta-basta. Hindi puwede ang puwede na.

Paano ka naman pipili sa mga kandidato? Kung sana mayroon tayong kapangyarihang mabasa ang mga naiisip ng bawat candidates eh di madali lang ang pagpili. Papaalalahanan lang kitang maging mapanuri, makiisa at huwag magpapaisa. Suriin mong mabuti kung anong klase ng tao sila. Mabuti ba syang tao? Magaling ba syang leader? Nagmamalasakit ba sya sa kapuwa? Tapat ba sya sa tungkulin? At kung anu-ano pa. Magtanung-tanong ka sa mga pinagkakatiwalaan mo, sa mga tinitingala mo. Sa pamilya namin kahit anong impluwensya kong iconsider nila si DG, naging stick sila kay President Noy, which is correct kasi iyon ang paniniwala nila. Hindi ibig sabihin na “maboka” ako minsan, tama na ang mga sinasabi ko. Hindi ibig sabihin na sinabi sa iyo ng artista na iboto siya, iboboto mo na. Hindi ibig sabihin na suportado ng isang malaking grupo, iboboto mo rin. Hindi ibig sabihin na kontra sa administrasyon, matuwid din ang layunin. In short, hindi ibig sabihin na nasa posisyon o oposisyon, CLICK na. Ikaw ang pipili nyan, hindi sila, hindi ako kundi ikaw! Ikaw ang gumawa ng sarili mong research para sa mga dapat isulat sa balota. Sa boto mo nakasalalay ang mga kabarangay natin. May pag-asa pa. Makakabangon pa tayong mga Filipino!

Pinangarap ko ring minsan na pasukin ang pulitika para nga sana makatulong sa kapuwa. Narealized ko na kahit pala walang position puwede pa ring makatulong kaya asahan niyo po ang aking kooperasyon. Magiging involve po ako sa mga gawaing barangay kung patuloy akong susuportahan ng aking mga kaibigan at kung pahihintulutan ng mga manananalo. :-) Ang paniniwala ko kasi dapat ibinibahagi kung ano ang mayroon ka para hindi lang piling tao ang aasenso. Kung nagawa ng iba na maging matagumpay sa buhay, kaya mo rin! Bigyan ng saysay ang iyong buhay at hangaring magtagumpay nang sa gayon ay makapagbigay. Bowowow!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?