I'm Too Blessed To Be Stressed - Part 3
10:52am na ngayon. Malinaw na malinaw sa akin ang mga gagawin ko this weekend. Maglalaba, magtatanggal ng dumi sa kisame, maglilinis at HINDI magbablog...
Kababalik ko lang sa HK this Monday. Hindi ganito ang inexpect kong mangyayari sa akin. Parang ang laki ng pinagbago ko. Nawala iyong dating Shel... Ano nga bang nangyari sa akin? Haaay.
Hanggang sa nabasa ko na lang ulit ang blog kong I'm Too Blessed Part 2. Ganoon pala iyong naramdaman ko dati at akala ko natuto na ako pero hindi pa pala. Kaya pala, paulit-ulit na naman akong sinusubok. Grabe nga pala talaga ang naidudulot ng stress. Kahit iyong pagiging natural na mabait ng isang tao, nababalutan ng inis.
I found out late last night na naaksidente pala ang Nanay at Kuya ko. I phoned them at imbes na maawa, pinagalitan ko pa. :-( Deep inside I wanted to let them feel na nag-aalala ako pero dahil nababalot ng inis ang puso ko ng mga ibang bagay, imbes na kabutihan ang lumabas sa bibig ko, galit pa. Buti na lang they know me na kahit galit/inis ang lumalabas sa bibig, alam nilang iba ang saloobin ko.
Syempre paggising ko kaninang umaga narealized ko namang mali ang ginawa ko kaya tinawagan ko ulit sila para magsorry. I love my family more than anything else.
Nagkataon ding my friend visited us and we planned to have dinner together. We were supposed to be done by 8:00pm at natapos lang ng 9:00pm. She didn't feel good at first at gusto nang icancel ang dinner. Nasabi pa nyang kaya ako nagpunta para imeet kayo tapos hindi naman kayo nakababa agad.
Her words made me realized kung anong mga maling ginawa ko nong nasa Pilipinas ako for 5 weeks. Nandyan ung ilang gabing tatawagan ako ni Nanay, ni May, ni Case, ni Bok., ni Kuya, ni AJ, ni Yaying, nila...
Sila: "Anong oras ka matatapos? Aalis na kami ha."
Ako: "Sige. 10-15 minutes tapos na rin ako."
Sila: "Nandito na kami sa baba ha.. Hihintayin ka namin."
Ako: "Sige. Magsesend lang ako ng email."
Sila: "Kala ko ba pababa ka na?"
Ako: "Mauna na kayo sa restaurant. Susunod na lang ako."
Sila: "Ano? Oorder na ba kami o hihintayin ka namin?"
Ako: "Paorder na lang din ako. Malapit na talaga."
Sila: "Nandito na iyong food. Punta ka na."
Ako: "Sorry. Magkita na lang tayo sa hotel. Pakitake-out na lang food ko."
Minsan pa nga lalo na 'pag kasama ang mga bata para lang hindi sila mainip sa paghihintay sa akin, bibilangin nila kung pang-ilan akong lalabas. At, sanay na sanay na silang kapag sinabi kong malapit na, MATAGAL pa iyon.
What happened to you Shel? You had the time to enjoy with your family pero nagpatalo ka sa stress. Nangako kang makikipagkita sa mga kaibigan mo pero family mo nga hindi mo nakasama nang matagal, magkakatime ka pa kayang makapunta sa kanila? Puro ka trabaho, trabaho, trabaho.
Minsan sa buhay natin nakakalimot tayo kung ano bang dapat mas pahalagahan. Mahalaga syempreng ginagawa natin ang best natin sa trabaho pero kapag limited ang pagkakataong makasama ang mga kaibigan lalo na ang kapamila, grab the chance. Ang trabaho lagi lang nandyan. Lagi namang may pending items pero may bukas pa naman.
Para tuloy sa nangyari sa akin past month, sinumpa ko ang trabaho ko. Nawala ang pagiging grateful ko at lahat ng bagay/tao kinakainisan ko. Salamat sa THE MAGIC na nagmulat na namang muli sa aking isipan na kapag nangingibabaw ang pagiging grateful ng isang tao, lahat ng mga negative ay natatabunan ng positive.
When we checked out last Sat., I got hotel invoice and I realized that my company paid Php216K for the room charges alone. Pagbalik ko sa HK Office, nagkausap din kami ng boss ko at may mga plans pala for me. Ito akong inis na inis at gustong-gustong makawala pero hindi ko man lang naisip na may niluluto si God for me.
I forgot 2009 economic crunch experience (Bda-OH) , I forgot 2010 Asia opportunity (OH-HK), I forgot 2011 big decision (HK-MLA-HK), I forgot 2012 flat issue (KH - free apt.)... Narealized ko lang na ang sama ko. Nakikita ko lang ang stress pero nauna na pala ang mga benefits. Kung hindi dahil kay PJ, wala ako sa kinakatayuan ko ngayon. Salamat, MPJ.
Sana ay natuto na talaga ako at kung anuman ang mga pangyayaring magbibigay sa akin ng option para maging UNGRATEFUL ulit ay malagpasan ko na. Pangibabawin ang pusong nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kaloob Niya.
Please pray for my Nanay and Kuya Athan na sana gumaling agad ang mga sugat nila at for me na rin at sa lahat ng mga malalapit sa akin na dumaraan din sa stress bilang empleyado lalo na sina Ate Nym at Memey na sana after work, maisip pa ring may naghihintay na magandang buhay sa labas ng opisina. bow.
Tuloy-tuloy po ang 4S. Ako lang ang nawala pero hindi ang grupo namin. That is one thing good na kapag marami ka nang na-influence, magbakasyon man ang isa at kahit na founder pa, it will still GO ON and ON and ON.
Have a great weekend everyone! God bless us all.
there's LIFE after work. Hinihintay ka lang to enjoy it. - SMC
http://youtu.be/2bu4K-YYmJ8

Comments