Holy Monday 2011




"The poor you always have with you, but you will not always have me." Jn. 12:8

Hello mga kablogs! Heto na itatype ko na iyong nasa isip at puso ko kahapon pa. Kailangang batahin ang antok para may magawa namang kabutihan kahit paano ngayong Holy Monday 2011.



Ang ating pagtsitsismisan sa blog ko ay ang aking kaibigang si Maria. Siya ay promdi at gaya ko galing din siya sa mahirap na pamilya. Nagkataon lang na napag-aral siya ng kanyang mga magulang kaya nararanasang makapagtrabaho sa Maynila. Hindi naman kalakihan ang suweldo pero dahil nasa Maynila na, madaling-madali na lang sa kanyang makapunta sa Enchanted Kingdom (theme park sa Lagoona) at sa ibang magagandang lugar (Luneta, Manila Zoo, etc.). Kapag lumuluwas, palagi rin siyang nagsu-Supercat (the fare is more expensive than malaking barko) dahil sobrang hectic ng schedule kaya she can't afford to take roro dahil nga matagal ang biyahe.


Muntik na akong maiyak habang isinasalaysay niya ang usapan ng kanyang ina matapos ang isang masayang reunion ng buong family nila.


Ina ni Maria: Anak, wala ka ng pera. Sana nakabili ka na ng biik pero mas pinili mo pa ring gastusin ang pera mo para mapapunta mo kami sa Maynila, maranasang makasakay sa Supercat at makapasok sa Enchanted Kingdom.


Maria: Inay, masaya po ako kapag nakakasakay ako sa Supercat, nakakapagride sa Enchanted Kingdom at nakakatuntong sa Maynila. Sobrang saya ko po talaga, hindi ko inaasahan ang mga blessings na ito. Simula po ng maranasan ko ang mga bagay na ito, itinanim ko na po sa isip ko na ipaparanas ko ang sayang nararamdaman ko sa mga mahal ko sa buhay. Ipaparanas kong lahat ito sa inyo.


(Lalo lang napaiyak ang ina ni Maria.)


Maria: I can buy all the (necessary) things I want but I'd rather spend my money in the things that we can enjoy together. (NapaEnglish tuloy ang promdi)


I second my friend, Maria. Siguro kung ako rin ang nasa katayuan niya, I will do the same. Kagaya rin ni Maria, natutuwa rin ako kapag nagkakasama-sama kami ng mga kapamilya ko. Marami ngang nagtataka kung bakit daw ako uwi nang uwi lalo na nong nasa Bermuda pa ako kasi sobrang mahal ng pamasahe. Inipon ko na lang daw sana para makabili ng bahay at lote o kaya sasakyan.


Ang katuwiran ko kaya ka nga nagtatrabaho sa ibang bansa e. Para mabigyan ng magandang buhay ang family mo at siyempre bilang reward sa mga OFWs, ienjoy ang vacation kasama ang mga mahal sa buhay. Aanhin ko ang magandang bahay o magarang sasakyan kung pagbalik ko sa Pilipinas, watak-watak naman ang family ko dahil nag-aaway-away sa perang pinapadala ko. Mabuti pang gastusin ang pera sa isang reunion na magiging lalong bonded ang family.


Natuwa rin ako sa katuwiran ni Maria na gusto niyang iparanas ang saya sa family niya. Bihira ang mga taong ganon. Karaniwan kasi sa atin, mapagsarili tayo. Kunwari, maayos buhay namin at sinasarili na lang lahat kahit alam naming may nangangailangan ng tulong namin. Iyong para bang ang hirap-hirap magpahiram ng pera at magbigay ng libreng tulong.


Bihira iyong taong nakakaranas ng kaginhawaan at gustong iparanas sa iba. Eh kung halimbawa ganito - Umaasenso (umaayos) ang family namin dahil nakapagtapos ng pag-aaral ang ate ko kaya naniniwala akong aasenso rin ang buhay mo kapag may makakapagtapos sa family mo - tutulungan kita sa kahit na katiting na paraan. Maayos ang career ko kasi ganito akong empleyado at gusto kong maging ganon ka rin - pipilitin kitang iinspire, papalabasin ko talents mo at pipiliting bawasan mga nega habits mo. Maayos akong kapamilya/kamag-anak/kaibigan/etc - pipilitin kong maimpluwensyahan ka ng mga kabutihan ko (kung meron man). Maraming marami pang iba. It's really happy whenever we experience good things. But it's even happier when we can share that feelings to others.


Tamang-tama kasi magpapasukan na. Baka gusto mo kaming samahang iparanas ang saya sa mga piling estudyante habang inaabot natin ang mga diploma natin nong college graduation natin? Bukas po ang aming pintuan sa anumang tulong na ipagkakaloob niyo. LAPIS = LABIS. 4S, NHS at Capri Sch Fnds.


O sa sariling pamilya mo na lang. Kung nasasarapan ka sa Magnolia ice cream o Andoks chicken, maano ba naman iyong isurprise mo sila isang gabi ng Php99 3-in-1 ice cream or chicken wings? Tignan lang natin kung gaano silang magiging masaya.


Maraming pangyayari sa mundo na nagbabadyang may katapusann ang pagstay natin sa dito sa lupa. We just don't know when will be our time pero definitely lahat ay magtatapos. Ipapaalala ko lang pong hindi nabibitbit sa langit ang titulo ng bahay at lupa o plate ng Toyota car o kahit na stock certificates. Lahat ng iyan ay iiwanan natin sa lupa. Mabuti ng mag-iwan ng magagandang alaala sa kapuwa. Life is short. Bow.







http://www.youtube.com/watch?v=GevT6Fa0n4Q

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?