PPA


"And Jesus increased in wisdom and age, and in divine and human favor." Luke
2:52

Mga kabloggy, 11:35 na naman. zzzzzzzzz.

Ang blog ko ngayon ay tungkol sa PPA - pangarap, pananagutan at aksyon. Para sa kaalaman ng marami, ako ay isa sa mga founders ng isang Parish Organization sa lugar namin. Kaming founders ay binubuo ng mga Cancinos, Degocenas at mga malalapit na kaibigan.

I can't remember when we actually started pero sigurado akong more than ten years na ang samahan namin. Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang vision namin na ipapasa namin ang nasimulan namin hanggang sa mga kaapu-apuhan namin.

This morning, nabalitaan kong kukuha na ng leader na hindi namin kasamahan. At first, I was so mad at kagaya ng gustong mangyari ng kausap ko na hayaan na lang ang decision nila at abangan na lang kung anong mangyayari, parang nawala ako sa ulirat. After few minutes, I changed my tone. Sabi ko lang, "hindi tayo nagsisilbi sa mga leaders, nagsisilbi tayo kay Lord at mas mabuti kung ang susundin natin ay para sa kabutiihan ng nakakarami kahit na natatapakan ang pride natin."

I analyzed what happened at sa tingin ko nagkaroon nga rin kami ng pagkukulang kaya hinahanapan kami ng mga Oldies. Gaano man kadedicated ang president namin but we, members are not doing our part, non-sense. Ang pangyayaring ito ay kagaya rin ng nangyayari sa love/friend relationship, family, school, work, PYM/simbahan, community at country.

Lahat tayo bilang miyembro o part ng isang samahan ay may PANANAGUTAN lalo na kung may PANGARAP tayo kaya dapat kailangan nating umAKSYON.

Bigyan natin ng halimbawa para mas maintindihan:

Relationship - para kayo magsama ng matagal, may pananagutan ang bawat parties na maging matapat at panatilihin ang pagmamahalan. Hindi puwede iyong sya lang ang ganon, dapat pareho kayo.

Family - hindi ibig sabihin na sobrang sipag ng Nanay mo, inasa mo na lahat sa kanya ang gawaing bahay. Bilang anak, may responsibidad tayong maghugas ng plato, maglaba. etc.

School - hindi ibig sabihn na nagbayad ka ng tuition fees, feeling mo professor mo na ang dapat magturo sa'yo at hindi ka na mag-aaral masyado. May pananagutan kang gawin ang part mo para makapagtapos ka with flying colors.

PYM/Simbahan - pangarap mo ngang magkaroon ng isang samahan na mabubuhay sa kahuli-hulihang patak, hindi ka naman gumagawa ng aksyon. Ano kaya iyon? Tapos ngayong aalisin na, magrereact ka.

Work - kahit taga-deliver ka lang ng mails o taga-sagot ng telepono pero if you are doing your best sa mga assignments mo, malaking tulong na iyon sa company. Pagpasok nga lang on time, responsibilidad din. Ouch! (dati)

Community - hindi ka man isa sa mga nakaupo sa "Malacanang" pero kung may pangarap kang magkaroon ng isang maayos na pamayanan may pananagutan ka kaya dapat umaksyon ka. Huwag mong sasabihin sa bandang huli na kasi si ano e, kasi e. Kamutin mo na lang ulo mo kung puro ka kasi.

Pilipinas - hindi porket maayos na buhay mo, wala ka ng pakialam sa pagtaas ng VAT, kinukurakot na taxes, daan na palaging ginagawa. Bilang Pilipino, may responsibilidad tayo.

Masyado na bang mataas ang mga pangarap ko to include others na I'm not directly interacting with? Yan ang napapansin ko sa totoo lang. Some of us are not concerned kasi ang perception natin ay we are ok as long as we are ok. Pero parang hindi ganoon, you are ok because you are ok pero PANANDALIAN lang yan. Dapat ifix muna ang source para maging PANGMATAGALAN na ang pagiging ok.

Ang hamon ng blog na ito ay maging responsible tayo bilang miyembro ng isang samahan para magkaroon ng pangmatagalan na kasiyahan. Sa panahon ngayon, maging kagaya sana tayo ni Jesus na kahit bata pa lang Sya (sa pagbasa), iba na ang Kanyang wisdom. Viva Sto. Nino!

"And Jesus increased in wisdom and age, and in divine and human favor." Luke 2:52

Samahan niyo kaming ipagdasal na sana muling mabuhay ang sigla ng PYM.

bowowow. God bless everyone.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?