Usapang ABO, Usapang Seryoso.

ABO!

Hello mga kablogs. Alam niyo bang ASH Wednesday ngayon?

Napaisip ako kagabi kung mapapabuti ba ako sa HK. Malapit na malapit nga sa bahay namin pero parang napapalayo naman ako kay Lord. Isip ako nang isip how can I attend mass today, tumawag pa nga ako sa isang simbahan pero dahil hating-gabi na, wala namang sumagot. At dahil late na akong nakatulog, good luck kung makabangon ako agad. In short, hindi ko na natawagan ulit ang simbahan at kailangan ko namang pumasok na.

Pero sa tingin ko, ako ang may kasalanan dahil sa aking katam. Kaya't sabi ko, may youtube naman kaya dapat magsimba ako. Good luck ulit kasi ahead pala ang HK sa Canada kung saan nirerecord nila ang daily mass. Kaya bukas pa ako makakanood ng misa. haaaay.

Sa totoo lang hindi ko alam kung noong bata ako meaning hindi pa masyadong busy sa mga bagay-bagay, kung naiisip ko bang magsimba kapag may misa lalo na iyong mga makabaluhuan. Iyong tipo bang ilang hakbang lang nasa simbahan na ako pero dahil wala pa sa isip ko ang kahalagahan ng misa kaya binabalewala ko lang. Nandyan na, inihahain na, pero dahil nga available anytime, hindi ko ginrab ang pagkakataon.

Connect connect connect.

Si Tita Deth kapag umuuwi sa Pinas naiinis siya kapag cellphone kami nang cellphone. Hindi raw namin siya kinakausap bagkus busy kami sa mga electronics. Tapos paalis na lang siya hindi pa namin namaximize ang time na makabonding siya.

Bigla ko lang naalala ang kuwento ng kaibigan ko. Sabi niya sa pabrika raw nila mayroon daw time na nagkakausap ang bisor at mga factory workers ng sarilinan. Scheduled talaga ang meeting at hindi puwedeng i-skip. Nararanasan naman na niya raw ito dati pa pero ngayon siya ang bisor. Tuwang-tuwa siya habang binabahagi ang mga usapan nila ng mga katrabaho niya. Sabi niya, "ang dami ko palang hindi alam sa mga kasamahan ko." At dinagdag pa niyang marami siyang natutunan sa mga pag-uusap na iyon. Siguro rin daw kahit paano habang natuto siya, may naituro rin siya sa kanila.

Bigla ko na namang naisip na sana sa loob ng bahay mayroon ding scheduled meeting. Iyong wala kang ibang hawak na gadgets at talagang nakasentro lang ang usapan sa inyong dalawa - nanay sa anak, kapatid sa kapatid o nanay sa tatay. Hindi kaya sila masurprise na marami rin pala silang hindi alam tungkol sa mga kasama nila sa bahay? hmmmm.

Eh kung usapang simbahan... Kailan natin papahalagahan ang misa? Kapag nabalian na tayo ng buto at hindi na makalakad? Kailan nating hahayaang kausapin tayo ni Lord? Iyong tipong ilalabas mo lahat ng hinaing mo pero bibigyan mo rin siya ng time magsalita habang nakikinig ka? 24 hours sa isang araw times 7 tapos 1 oras lang hinihingi sa'yo, d' di mo pa maibigay? Grabe ka. hehe.

Paano, I really need to sleep. Hanggang sa muling pakikipagtalakayan. If you need me, please comment on this blog or shoot me an email (kung alam mo). Nakablock ang ibang websites sa laptop ko. Biglang nasira. ggrrr.


God bless us all! Usapang ABO, Usapang Seryoso. Bow!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?