RE-connect

Aattend dapat ako ng Toastmaster's meeting pero dahil sobrang pagod, hindi ako nakabangon.  Kaya, namalantsa na lang ako habang nanonood ng Pinoy movie.

Maaga pa para matulog at kahit may mga dapat akong gawin - work related, 4s, personal stuff - pinanood ko muna ang mga videos na ginawa ko dati.

'Pag may natatapos na gathering, be it with my family or my friends, gumagawa ako ng video para mas masarap tignan ang mga pictures kasi may kasamang tugtog.

It is really hard to reconnect with your friends kapag sa sarili mo nga hindi ka maayos.  Iyon bang walang sense of direction ang buhay.  Gigising ka lang sa umaga pero hindi mo talaga alam kung anong gusto mo. At, parang ayaw mong matulog kasi feeling mo marami kang dapat gawin.  It ended up going to bed so late at pahirapan bumangon sa umaga  Sobrang dali ka lang maagos ng mga pangyayari kasi nga hindi mo alam kung saan ka talaga papunta.  

Kapag nakakausap ako ng ibang tao doon ko narerealize mga mali ko sa ginagawa ko at kahit paano ay nagchange ulit ang outlook ko sa buhay.  Salamat sa kanila. 

Darating sa buhay natin na parang nawawala tayo sa FOCUS. Iyong mga pangarap na binuo natin dati ay parang nababalewala.  Ang mahalaga ay open tayo sa realization stage at syempre ay gagawa tayo ng paraan para magsimula uli.  

At, ang pinakamahalaga ay huwag tayong magmalaki na feeling natin ay kaya natin ang lahat ng problema.  There's such a word SURRENDER.  It doesn't mean na tumatakas tayo sa mga  problema natin but just we're allowing God na Siya na ulit ang kumilos sa buhay natin.  Dito lang natin tunay na matatamasa ang kasiyahan at unti-unti nating mararamdaman na nakakawala na tayo sa hawla ng STRESS.  

Isang mapagpalang linggo sa lahat.  Hoping to reconnect with you...  

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?