bonus blog


Hello mga kablogs! Ang tema ko ngayon ay wala lang. Inaantok na ako pero parang gusto ko lang magtype kaya pagbigyan na natin.

Alam niyo naman ang history ng aking career. Ako iyong tipong hindi mapirmi. hehe. Pero hindi yan ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Iniiwanan ko man ang trabaho ko, hindi ko naman iniiwan ang mga relationships ng pagkakaibigan na nabuo ko. Kahit nga mga kaklase ko hanggang ngayon BERKS pa rin kami.

Nasurpresa lang ako ng isang munting package galing sa katrabaho-kaibigan ko from Cincy. Nakakatuwa lang na ganoon pala siguro ako kabait (naks) na nag-iiwan ako ng magandang alaala sa mga taong nakakasama ko. Ang hindi mag-aagree, walang chocobot.

Magnilay-nilay tayo kung paano ba tayo nakikitungo sa mga kasama natin sa trabaho at tanungin ang ating mga sarili na kapag umalis ba tayo sa current department natin, will our officemates be happy dahil nawala na ang tinik sa kanilang lalamunan or will they be happy sa kadahilanang alam nilang naggo-grow ang ating career pero huwag ka umiiyak ang kanilang mga puso dahil napalayo ang isang kaibigan...

zzzzzzzz.


Comments

"Shel" said…
applicable rin sa klase. Sikreto ko - maging mapagpakumbaba, maging instrument ng pagmamahal, pagbatiin ang mga hindi nagkakasundo kahit sa pamamagitan lang ng hindi pakikisali sa alitan at pagpapaniwala sa tao na mabuting tao ang kagalit... etc. etc.

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?