Kilala Mo Ba Ako?





"But you, who do you say I am?" Mt. 16:15


Hello mga kablogs! 12:00nn HK time. Inaantok ako kaya lang aalis na rin ako mamaya kaya magbablog na lang ako.




Hindi ko pa rin alam ang kasagutan sa issue na kinakaharap ko. Sa totoo, nong bago pa lang iyong problema, tamad na tamad akong magtrabaho. Tapos, parang lahat ng energy ko nakatuon sa pagsolve ng problemang iyon. Simula sa pag-a-update ng CV hanggang sa pagtingin-tingin ng job vacancies.




Sa (medyo) dami ng pinagdaanan ko I can't say na malalim na ang faith ko. Binigyan na kasi ako ng reason to be happy pero binalewala ko pa rin at nangibabaw pa rin ang financial problem. Hanggang sa nakipaglaro si Lord at binigyan ako ng ibang alalahanin. (Hindi ko na idedetalye.) Siguro sabi Niya, "Ang kulit mo Shel. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kilala. Dahil dyan, bibigyan kita ng alalahanin para hayaan mo na akong magsolve ng main concern mo."




It's really hard to know Jesus lalo na kung hindi tayo regular na nakikipagkita sa kanya - via mass, bible reading, prayers, etc. Buti na lang at kakilala Siya ni Peter. Pogi points tuloy si Peter. Marahil ay hinahamon tayong lahat na kilalanin nating mabuti si Hesus na para bang best friend na palagi kang may connection. Hindi ka lang lalapit kapag kailangan mo ng tulong. Kung hindi kahit na sa oras ng kasiyahan. I'm sure life will be happier kapag nakilala natin nang husto si Jesus.




bow.




Tungkol sa recent post ko about my Lolo. Matanda na siya at pinapaniwalaang may anting-anting kaya ang haba ng buhay (96 y/o). Naaaawa lang ako sa mga balitang naririnig ko dahil nga matanda na siya at hindi na kayang gawin ang mga bagay-bagay on his own. Kaya, nong nakareceive ako ng text from my mother balewala na lang. Sa isip-isip ko mas ok na iyon kesa mabuhay pa. Tanong ni Nanay habang magkausap kami sa cell phone, "uuwi ka?" Walang agam-agam, sinabi ko agad. "Hindi! Wala na akong VL."




Before this incident, may kaibigan akong nagkasakit nang malubha ang Tatay at wala ring pag-aalinlangan nagbook ng mamahaling ticket just to be with her father. Though, closer ang relationship ng Anak-Tatay kaysa Apo-Lolo, humanga ako sa ginawa niya.




Nakapag-isip-isip tuloy ako at nagsisisi sa ginawa ko lalo pa't nong pinagpayuhan ako ng kaibigan kong ang pag-uwi ko raw in case something not good will happen to my Lolo ay malaking tulong para maibsan ang kalungkutan ng Nanay ko. Haaaay. Tapos, bigla nang bumalik ang mga encounters ko with my Lolo lalo na nong nagbabakasyon kami.








  • Hindi mo na kailangan ng dentista kapag masakit ang ngipin mo dahil sinulid lang kaya niya nang bunutin ang umuugang ngipin.




  • Mahilig siyang tumambay sa terrace ng bahay nila.




  • Matangkad siya pero dahil sa katandaan nakayuko na kapag naglalakad.




  • Kahit matanda na, he can make his own meal.




  • Mahilig magnganga.




  • Ang tawag niya sa akin ay Heidi.




I love you po Lolo. Kung gusto niyo na pong lisanin ang mundo, go ahead po. Salamat pong muli sa pagbibigay ng Nanay namin. Kung hindi dahil sa inyo, wala rin kami sa mundo.




bow 2.




Patalastas:




Happy birthday kay Yaying! Sobrang sweet na pamangkin. Magpapakabait pa lalo ha. mmmwah.




Samahan niyo akong ipagpray si Leo P. na sana ay mangyari sa kanya kung anuman ang kalooban ng Diyos.




Gayundin si C. C. na sana ay makahanap na ng best job na nakalaan para sa kanya.




At, katuparan ng lahat ng 4S prayers kung ito ay ayon sa will nin Lord.




Isang mapagpalang Linggo sa lahat.


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?