Happy Easter 2011






This is not the time to praise yourselves. Do you not know that a little yeast makes the whole mass of dough rise? 1 Co. 5:6

Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto parang super enjoy sa pagfafacebook. hehe. Dami ko tuloy mga dapat gawin. May ginawa akong video, habang hinihintay kong mag-upload sabi ko magbablog na muna ako.

Wala ako sa posisyon para magbigay ng Success Secrets kasi hindi pa naman ako successful pero gusto ko pa ring ibahagi ang ilan sa mga secrets ko kung bakit feeling ko ay papunta ako sa pagiging successful.

Siyempre, unang-una na dyan ay nagbabahagi nga ako, hindi lang kaunting Treasure (4S principle) pero nagbabahagi rin ako ng aking super duper precious Time (I'll explain more sa video na ginawa ko) at Talent (blogging at ilang mga techniques at paniniwala sa buhay).

Gusto kong magfocus sa isa sa mga strategy ko sa buhay na pakiramdam ko ay talagang nakatulong ng higit sa akin kaya narating ko ang mga nararating ko (kung anuman iyon. hehe).

Sarili ko lang ang kakumpetensya ko. Tanggalin ang inggit sa kapuwa. Bawal ang mayabang.

Kung nagbabasa kayo ng mga blogs ko, siguro nalaman niyong noong HS sobra ang pag-aaral ko para mapatunayang deserving ako sa honor ko nong Elementary. Salamat sa Diyos at nawakasan ang pagiging competitive ko pagkatapos ng HS. Simula college (ito rin ang simulang nakikilala ko na nang husto si Hesus), focused lang ako sa sarili ko. Kapag nag-aaral ako at during exams, wala na sa isip ko ang competition kasi naniniwala akong ang lahat ay maaaring magtamasa ng kaginhawaan. Universe is not limited to provide good things kaya hindi na dapat mag-away-away para sa Top 1 o best thing.

Nong nagtatrabaho ako, wala rin sa akin ang competition. Taasan nila sahod ko, salamat na lang. Nasanay kasi ako na walang increase-increase ng sahod kasi nga madalian lang ang stay ko sa mga companies na pinagtatrabahuhan ko.

Hanggang sa napasok ako sa isang kumpanya na by the book ang paggrade sa performance ng mga employees. Nagsimula ako sa kumpanyang ito noong 2007, sa awa ng Diyos nandito pa rin ako sa kumpanyang ito. It's funny kasi ngayon ko lang naintindihan ang sistema kung saan nakukuha ang taas ng sahod at bonus namin. Binibigyan pala kami ng grades bawat isa tapos ikukumpara sa mga kasamahan namin. Honestly, nanlaki talaga mga mata ko noong nalaman ko 'to at ang tingin ko sa mga katrabaho ay kakumpetensya na haharang sa akin para hindi ako maging NUMBER 1. Naalala ko pa na I made one thing na gusto kong i-impress boss ko tapos ang kinahinatnan WALANG KUWENTA ang ginawa ko. Napahiya lang ako.

Nagnilay-nilay akong muli. Itinuwid na muli ang direction ng career ko, ng buhay ko. Sa halos walong taon ng pagtatrabaho ko (apat na taon sa kumpanyang ito), sarili ko lang ang kinalaban ko. Hindi ko ni minsang tinignan ang katrabaho ko na kakumpetensya, anong kinahinatnan ng attitude kong ito? Maayos naman ako sa trabaho. Hindi man ako narerecognize ng mga managers ko, naniniwala akong sa bawat araw ko sa trabaho ay napapasaya ko ang mga customers namin at higit sa lahat ay nag-iiwan ako ng magandang halimbawa ng isang mabuting team player.

Kagaya rin sa mga buhay natin, we tend to compare ourselves sa ibang tao. Bakit ang kapitbahay ko ay may kotse bakit kami wala? Bakit ang kamag-anak ko ang yaman nila, bakit kami hindi? Bakit iyong kaklase ko noong HS, may mataas na sahod, bakit ako hindi? Bakit iyong mga kapatid ko, ang gaan-gaan ng buhay, bakit ako naghihirap? At maraming-marami pang iba.

Sa totoo lang sa tuwing ikukumpara natin ang ating mga sarili sa ibang tao, pinapalungkot lang natin mga sarili natin. Kailan nating maiintindihan God has reasons sa lahat ng mga nangyayari sa atin? Si Hesus ay anak ng Diyos. Siya ay Hari. Pero naramdaman ba Niya ang pagiging hari na nararamdaman ng mga hari sa present time? Magnilay ka kaibigan...



Bawal din ang mayabang.... sa susunod na blog na lang.



Time out na.




God bless us all and Happy Easter!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?