A VERY QUICK BLOG



by Maria Shiela M. Cancino on Friday, June 15, 2012 at 11:05pm ·
Hello mga kablogs,

Gusto ko lang ishare ang isa sa mga challenges ng aking career.  Heto pa rin ako at hindi pa nakakarecover sa stress na dulot ng pagbisita sa Pinas, pagtatrabaho pala.

So, magtatatlong linggo na pala ako ulit rito sa HK pero pare-pareho ang nararamdaman ko araw-araw.  Tamad na tamad akong bumangon.  Nandyan iyong nakaalarm ng 7, ichachange ko sa 7:30, 7:45, 8:30, i-snooze tapos 9:00am na!

Gusto ko sanang pagpasok ko sa office, hindi sila nakatingin sa aking lahat kasi ako ang pinakaHULING dumating.  

Syempre, ganon din ang nangyari kanina.  Few minutes pa after 10:30am... Ang kapal ng face. 

MAIN REASON:  Hindi ko alam ang gusto kong mangyari sa career ko.  Parang walong taon na akong nagtatrabaho pero napako na ako....

Ang nakakapagtaka lang ay pagdating ko sa office at pagbukas ng computer ko nawawala iyong agam-agam at todo pa rin ako sa trabaho.  Huwag ka, addict pa rin ako dahil isa pa rin ako sa mga nahuhuling umuwi.

Isn't it WEIRD???

Saktong-sakto iyong binabasa kong book (Rules of Management) na kung hindi mo lang din daw mamahalin ang ginagawa mo mabuting pang umalis ka na lang.  Para raw 'yang relationship na kapag hindi kayo maayos sa isa't-isa, mabuti pang makipaghiwalay ka na.  Pero, kung alam mong kayo talaga para sa isa't-isa, aba embrace the flaws as well.

Suddenly, nakaramdam na lang ako na I do enjoy pala 'yong takbo ng araw ko - pahirapang bangunan sa umaga, darating sa office ng malapit na sa dapat na time in, maglalunch nang mabilis para makapagbasa ng book, babalik sa pagtatrabaho hanggang gabi, late nang makakauwi, manonood ng Cinema One, PBB, o kaya magkukuntitinting hanggang sa ala-una na pala.  Marami lang akong big blocks na kinakaharap pero if I face it with full courage plus self-discipline, kakayanin naman pala.  Lalo na kapag lahat ay offered kay God, ang lahat ay magiging maayos.

THE POINT - I could have calledl and sick kapag tamad na tamad na ako sa ginagawa ko at iparamdam sa mga kasama kong ayaw ko na, tapos na ang agony ko.  Pero, hindi ko sinukuan.  Kahit, tamad na tamad ako at antok na antok sa araw-araw I still showed na KAYA KO, I'm still kicking, you can count on me.  

Maaaring ikaw ay humaharap ngayon sa pagsubok.  Maaaring iyan ay bagong trabaho na feeling mo ay left out ka at you don't belong kaya magreresign ka na lang.  Maaaring sa trabaho o sa school na sobra ang pressures kaya gusto mo lang magquit. Maaring ikaw ay estudyante na kakabukas lang ng klase.  Mas madaling matulog lang sa bahay kaysa pumasok araw-araw at may assignments pa kaya titigil ka na lang.  Maraming-marami pang iba. 

Basta, ang masasabi ko lang ay tama ang sabi ng video - IT'S WHEN THINGS SEEM WORST THAT YOU MUST NOT QUIT.


http://www.youtube.com/watch?v=VkCFeNeqyHk

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?