DAKILANG PAGSUNOD


Makabagbag damdaming Teatro.... May dalawang lalaking mahuhulog sa bangin. Pareho nilang panalangin ay:

"Panginoon, iligtas Mo po ako. Anumang iutos Niyo ay gagawin ko."

Tumugon si Hesus, "Bumitaw kayo at magtiwalang ililigtas ko kayo."

Sabi ng isang lalaki, "ano 'ko tanga? Gusto ko ngang maligtas tapos papabitawin Mo ako."

Ang isang lalaki naman ay sumunod sa utos ni Hesus, bumitaw at.......

What can I do kapag maaga pa pero hindi na ako makapag-aral dahil exhausted na sa mga nangyari ngayong araw na 'to? Syempre magblog. Yahoo!

Buti na lang I managed to finish HAVE A LITTLE FAITH by Mitch Albom habang bumabiyahe kanina papunta sa airport. Nakakasuka iyong biyahe na iyon ha at balikan pa. Grabe. Super Duper.

Naalala ko lang ang isang kabataan nag-apply sa isang kumpanya (H Kompany). Dala-dala ang kanyang CV at nagtangkang pumasok sa gate ng HK. Pero sabi ng guard hindi raw siya puwedeng pumasok.

Kinabukasan, may natanggap na lang akong message. "Ate Shel, baka may kakilala ka sa HK para makapasok ako sa loob?"

Dali-dali naman akong gumawa ng recommendation letter pero dahil nga nagmamadali nagkamali ako sa birthdate niya.

Sabihin na nating ang taong ito ay parang si JADO na kahit maganda ang setting, ang makikita pa rin ay MALI. Kahit positive ang mga bagay-bagay, nakafocus pa rin sa NEGATIVE.

"Ate Shel, baka magkaproblema tayo dahil mali iyong birthdate na nailagay mo?" sabi niya.

Sagutin ko ba naman ng, "Ineng, unang-una sa lahat hindi mo kailangan ng recommendation letter. Noong inapproach mo ang security guard, you were not confident. Kailangang mong magtiwala sa sarili mo na qualified ka sa job na inaapplyan mo. Ikalawa, ako na ang nagrecommend sa'yo. Magtiwala ka sa akin. Magtiwala ka."

Hiningan pa rin ako ng additional letter at ilang mga documents para nga maprove na sya ang tinutukoy ko at kami ay may connection. Mabuti na lang naconvince ko rin.

Nakapasok nga sya at sinalubong ko pa siya sa elevator at tuwang-tuwang sinabi, "sabi ko sa'yo e, magtiwala ka lang. Maging positive ka lang at ang lahat ay magiging maayos."

Sabi niya, "Te Shel, nagbayad ako ng Php500 sa isang taga-rito para papasukin ako dahil kinabahan ako sa letter na ginawa mo."

Hindi ko lang pinahalata pero gustong-gusto ko na siyang sapukin ng tatlumpung ulit. Naiinis akong nag-aksaya ako ng panahon tapos hindi naman pala naniniwala sa sinasabi ko. Sa isip-isip ko, simula ngayon bahala ka ng dumiskarte sa buhay mo.

Dakilang pagsunod. I need to extract something from this experience. This is not fun at talagang napagod ako. Mabuti na lang talaga natapos ko na iyong book ni Mitch Albom kaya irelate natin ang mga pangyayari. Hindi natin napapansin ganyan tayong makitungo kay Lord. Sobrang panalangin tayo pero hindi tayo nanampalataya/nagtitiwala. Para tayong isa sa mga alagad na gustong maligtas pero nang sabihan ni Hesus na bumitaw siya he didn't obey.

Kapag nananalangin tayo ng isang magandang trabaho, puro pa rin tayo worries at inip na inip na ang tagal ibigay sa atin ang panalangin natin.

Mahirap lang talaga pero kung mananampalataya na He is the way, He is full of mercy, He is loving God, He is the great provider we don't have to worry at all. Kaya minsan hindi tinutugon ni Lord ang panalangin natin kasi may mas maganda Siyang plano. Sobrang pilit ka sa H Kompany iyon pala He is preparing something better for you sa Kuala Company. Gustong-gusto mong makapasa sa Accountancy, iyon pala mas magaling ka kapag Economics ang course mo. etc. etc. etc.

Natuto na ako sa nangyari sa aking noong 2009. I was so worried na halos lahat ng companies sa iba't-ibang bansa, inapplyan ko tapos ayun pala may nakahandang magandang trabaho para sa akin. Hindi pa rin ako stable sa trabaho ko at anytime puwede akong bumalik sa Pinas. Pero, iba na ako ngayon, stronger na ang faith ko. Anuman ang mangyari sa buhay ko as long as I'm doing my part, God has reasons. All I need to do is OBEY! bey. ay bow pala.

Siguro nga dapat tayong manalangin na dagdagan pa ang ating pananampalataya. Hanggang dito na lang at sana ay naenjoy niyo ang aking BLOG.

God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?