ASK and BELIEVE - Quick blog
Your changes have been saved.
Hello mga kablogs,
Puro quick ngayon kasi malapit nang mag-alas dose.
I took this day off - nandito kasi si Nay sa HK. Syempre busy-busyhan sa trabaho at hindi ko masisigurado kung anong oras ako makakauwi kapag weeknights kaya nag-leave talaga ako para masiguradong we'll have quality time together.
Day 1 - late flgiht. Thank God kasi Typhoon 8 dito on the day of her flight pero clear na nong gabi.
Day 2 - Church - masahe - bagsak
Day 3 - Holy Family Parish/Kaampi/Lohas Park (half-day work 2-9pm - half day? ), Braveheart
Day 4 - ngayon 'to
Unang-una naming ginawa ay nagpunta sa bank kasi bayaran ng bahay (haaay). Tapos, pinakita ko sa kanya ang kaibahan ng Premier, Advance at Regular customers.
Iyong sa Advance at Regular queues, ang haba-haba ng pila. Tapos, sa Premier kaunti na nga ang pila may libreng kape pa.
Napagkuwentuhan na namin ang mga kalokohan ko when we're in Macau. Bigla raw akong sumakay sa Venetian Bus Shuttle eh hindi naman daw kami nagbayad. Sabi ko kay nay non, "libre yan. Sasakay ka lang."
Napagkuwentuhan din namin iyong pagpunta ko sa office ng manager na naging daan why I'm here in HK. Hindi ko sya kakilala pero naglakas loob pa rin akong ipakilala sarili ko at sabihing I want to find a job in Asia. Baka matulungan niya ako.
In short, binalikan namin ang mga dahilan kung bakit may mga bagay kaming natatamasa ngayon. It's all because I ASKED and I BELIEVED. Syempre, with God's providence.
Tapos, habang naghihintay kami ng tren... Biglang sabi niya sa akin, "Shel, si Yeng iyong babae." Malay ko kay Yeng. I only watched her kapag nakakasama siya ng mga Champs at iyong guesting niya sa PBB Teens. Sobrang nagustuhan ko iyong kanta niyang Hawak-Kamay pero hindi ko talaga siya masyadong kilala. Magkakatabi silang 3 - si Yeng, ung kasama ni Yeng at si Nanay. Ako naman ay nasa tapat nila para nga icheck kung si Yeng talaga iyon. Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi mukha ngang tama si Nanay.
Tapos, nong bumaba na iyong katabi ko tumabi sa akin si Nanay. Kaya, magkakatapat na kami. Bulungan na naman kami ni Nanay. "Si Yeng iyon," sabi nya. Sabi ko lang, "Eh di itanong niyo." Pero, deep inside gusto kong itanong for her. Pinapag-usapan lang namin ang lakas ng loob eh eto akong nahihiya. Iniisip ko lang non, I want Nanay to be happy kaya kahit dyahe, I'll do it for her.
Hanggang etong si Nanay hindi nagpapapigil. "Nene, Nene," Tinatawag niya iyong kasama ni Yeng to ask if the lady is Yeng. Ako na nahiya eh. It ended up si Yeng nga iyon.
At, ang nakakatuwa ay - what she said to us - "SANA MAKASAMA KO RIN MAMA KO SA PAGTRAVEL. TAKOT KASI SYANG SUMAKAY SA EROPLANO E."
Kala mo kung sino akong Preacher kanina, sabi ko lang sa kanya - "Si Nanay, nito na lang din nakasakay ng eroplano. Sa simula lang nakakatakot pero 'pag nasimulan na tuloy-tuloy na. Magsama ka ng mga mahal niya sa buhay like apo or kapatid para maencourage."
It's always a dream come true kapag nakakapunta si Nanay sa ibang lugar at sobrang nakakatuwa kapag magkakasama kami. She suffered a lot para lang mabigyan kami ng magandang buhay. Maano ba naman ang airfare at mga pagpunta sa tourist spots na libre.
Kung anuman ang mga pangarap natin para sa sarili natin, did you ever think na baka pangarap din iyon ng mga mahal mo sa buhay? Hindi ba't mas masaya ang pakiramdam kapag ikaw ay nagiging dahilan ng kasiyahan ng iba?
Simpleng mamamayan si Yeng. Nakakatuwa siyang bata, ang galang-galang. Tsaka, parang punong-puno ng pangarap. Idol ko na siya.
JOIN ME AND EXPERIENCE THE JOY OF GIVING.
Comments