Kibit-Balikat



by Maria Shiela M. Cancino on Wednesday, June 27, 2012 at 12:35am ·
Isang araw, nagpalate pumasok si Carla dahil ala-una na ng madaling araw nang makauwi sya.  Kaya, nagpaalam sa kanyang amo na magpapahuli ng pasok.

Pagdating sa trabaho, nabungaran ang isang envelope na naglalaman ng docs ng isang kliyente nila.

Dahil medyo sensitibo ang kliyente kaya't dali-dali niyang inasikaso ang laman ng envelope.

Hindi siguro maganda ang gising ng kausap (baka ala-una ring natapos sa trabaho kagaya ni Carla, baka mag-isa rin naninirahan sa bahay niya, baka gutom, baka hindi nakatulog nang maayos at baka kung anu-ano pa) kaya't naboljak si Carla.

Si Carla ay nalulungkot dahil batid niya sa sariling ginawa niya ang dapat niyang gawin at kung anuman man ang mga nabitawang salita ng kausap, malayung-malayo sa katotohanan.

Si Carla ay napaisip - ano nga bang lessons ang inihahain sa kanya ng incident na 'to?  

May mali nga ba siyang nagawa na hindi lang siya aware?  Was there a knowledge gap that need to be filled in? 

Kagaya rin ba siya ng kausap na kahit sa ibang bagay naiinis, nababaling sa mga mahal sa buhay ang stress?  

Kagaya rin ba siya ng kausap na minsan ay hindi na nasasala ang mga lumalabas sa bibig at kahit fully aware na makakasakit ng kapuwa, tuloy pa rin sa pagsasalita?  


Kung anuman ang nais ituro ng pangyayaring ito, sana'y natututunan na niya at kunin lamang ang mga makakabuti, idrop ang mga ala-alang hindi makakatulong sa pag-unlad.

Sabi nga ng POSITIVE OUTLOOK - magpasalamat kapag nakakaencounter ng mga taong mahihirap pakitunguan dahil alam mong hindi maganda ang gawaing iyon and you will never be like them. 

Sana lang ay i-touch ang puso ng mga taong mahihirap makitungo sa kapuwa nila at maisip nilang ang kausap nila ay taong may puso na maaaring masaktan kung magbibitiw sila ng hindi magaganda.  

Because of Carla's incident, I would like to apologize to all my loved ones na napapagsalitaan ko ng masakit.  I must admit na may pagsisisi naman sa bandang huli kapag nakasakit na ako.  Gusto ko lang talagang kayo'y maturuan.  But, I should always think na maaari akong makasakit kaya dapat filtered bago ko bitawan ang mga magic words.  LESSONS WELL LEARNED. 

Move forward.  Hindi ang isang incident ang magpapabagsak sa client-service skills ng pambato nating si Carla.  Go go go.

bow. 

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?