BKK Trip 3N 4D





Hello mga ka
blogs!

Going to H
K airport

7:50am ang flight ko kaya dapat ay maaga rin ako sa airport.

Salamat sa KH front desk officers
at hinanapan ako ng way na mamimeet ko schedule ko. 4:00am pa lang nasa N11 bus station na ako.

At BKK airport to Baiyoke Suite Hotel

Ang tendency kapag baguhan ka sa isang lugar at marami kang panggastos, magtataxi ka papunta sa hotel mo. Nasabihan ako ng katrabaho kong kakagaling lang sa BKK na ang iba raw Thais ang parang mga Pinoy rin na nang-iisa. Naalala ko nong nag-iinquire kami ng taxi papuntang Laguna na halos tagain kami ng driver sa presyo. Unang alok sa akin ay 1,100 BAHT kaya lumabas pa ako nang kaunti. Nong nagtanong na naman ako 900BAHT daw. Namamahalan pa rin ako kaya naglakad-lakad pa hanggang sa makita ko ang station ng Dept. of Tourism nila ron kayanagtanong ako kung paano ako makakapunta sa hotel na tutuluyan ko.


via Airport Link and it cost me only 40BAHT. I saved
d 1,060BAHT

Day 1:

Baiyoke Suite Hotel
Foot Massage - 200BAHT

Baiyoke Sky Tower
Pratunam Market
Siam Paragon

Dumating ako sa hotel ng 11:30am. Plano ko sanang pumunta sa Floating Market nong araw na iyon pero hindi pala ganoon kadali kaya technically ang haba ng araw ko. Pinuntahan ko muna ang Baiyoke Sky Tower para i-confirm ang reservatio
n kong Observatory Deck plus Dinner. Bumalik daw ako ng 8:00pm for dinner pero ok lang daw na maaga pa lang pumunta na ako sa mga floors na matatanaw iyong labas. Lumibot muna ako sa area para mafamiliarize tapos nagpafoot massage. Dahil pagod sa biyahe, nakatulog ako nong hapon. 5:00pm, nagpunta na ako sa Sky Tower. Nakilala ko iyong Pinoy at inalok ako ng "mura
ng trip." Gusto lang daw niyang makatulong sa mga Pinoy. Ang halaga ng babayaran ay 1,200BAHT


para sa sasakyan at 1,800BAHT para pambayad sa mga entrance fees. Muntik na akong mapaoo pero ang ibig sabihin non ay wala na akong pambiling pasalubong kaya sabi ko ichecheck ko muna ang budget ko.

Baiyoke Sky Tower plus dinner - 550BAHT kapag sa Baiyoke Group of Hotels ka tumira

Malapit lang 'to sa pamilihan kaya kung pupunta kayo dyan puwede na kaung bumili ng pasalubong. Dahil malapit lang ako sa Pratunam, naobserve ko iyong mga tindahan don. May rotation ang puwesto nila kaya kapag sa tingin mo mura na iyong nakita mong item, bilihin mo na agad. Ililista ko sa dulo nito kung magkano ang mga presyo para may basehan ka na.

Nagkaroon din ako ng time na pumunta sa BST stations (Skytrain) at don ako nakakuha ng mga info for tourists. Kesyo, may floating market sa isang lugar at kung anu-ano pang tips. Iyong iba helpful pero iyong iba hindi applicable. Doon ko nakilala iyong mga mababait na Thais at tinuruan ako kung paano makakapunta sa mga gusto kong puntahan. Tapos, nag-ubos din ako ng time sa Siam Paragon. Ang ganda ng mall nila. Ang daming puwedeng bilihin pero kunwari bulag ako. Hanggang pictures lang.

Nong nagutom na ako nagdecide na akong pumunta sa Baiyoke Sky Tower. Kahit buffet pa iyon, kung mag-isa ka lang hindi enjoyable. Masasarap daw ang pagkain pero hindi naman ako mahilig sa sea foods.

Day 2:

Victory Monument
Grand Palace
Pamilihan don
Canal
Reclining Buddha
Siam Niramit
Tuk-tuk experience

Tinuruan ako ng katrabaho ko on how to get to Grand Palace pero dahil gusto kong malaman agad ang Victory Monument (in preparation for my
Floating Market trip), sinubukan ko na agad magpunta sa Victory Monument. Ang mura lang ng pamasahe, in fairness. 15BAHT (1st Train) + 15BAHT (BST) + 15BAHT (Bus - 503 or 59). Ang destination ang Sanam Luang Park. Sobrang luwang ka
ya hindi ka mawawala. Natagalan lang ako sa paghihintay ng bus kasi hindi ko naintindihan agad si Manong. Akala ko bus no. 503 at 59 ang bayad. Kaya, malamang dumaan na iyong #59 bago ko pa nalaman.

Sa Wat Po (nandun ung GP) na ako bumili ng ticket - 400BAHT at may 2
pang puwedeng puntahan. Strict sila sa pananamit dito, hindi puwede sleeveless at tsinelas. May mga tindahan don na puwedeng rentahan ng "pyjama" kaya kung hindi ka handa, may ibang option naman.


Ang ganda ron. Pero, sa totoo lang dahil gutom na gutom na ako hindi ka nalibot iyong buong area. Hanggang ngayon nga hindi ako sigurado kung ano ba talaga iyong Grand Palace ron. Kaya, picture-picture lang sa mga naggagandang temples, dalaw kay Buddha at I found way na para makakain.

Pagkatapos kong makakain sa isang turu-turong lugar, naglakad-lakad ulit ako papuntang Reclining Buddha at nakakatuwang ang dami na namang puwedeng bilihin. Wala na akong balak bumalik ulit sa lugar na iyon kaya kung anong makita kong feeling ko ay wala sa Pratunam, binili ko na. Madadaanan din don ang palengke sa tabi ng canal (kung saan nandoon ang mga boats). Tapos, sa reclining Buddha (100 BAHT) na.

Ang haba na ng maghapon. Una kong plano ay from reclining Buddha, I will go to Jim Thompson Museum tapos wala nang uwian at didiretso na sa Siam Niramit. Sa sobrang init at bigat ng dala ko, minabuti ko nang umuwi muna pero not the way I did in the morning(via bus). Kaya, naghanap ako ng taxi-meter going to Baiyoke Suite.

Busy raw sa lugar ko kaya ayaw ng mga drivers. Ang mahal naman ng turing ng mga tuk-tuk, 400 daw un. Kaya, sabi ko kapag may pumayag sa 200BAHT, sasakay na talaga ako para rin maexperience ko at makapagpahinga na for my next destination.

Kaunting pahinga sa hotel. At, dahil sa experience ko papunta sa Grand Palace, nagdecide na akong hayaan ang travel agent magplano ng Day 3 ko. Nagbayad ako ng tour tapos nagtaxi na ako to Siam Niramit kasi baka naman hindi ko maabutan dahil sa pagtitipid na naman. 71BAHT lang nagastos ko sa taxi.

Nagbook ako sa Siam Niramit sa online, nagbayad ako ng 1800BAHT pero mas nakamura sana kung doon na lang ako BKK bumili ng ticket. Show + Dinner ay 1400BAHT lang daw kapag doon bibilihin. Sobrang ganda ng show at nakakatuwa rin iyong para kang nasa probinsya. Ilalagay ko na lang ang mga pictures sa album ko sa FB.



Day 3:

Floating Market
Lunch Buffet

Elephant and Crocodile Show
optional: Elephant riding in Elephants Village, Rose Garden at Snake Show

Nagbayad lang ako ng 1,080BAHT for Floating Market, Lunch, Elephant at Crocodile Show. Ang galing kasing magsales talk ni Kuyang Pinoy na nagpapabayad sa akin ng 3,000. Sabi ko nga sa kanya, kung malayo iyon at magastos wala talaga akong balak puntahan pa iyon. Pero, sabi niya maganda raw na puntahan ang mga iyon kapag pupunta ka sa Thailand. Kaya nong nagpresyo ang Travel Agent ng ganitong presyo,umuo agad ako. Kapag titingin ka sa internet at ikaw lang, aabot sa 3,000-4,000BAHT ang magagastos.
May service na van papunta sa isang probinsya tapos sasakay ng long tail boat at totoong floating market. Bibigyan kay rito ng 1 hour and 15 minutes para umikot. May option ka ulit sumakay sa boat pero kung gusto mo may mga nagtitinda rin naman sa taas. Tapos noon ay pupunta na kayo sa Elephant Village na puwede kang sumakay sa elephant pero 600 BAHT ang bayad. Hindi na ako sumakay, gusto ko lang naman ay picture kaya sobrang umasa akong puwedeng magpapicture sa mga susunod na pupuntahan namin.


Tapos, nagpunta sa snake show, 250BAHT. Hindi rin ako pumasok. Hindi ko naman feel pero kung feel mo, puwede naman. Kaya, tinuloy ko lang ang pagbabasa ng Rich Dad Poor Dad habang naghihintay sa mga kasama ko. Tapos, napadpad na kami sa Samphran Zoo at buffet na naman. (Kaya siguro nasira ang tyan ko).


Tapos, nakakatuwang elephant show. Dito na iyong puwde kang sumakay sa elepante ng 5 minutes at puwedeng magpapicture. 75BAHT ang bayad sa pagsakay sa elepante at 20BAHT tip kay Manong Magic na kumuha ng pictures ko.

Around 4pm ay magbabalikan na sa City. Siguradong bagsak pag-uwi. zzzzz

Day 4:

Thanks Giving
Thai Massage
Pratunam
Uwian na



Bagsak talaga ako nong Day 3 kaya naman maaga akong nagising nong Day 4. Naghahanap ako ng Catholic Church pero ang hirap tuntunin, sinabihan pa akong Hudyo nong Intsik kaya naisip ko na baka big deal don 'pag magkaiba ng religion kaya hindi ko na itinuloy ang pagtatanong. Kulang na rin ako sa time kaya nagpalibot-libot na rin ako. May Monk na nagdadasal sa mga tao, bibili ng alay worth 35BAHT. Sinubukan ko, pero syempre kay God pa rin ako nagdasal.

Sinubukan ko rin ang Thai massage na sobrang sarap sa pakiramdam sa halagang 200BAHT. Lalo na siguro kung body massage ang pinili ko.

Tapos, libot-libot sa Pratunam. Hanggang sa hindi ko namamalayang 11:00am na pala at kailangan ko nang umuwi para makapagcheck-0ut.

Sakay ulit sa train papuntang airport at habang naghihintay, syempre itinuloy ang Rich Dad, Poor Dad. Mainit sa airport nila kaya preskong damit ang dapat na isuot.


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?