9/11/11
"In fact, none of us lives for himself, nor dies for himself. If we live, we live for the Lord, and if we die, we die for the Lord. Either in life or death, we belong to the Lord." Romans 14:7-8
It's blog time. Gustong-gusto ko ang weekends pero ayaw na ayaw kong naglalaba kaya hirap na hirap akong simulan ang weekend ko. Naglaba ako kahapon tapos hindi pa natuyo kaya isinampay ko ulit kaninang umaga. Hindi ko napansing umulan sa labas kaya noong kukunin ko na iyong sinampay ko, inis na inis akong dinampot sa semento ang pinaghirapan kong labahan...
We don't know what will happen tomorrow kaya nga sinasabing seize the day. Gaano man nating pinaghihirapang pagandahin ang mga pangalan natin, maging mayaman, maging makapangyarihan, maging matalino hindi natin alam kung kailan tayong muling babalik sa abo, muling babalik sa Kanya.
Kamakailan, sunod-sunod ang mga nangyari sa aking paligid, sa aking pamilya. Nagcelebrate ng 1st birthday si Yscien na sinundan ng 7th birthday ni Yaying. Tapos, nagtext ang katrabho kong babalik na sya sa HK kasi comatose pa rin ang Papa niya, nakareceive naman ako ng text message sa Nanay kong makakapagpahinga na si Lolo at biglang nakabasa ng post sa FB - condolence to Cayabyab family. And eventually, namatay na rin ang Papa ng katrabaho ko.
Si Lolo ay 97 years old, ang Papa ng katrabaho ko ay 75 y/o, at si Kuya Jhong ay 41 y/o. Malungkot na nawala ang Lolo ko pero masaya kaming mga apo niya noong lamay at libing kasi parang reunion. Nawala man siya naging mas matibay naman ang pagsasaamahan ng angkan namin. Hindi man magsabi ang katrabaho ko, batid ko ang kalungkutan niya. Buti na lang she made to go home noong birthday ng Papa niya last month at niregaluhan pa nga nila ng i-pad na sana ay ibibigay pa next month pero ipinaglaban niyang ibigay na agad. Sa pagdalaw ko kina Ate Alona, pagkayakap ko pa lang sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak lalo na at kakawala lang ng bunsong anak nila.
Lalo ko tuloy narealize na ang mundong ito ay hindi natin forever na titirahan. Nandirito tayo ngayon para tuparin ang mga misyong nakalaan sa atin pero after that babalik tayong lahat sa langit. Naaalala ko tuloy ang kuwentuhan namin ng mga kapatid ko tungkol nga sa mga namamatay. Sabi ko, "grabe, talagang hindi mo alam kung kailan ka mawawala. Si Lolo ang tanda na at inaasahan ng mawawala samantalang si Kuya Jhong ang bata pa." Sabi naman ni May, "eh meron nga ate na naghihintay lang sa bayan tapos nabagsakan ng pader. Ayun, namatay rin."
Hindi pa malinaw sa ating lahat na pansamantala lang tayo rito sa mundo. Lahat ng mayroon tayo ay hindi natin madadala sa langit. Kung CPA lawyer ka sa mundo, pagdating mo sa langit hindi ka irerecognize as such. Kung ikaw ay namumuno sa bansa, hindi ibig sabihin na pagdating mo sa langit, ikaw pa rin ang maghahari-harian. Kung milyonarya ka sa lupa na sobrang dami ng properties mo, pagdating sa langit ay pare-pareho lang tayo ng bahay. Magkakapantay lang tayo.
Siguro papasok sa isip niyo na bakit pa natin kailangang mag-aral, kailangang maging magaling, kailangang maging maginhawa eh kung lahat ng ito ay hindi naman irerecognize kapag iniwan na natin ang mundo? Para sa akin, kaya kailangan nating magkaroon ng magandang buhay, mag-accumulate ng wealth, maging makapangyarihan ay PARA GAMITIN SA KABUTIHAN. Kung magiging makapangyarihan at mayaman ka at sasarilinin mo lang, mabuti pang sa iba na lang mapunta ang mga blessings na 'yan na may mabuting puso para mas maraming matulungan.
Sa mga nangyari parang gusto ko tuloy na maging mas mapera para mas maraming matulungan. Iyong tipong kapag may lalapit sa akin para humingi ng tulong, madali ko lang sasabihing "wala pong problema, ipapadala ko po agad ang pera." Pero, siguro nga kaya sakto lang na asenso ang ibinibigay ni Lord sa family namin para naman mabigyan din ng chance ang ibang taong tumulong sa mga kapuwa nila. Para, hindi lang ang family namin ang makakaranas ng saya kapag nagbibigay sa kapuwa.
Ibabahagi ko lang iyong experience ko bago bumalik sa HK at pare-parehong experiences sa tuwing babalik ako sa lugar na pinagtatrabahuhan ko. Akala ng maraming tao, ang yaman ko. Dahil kasi sa super proud kong Mamuds nalalaman ng iba ang pagtulong na ginagawa ko. Usapan na namin na ang pagtulong ay hindi dapat sinasabi sa iba. Ang ginagawa ng kaliwang kamay ay hindi na dapat nalalalaman ng kanang kamay. Ang sagot lang niya sa akin, proud lang ako sa'yo Shel. Ang nagiging dating naman sa mga pinagkukuwentuhan niya, kapag nagsabi sila sa akin madali lang for me to say "YES, I will provide." That afternoon, para akong congressman na nakakarinig ng panaghoy ng matapang na mamamayang humingi ng tulong para sa apo niya. "Kahit nakakahiya Shel, gusto kong ilapit sa'yo ang apo ko dahil gustong-gusto talaga niyang makapagtapos sa pag-aaral kaya lang wala kaming pantustos. Sana maipasok mo siya sa foundation mo..."
Parang kinukurot ang puso ko na kahit gusto kong pasayahin siya noong araw ding iyon sa pamamagitan lang ng pagsabing "Sige, ako na po ang bahalang tumulong sa pag-aaral niya." I couldn't kasi nga hindi ko na alam what will happen sa career ko. And even positive ang maging result ng negotiation ng contract ko, wala na akong excess money kasi allotted na sa mga dapat pagkagastusan. Hindi ko pa nakukuha ang sahod, may dapat ng bayaran. Haaaaayyy.
Kaya, sabi ko I need to earn twice as much as I'm earning now para makatulong sa marami. Wala akong balak magpayaman dahil nga nakatatak na sa puso at isip kong lahat ng biyayang marereceive ko kay Lord ay daraan lang sa akin para ibahagi ko sa iba. Tama nang rewards sa akin ang makitang masasaya ang mga kapamilya ko ng masayang bakasyon at ilang mga necessary things. May ibang lagpas na sa basic pero ok lang kasi kasama sa request kong iparanas kay Mamuds ang mga bagay na hindi niya naranasan dahil sa kahirapan ng buhay nila.
Kaya ko po sinasabi ang mga ito ay para hikayatin din kayong tumulong sa kapuwa. Magsimula kayo sa mga mismong kapatid niyo. Iyong mga nahihirapan ay padalahan niyo ng isang sakong bigas o sagutin niyo na iyong expenses sa pag-aaral ng pamangkin niyo. Sana maintindihan nating anuman ang mayroon tayo ngayon ay hindi natin madadala sa langit kaya bakit hindi natin gamitin sa kabutihan.
Kung akala mong mahaba ang ilalagi mo sa mundo dahil bata ka pa or kung matanda ka na wala ka namang sakit, baka magaya ka sa nabagsakan ng pader o sa 9/11 accident. Mag-esep-esep ka rin.
At isa pa, hindi natin alam kung kailan babalik kay Lord ang mga mahal natin sa buhay o tayo nga mismo hindi natin alam kung kailan ang oras natin kaya habang may pagkakataon, palagi nating ipadama sa mga mahal natin sa buhay kung gaano sila kahalaga sa atin.
Ayun lang muna! Join us and experience the joy of giving. SHARE A SECRET SPREAD SUCCESS on its 2nd year.
You will be missed Lolo Ote at Kuya Jhong.
Jado, happy birthday!
Comments