BLOG 30 P2

Malaki ang sinasahod mo diba?  Hindi pa ba sapat iyon para matugunan ang pangangailangan ng family mo at makatulong sa kapuwa?  

Yes, malaki ang sahod ko kumpara kung sa Pilipinas ako nagtatrabaho.  Maniwala kayo o hindi, kulang ang sinasahod pang accommodate sa mga taong nangangailangan ng tulong.  


Dahil kung kaya nang sahod ko ang makatulong sa kapuwa hindi ako mangungulit sa mga kaibigan kong samahan ako sa gawaing ito.  

Paano ba kami makakatulong??

1)  Magsimula ka sa loob ng bahay mo.  Kung ikaw ay kumakain ng palihim dahil ayaw mong mamigay, subukan mong bumili para sa lahat.


2)  Kung may nakakabata kang kapatid, single ka man o may asawa, tulungan mo ang mga magulang mo sa pagbibigay ng allowance sa kapatid mo.


3)  Kung ang pamilya niyo ay nakapagtapos ng lahat sa pag-aaral, siyasatin ang mga kapatid ng Nanay at Tatay at humanap ng maaaring tulungan.  Mas magiging masaya kayo kapag kayo ay maginhawa at maginhawa rin ang mga kamag-anak niyo.  Aanhin mong ang ganda-ganda nga ng bahay mo, ni KUSING hindi ka man lang makatulong sa kadugo mo.


4-5) Kapag maayos na ang pamilya, kamag-anak, tumingin ng kapitbahay/kabarangay na maaaring tulungan.


6)  Kapag wala nang paglagyan ang pera mo dahil maayos na ang family mo, relatives, kapitbahay, schoolmates, ka-barangay, mayroon pong "foundation" na bunuo ang inyong lingkod.  Ito po ay SHARE A SECRET SPREAD SUCCESS.  Layunin din naming makatulong sa mga kabataang gustong magtapos sa pag-aaral pero kapos sa pananalapi.

Anu-anong programa ng 4S - Share a Secret Spread Success?

Pagbibigay ng allowance sa mga napiling scholars.


Pagbibigay ng school supplies.


Pagbibigay ng school uniforms.


Lahat ay depende sa budget.

Madali lang pong maging masaya.  Kung gusto mong makatulog nang mahimbing sa gabi kahit marami kang pinagkakautangan, isipin mo lang ang saya ng mga taong natulungan mo dahil pinili kang instrumento ni Kristo.  To God be the Glory. 


My main goal is to spread the joy of giving kaya kayo na ang maghanap ng beneficiaries niyo.  Secondary lang na makalikom ng pera ang 4S.  



Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?