Lead Me Lord (LML)
Blog 1 of 2 (Holy Monday and Palm Sunday) 10:40pm.
Sobrang napakahirap talagang bumalik sa isang bagay na ginagawa mo after mong makapagbreak ng ilang araw. Bumangon pa rin naman ako at pumasok.
Habang nagninilay-nilay kanina sa kung paano kaya kung bigla akong mawalan ng trabaho? Paano kaya kung maiba ang pangyayari at hindi naaayon sa kagustuhan ko? Paano kaya? Parang imbes na ganahan sa trabaho, lalo tuloy akong tinamad.
Hanggang sa pag-uwi nga iniisip ko pa rin iyon. Bigla ko na lang naiconnect ang homilies nina Fr. sa Northpoint at Bishop Tagle - Jesus knew that he will suffer and die pero binata pa rin Niya ang cross Niya. Ilang beses din Siyang nagdasal kay God at palagi lang Niyang winawakasan na Your will be done.
Iyong mga homilies na narinig ko, they both pointed out na ang cross ay hindi lang sign ng pagpapakasakit but also sign of victory. We all know na after 3 days ng pagkamatay ni Hesus, He will rise again.
Bakit ko nga ba iisipin ang mangyayari sa akin? Marami akong pagdaraanang pagpapakasakit pero kapag ang sentro ng buhay ko ay si Hesus, wala akong dapat alalahanin dahil madapa man ako, malungkot man ako, mabigo man ako, He will raise me up.
Life is so short. Why will I think tomorrow, if I can have fun today.... (continuation in Blog 2 of 2)
God bless us all!
Comments