Utak at Puso ang Pairalin
"If you come to me, without being ready to give up your love for your father and mother, your spouse and your children, your brothers and sisters, and indeed yourself, you cannot be my disciple. Whoever does not follow me carrying his own cross cannot be my disciple."
Hello mga kablogs! Medyo naaaddict na naman ako sa FB. Tsk. Tsk. Pero nag-improve na in fairness. Kagigising ko lang matapos ang almost 2 hours na idlip tapos bigla kong naisip na magblog kaya heto na...
Ang topic ko ngayon ay tungkol sa Barangay Election na malapit na (October 25). Medyo matagal pa pala. :-) Pero mabuti na iyong maagap diba. Noong nasa Pilipinas ako sa totoo lang pumasok sa isip kong maging politician. Gusto ko kasi iyong nakikialam sa community at akala ko kapag nasa position ka lang magagawa iyon. Balak ko pa ngang magturo sa college habang nagseserve sa barangay. O diba planado na.
Kaya lang dyan na papasok iyong "Shel, mapapasama ka lang madadamay pa family mo. Shel, kahit gaano kang kabuting tao, kapag nakasama mo na ang corrupt magiging corrupt ka na rin. Shel, sayang ang maganda mong trabaho para igive-up at maraming marami pang paalala mula sa mga mahal sa buhay at siguro sa mga magiging kalaban na rin (tataluhin mo ba ako?)."
Bakit ko sinasabi 'to? Wala lang, gusto ko lang. hehe. Kaya ko sinasabi 'to para iremind ang mga may calling sa politics. Kapag nagrespond ka sa call ni God (hindi ni Taning) dapat handa kang dalhin ang sarili mong cross. Para kang nagmadre o nagpari na handa kang iwan ang family mo. (Hmm. parang mahirap pala) Pero ganoon nga iyon. Kapag pumasok ka dyan dapat maging handa ka sa mga papuri lalo na sa mga batikos ng mga tao sa iyo. Kung mabuti kang tao at sa tingin nila ay talagang mabuti ka, lalo mo pang patunayan. Kung mabuti kang tao at mali naman ang pagkakakakilala nila sa 'yo try to convince them ng ilang beses at kapag hindi mo naconvince ibig sabihin lang non ay sarado ang kanilang pag-iisip o talang hindi ka mabuti.
Wala akong irerecommend o ilalagay sa hot seat na mga pulitikong tatakbo sa barangay namin. Ang sa akin lang ay gusto kong paalalahan ang aking mga kabarangay.
Unang-una na lang po ay ang pagreregister. Sana po naglaan kayo ng inyong oras para magregister. Bilang Filipino, isa sa mga karapatan natin ay ang pagboto at kung hindi mo pa ieexercise iyon tignan mo ang effect kapag campaign na. Hindi ka nila papansinin, hindi ka nila bibigyan ng 50-500 para maging watcher o kung anu-anong taktika.
Pangalawa, maging matalino po sa pagpili ng kandidato. Ito ang mga traits ng good leaders na sinearch ko sa google. They are:
1. God loving and fearing,
2. Love for his own country,
3. Love for his fellow countrymen,
4. Loves to serve his fellow countrymen within the bounds of the law,
5. Has a high regard for morality,
6. Has excellent leadership skills,
7. Well educated,
8. Has charisma,
9. The ability to wield a nation by his Political will,
10. Down to earth albeit his position is in the cloud,
11. Has no tendencies to corrupt even a single cent,
12. Implements and upholds the laws of the land always.
Palagi kong maaalala ang homily ni Fr. Luke kapag election period. Sabi niya, "Kapag hindi niyo alam kung anong pagkatao ng iboboto niyo tanungin niyo ang kapitbahay niya kung anong klase siyang tao." Tama nga naman si Padre. Kasi mas alam ng kapitbahay natin ang pagkatao natin. Siguro tanong mo, "Ate Shel, bakit hindi kapamilya?" Malamang kahit gaano ako kasama ipagtatanggol ako ng family ko. Gets? Kaya mas reliable tanungin ang kapitbahay niya.
Pangatlo at huli, maging matalino ka KID! Sigurado akong magkakabilihan ng boto dyan. Hindi naman sila magpapahalatang binibili na nila ang boto mo pero mga tactics dyan ay kukunin kang watcher. Syempre dahil kumakalam ang sikmura mo, doon ka sa mas malaki ang ibibigay. Halimbawang nasa ganyang sitwasyon ako. Siguro kung papairalin ko ang aking prinsipyo, doon ako papanig sa alam kong magaling kahit wala silang datung. Kung magiging mautak naman ako, puwede bang kunin ang parehong inooffer? hehe. Tapos it's between you and God anyway during botohan kaya hindi na nila alam kung sinong ibinoto mo. Ipapapaalala ko rin ang tumakbong presidente na sobrang daming ginastos sa campaign. Magtaka ka kapag maraming gastos kasi malaki rin ang singil kapag nakaupo na sila.
Sobrang lubog na ang Pilipinas. Hindi kakayanin ni Pres Noy ang lahat kaya bilang Filipino, let's do our part kahit sa simpleng pagpili ng mga leaders.
Ayun lang!
Comments