Holy Wednesday 2011
Hello mga kablogs! 10:59pm. In fairness, mas maaga akong nakauwi ngayon - hindi lagpas ng 10pm. Nyahaha.
Bago ako magfocus sa pagbasa ngayong Holy Wednesday, magkukuwento lang ako saglit tungkol sa mga araw ko sa trabaho. Wala lang, parang hindi na ako tinantanan ng issues kaya nga kagabi kahit antok na antok ako kailangan ko pa ring magstay. Idagdag pa iyong mga pending bago ako magbakasyon kaya good luck sa things to do ko PENDING ISSUES PLUS ADDITIONAL ISSUES = STRESS.
Kaninang umaga, gustuhin ko mang pumasok ng mas maaga sa normal kong pasok talagang nagpatagal ako. Feeling ko kulang na kulang ako sa pahinga kaya sabi ko Bahala na. Pagbangon ko, same rituals - basa ng bible, nood ng youtube, etc. Pagdating sa office - nagdasal (didache reflection), kumuha ng isang timbang tubig at sabak sa mga issues.
Ang galing kasi unti-unti naming nakiclear ang mga issues tapos natuwa na lang ako na iyong mga critical issues na kinaharap namin, solved na pala.
Natuto kasi ako sa reflection - powerful daw ang mga salita eh parang napansin ko sa sarili ko, puro pagod lumalabas sa bibig ko kaya ayun binigyan nga ako ng maraming pagod. Kanina, meron pa ring mga nega pero kaunti na lang. hehe. Kaya siguro mas naging lighter ang araw.
In short, nandyan palagi ang issues sa paligid natin at lahat tayo ay nakakaranas non. Nagkakatalo lang kung paano natin iaapproach ang mga issues. Haharapin mo ba ang issues sa sarili mo lang kakayahan o isusuko mong lahat kay Lord at hahayaang Siya ang kumilos? bow 1.
Pagbasa reflection. Yari na naman si Judas. Buti pa 'tong si Judas, nahighlight sa bible. Pasaway na nga nahighlight pa rin. Parang naaalala ko sa katauhan ni Judas na kahit napakaliit na halaga ay ipagbibili ang kaluluwa. Sa pagboto lang. Sa halagang Php150.00/Php300.00/Php500.00 nabili na ang boto mo tapos magrereklamo ka kapag tiwali ang mga namumuno. Or sa bahay o trabaho - naalaala ko nong bata ako nalaglag pera ng pinsan ko tapos tinanong kung sino raw ang nakapulot, hindi ako umimik. Haha. Ang sagwa ng ganoon. Ang akin lang gustong sabihin, huwag nating hayaang masira ang mga sarili natin ng dahil lang sa mga katiting na halaga.
Holy Thursday 2011
In case hindi ako makakapagblog agad bukas ng gabi, magsasabi na ako ngayon kahit na kaunti. Last day kasi bukas ng katrabaho ko kaya parang magdidinner kami kasama siya. Sobrang pinag-isipan ko kung sasama ba ako o hindi kasi nga nakaleave ako sa hapon. Una kong naisip, bumili na lang kaya ako ng something para mag-eexcuse na ako sa gabi. Pero, mas nanaig sa akin iyong gusto kong makasama siya sa "huling" bonding ng team namin na kasama siya. Narealize ko lang na dapat talagang pinapahalagan ang relasyon natin sa mga kapuwa natin kasi hindi natin alam baka huling pagkakataon na para makasama natin sila. Nakakaiyak iyon....
Ayun lang. Matutulog na ako.
God bless us all!
Comments