BLOG 30
"...Happy are those who have not seen and believe."
Hello mga kablogs!
Ilang linggo rin akong hindi nakapagblog.
Kapag nagkakaroon ako ng pagkakataong makapagnilay palagi talagang pumapasok sa isip ko ang listahan ng mga dapat kong bayaran at ang mga bulong ng mga kabataang nanghihingi ng tulong.
Akala ng iba na dahil nagtatrabaho ako sa ibang bansa at may nabuong foundation ay marami akong pera. Hindi lang alam ng marami na matindi rin ang pinagdaraanan ko. Minsan mabigat talagang dalhin ang mga problema kasi MAYABANG ako at hindi hinihingi ang tulong NIYA. Kapag hindi ko na talaga kaya saka ko na lang sinasabing BAHALA KA NA PO.
Isang gabing nakakapagod nang magkausap-usap kami ng mga mahal ko sa buhay. Pinapaalalahanan ako ng request ni Ate XX, ni Ate XX, ng kaibigan ng kaibigan ni XX, ni XX.
Kung puwede lang magbingi-bingihan at balewalain ang mga hiling ginawa ko na. Kahit ipasok ko sa foundation namin hindi pa rin sapat.
Tapos, heto nagbudget ako ng sarili kong pera, mga payables ko, cash na natitira sa bank at ang monthly income = DEFICIT talaga ang lumalabas e. Kahit hindi ako kumain ng 3 beses isang araw, kulang talaga. :-)
Bakit ka pa tumutulong eh kung sa 'yo nga kulang na kulang na??
Naniniwala pa rin akong ang lahat ng blessings na natatamasa ko ngayon ay galing sa Kanya at pinapadaan Niya lang through me. Ang rewards ko ay mafinance ang mga bonding moments ng family namin. Doon ako nakakabawi.
Masaya ka pa rin ba?
Oo, masaya pa rin ako at hinding-hindi ko pagisisihang sana ay nakatira na ako ngayon sa magandang bahay, may magandang sasakyan at may IPAD2 pero dahil sa pagbabahagi ng blessings nadedefer lahat.
Mahirap kasing sabayan ang adhikain mo. Hindi malaki ang kinikita namin gaya ng kinikita mo at may sariling pamilya kaming sinusuportahan. Paano ba kami magiging masaya kagaya mo sa ganyang gawain?
Nagsimula akong tumulong sa ilang mga kabataan noong nasa Pilipinas pa ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng PILOT pens kapag pasukan. Hindi ko inakalang papunta pala ang pagtulong na iyon sa isang scholarship foundation.
Naging inspirasyon ko ang Nanay ko sa gawaing ito. Wala akong pamilya pero ang Nanay ko ay may limang anak na noong tumulong syang magpaaral ng seminarista. Hinkayat niya ang mga kapitbahay niyang magbigay ng tig-Php50.00 kada buwan at ito'y kanilang ginamit sa pagpapaaral ng seminarista.

Comments