Wise and Foolish Builders





The rain poured, the rivers flooded, and the wind blew and struck that house, but it did not collapse because it was built on rock.




Hello mga kablogs! 9:30pm. Day-off ko ngayon at sana nag-aral ako pero I took this day easy. Inenjoy ko ang panonood sa idol kong si SG. hehe. Tapos, ang finale pa nga ay orchestra "concert."
Dahil dyan may 2 lessons akong ishashare sa inyo. Una, best things in life are FREE. Siguro ang bayad sa mga ganyang concert ay mahal pero dahil ako iyong tipo ng taong kapag may mamimigay ng papel, kukunin ko. Or kapag may mga ads, hindi puwedeng hindi ko babasahin. Kahit nga mga newsletter sa office, bago ko idelete kailangang naiscan ko muna iyong mga messages. At kapag may mga job postings, isesend ko pa yan sa mga kaibigan ko. (let me know kung gusto mong makareceive) Hindi natin alam, minsan may mga bagay na inooffer ng libre ang mundo pero dahil hindi tayo nagbibigay ng attention, napapalagpas natin. Bottom line, this concert was free. Hindi man ako fanatic ng orchestra, pinuntahan ko lang talaga kasi nga libre at parang gusto ko ring mafeel manood ng concert. bow 1.

Pangalawang lesson, palagi akong puyat kaya kanina antok na antok talaga ako tapos naligaw pa ako kasi sinubukan kong magTRAM. Kaya napapapikit ako at sabi ko sana natulog na lang ako sa bahay. Dahil ako rin ang tipo ng taong kailangang kapag may bagay na ginawa, may napala; kaya sabi ko ano nga bang naidulot sa akin ng pagpunta ko sa concert na 'to. I was observing them too much tapos bigla kong naalala ang isang team, grupo, pamahalaan, eskuwelahan, etc. (as long as my leader at may mga members).

Iba't-iba ang instruments sa orchestra -violin, viola, cello, keyboard, bass, flute, piccolo, oboe, etc. at siyempre may mga tumutugtog at may kumukumpas. Naihalintulad ko lang sa isang team na iba't-iba mang klase ng personalities pero kapag tama ang kumpas ng leader at tama ang tugtog ng bawat instruments, maganda sa pandinig. Kagaya rin sa choir, may soprano, baho, melody. Mas maganda iyong iba-iba kesa pare-parehong baho o soprano. Kahit gaano kagaling ang nagbaviolin don, mas naappreciate nong kasama siya sa orchestra.

Sa PYM, iba't-iba rin ang personalities ng mga kasama ko. May mga taong ang hirap pasunurin, may mga magagaling pero hindi naman sumusunod sa mga sinasabi naming mga leaders, may mga tahimik lang pero magagaling, may mga maaasahan pero wala namang time, may mga pasaway pero magagaling naman kapag kailangan sila, etc.. Kaya bilang leader, nakakachallenge kasi paano namin mapapagkaisa ang mga kabataang 'to. Minsan pa kapag nagmimeeting kami, ang hirap nilang iplease lahat kasi nga iba't-iba ang takbo ng isip. Pagsasalitain lang namin silang lahat tapos kapag nagsalita na ang mga leaders, nag-iiba na iyong pananaw nila. Naintindihan na nila kung bakit ganoon at bakit hindi ganyan.

Natutuwa lang talaga ako kasi nga doon sa orchestra. Ang ganda ng tugtog nila kasi nagkakaisa sila. Tapos napansin ko rin na iyong kumukumpas ay hindi angat sa kanila. Iyong iba kasing leader, dahil leader dapat halatang leader siya. Kunwari, green ang kulay ng damit tapos siya magbablack para aangat sya. Iyong tagakumpas nakakatuwa pa nga kasi nakatalikod sya sa mga tao. (Syempre hindi sya nakita ng mga musikero kapag nakaharap siya sa audience). Ang dating sa akin, bilang leader dapat hindi lang ikaw ang sikat. Dapat lahat kayo at sabay-sabay lang kayong magpapakilala sa mga tao hindi iyong ikaw exposed ka na at mahuhuli mga members mo. Para lang leadership ni Jesus na imbes na Siya ang pagsilbihan, He chose to serve.

Oh, paano matutulog na ako bago pa gisingin ni Jado ang inaantok kong isip. :-)
- Magmasid-masid baka may mga libreng inooffer sa'yo ang mundo, sayang naman. Be wise.

- Kung ikaw ay member ng isang grupo, ano ang puwede mong gawin para maging maganda ang tugtog ng buong grupo niyo? Kung ikaw naman ay leader, magpakumbaba at kapag kumilos siguraduhin mong lahat kayo ay aangat.

Isang mapagpalang linggo sa lahat. Ash Wednesday pala next week, magfasting tayo hindi lang sa food pero sa FB na rin.

Look at that, I can write now in 30 minutes. :-) Improving etets.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?