Time is Gold


by Maria Shiela M. Cancino on Sunday, June 24, 2012 at 10:07pm ·
Hello mga kablogs!

Sabi ng The Magic, isipin lang daw palagi ang lahat ng mga bagay na dapat ipagpasalamat at magiging masaya ka.  

Ang tao talaga kahit maraming blessings darating at darating pa rin sa buhay niya ang feeling na kulang at makakalimutan na lang bigla ang mga blessings na natanggap niya.

Hindi kapani-paniwala pero pinagdaraanan ko 'to.  Siguro napagod lang talaga ako at nakaramdam na dapat para sa akin na ang isang bagay pero hindi ko pa rin nakukuha.  O, siguro nalilito lang ako kung anong career path ang gusto kong tahakin pagkatapos ng assignment kong ninakaw ang oras na sana'y nakasama ko ang family ko ng mas mahaba (bitter pa rin). Iyong papasok ka lang kasi kailangan mong pumasok pero walang excitement kasi hindi enough iyong challenges.  Pero, wag ka palagi pa ring pagod.  Ang gulo talaga.  Napapagod pero walang direksyon - parang mas mahirap iyon.

ANG HIMIG MO, ANG AWIT KO.  

Then, I realized na nawala iyong passion ko sa pagseserve.  Parang naging trabaho na lang sya.  Kaya, hindi pa rin masaya.  Hmmm.  Hindi rin.  O baka dahil, nagfail ako? Akala ko kapag nag-invest ka, dapat kikita ka lang at walang option na matalo.  Hmmm.  Puwede.  Pero, basta parang nawala iyong passion.  

I forgot na lahat pala ng ginagawa ko ay para lang sa Kanyang kaluwalhatian. It's not for me, it's not for anyone.  I should always serve with a GRATEFUL HEART.  Kung hindi man naging successful sa isang try, subok ulit.  Subok ulit hanggang sa maabot ang pangarap para sa ibang tao lalo na sa mga mahal sa buhay.

Basta, one thing na nasigurado ko ay walang makakapantay sa kasiyahang naidudulot kapag nakakapagpasaya ka ng ibang tao.  Kanina nong magkausap kami ni Nanay, nagkuwento na naman ng kung anu-ano.  I can feel she's happy kung anuman ang ginagawa namin kahit sakto lang ang finances.  Sabi lang niya, "sana marami tayong pera.  Ang sarap-sarap tumulong."

Hindi mapapantayan ng bagong TV, bagong DVD, bagong router, magandang cell phone, mataas na sahod, maayos na trabah ang kasiyahang nakakapagsaya ng iba OUT OF LOVE.  Kung hindi ka man fulfilled sa ibang areas ng buhay mo, kapag you share your blessings to others, napapawi non ang pagod.  At, masasabi mo na lang sa sarili mo - SIGE NA, LALABAN NA ULIT.  OO NA, BABANGON NA.  

I might wasted my time dahil sa hindi naging consistent ang performance ko bilang Shiela - God servant, babawi ulit ako at hindi lang basta magiging focused sa iilang areas ng aking buhay.  Kung anuman ang mga na-achieve ko ay dahil iyon kay God at marapat lang na ibalik sa Kanya lahat iyon.

Bottom line - JOIN ME AND EXPERIENCE THE JOY OF GIVING.

Malapit na po kaming makapagpatapos sa kolehiyo at magiging masaya ako kung magiging part ka ng programang ito.  Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan ko lalo na kita Ate A, Mega-Pips, Bda friends, Squatters, Elem, HS, College, lahat-lahat kayou, maraming maraming salamat.  

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?