The Lord's Passion

Hello mga kablogs! Katatapos ko lang umattend ng service for Good Friday (Lord's Passion). Minsan, hindi ko maintindihan sarili ko. Taun-taon ko namang ginagawa pero taun-taon din akong naiiyak kapag veneration of the cross na. Siguro naaalala ko lang kapag Good Friday sa Pilipinas.



Gaya nga ng palagi kong sinasabi, kapag Good Friday, kaming magkakabarkada nakaitim dapat tapos ala-una pa lang nasa court na kami kasi makikinig din kami ng 7 last words, tuloy-tuloy na iyon hanggang sa procession na naman.



Kapag Good Friday, as in isnaban kami. Kahit nga sa bahay e, kanya-kanya. Paano ba naman, mga pagod lahat kaya pagkatapos ng procession sa umaga, kanya-kanyang tulog na at gigising na lang before 1pm. Wala ring kainan kasi number 1 nanay namin sa fasting. Maganda na rin na ganito kami nasanay na walang pansinan para super focused kaming lahat pagdating sa simbahan.



Kapag Good Friday, asahan mo ang misa ay napakahaba. Ang haba-haba ng pagbasa at ang dami-daming extras. Kung hindi nga naiintindihan ng parishioners ang ginagawa nila, hindi talaga maaabsorb ang mensahe ng pagkamatay ni Hesus. Sayang lang. Natulog na lang sana sila sa mga bahay nila.



Naiiyak ako kapag sinasamba na ang cross tapos sasabayan ng kantang "Rugged Cross at Were You There." Kahit wala ako sa panahon na ipinako nila si Hesus, hindi ko talaga maiwasang maluha na hanggang ngayon ang gulo-gulo pa rin ng mundo. Alam na nga nating nagkakasala tayo pero pinagpapatuloy pa natin. Alam na nga nating masaya si Kristo kapag nagmamahalan tayo pero patuloy pa rin tayo sa pag-eentertain ng inis at galit sa mga kapuwa natin, etc.



Kapag natapos na ang Good Friday, medyo nakakaramdam na rin ako ng saya kasi malapit na. Malapit ng matapos ang pagsasakripisyo ko. Kapag kuwaresma kasi, dapat daw hindi kakain ng meat kapag Fridays at iba't-ibang mga bagay na kinakahumalingan mo like facebook, cell phone, chocolates atbp.



Ano nga bang connection ng fasting sa mga buhay natin? Sa akin simple lang at natututunan ko rin sa mga homilies ng mga magagaling na pari. Kapag nakaya raw nating magfasting ibig sabihin kaya rin nating tanggihan ang kasalanan. Isang halimbawa ay napagtagumpayan kong iwasan ang chocolates sa buong kuwaresma at hindi nagbukas ng facebook ni minsan. Kapag may ginawa ang kapuwa ko sa akin na super nakakainis at talagang masasapok ko na siya at kung puwedeng tirisin ginawa ko na rin. Iisipin ko na lang na nagawa ko ngang iwasan ang favorite chocolate ko, bakit hindi ko mapapalampas ang inis na 'to? Sa halip na nainis, nagtimpi na lang ako at nag-ipon ng lakas ng loob para sabihan siyang foul na ang ginagawa niya na kinaiinisan ko na. Nakaiwas na ako sa kasalanan, natulungan ko pang malaman ng kapuwa ko na may nagagawa siyang hindi siya aware na nakakainis na pala.



Sunod naman ay Easter Vigil, kung mahaba ang Good Friday, mas mahaba 'to. Mas maeenjoy mo lang ang Easter Sunday kapag nabata mo ang Triduum (Holy Thursday, Good Friday at Block Saturday). Sa pananampalataya ng mga Katoliko, hindi ginawang holidays ang mga araw na iyan para magkaroon tayo ng time magbakasyon at gumawa ng ibang mga bagay. Ginawang holiday ang mga araw na iyan para makadalo tayo sa mga gawaing simbahan. Pananampalataya nga ba ito ng mga Katoliko o ng mga piling Katoliko? Hmmmmm



Ayun lang! God bless us all.



Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?