It Depends sa LENS - QUICK BLOG
Kapag gusto mong sumigaw o kaya'y umiyak pero hindi mo magawa, idaan mo raw sa sulat. Eh high tech na ngayon kaya blogging na lang.
Typhoon 8 (blog na isusulat ko pero hindi ko ipapapublish). Isang career decision at hindi ko pa alam sa ngayonkung anong patutunguhan. Pero, naniniwala akong kapag magbibigay ako ng speech in the future sa mga YPs ang point na ito ang babalik-balikan ko.
Back to the issue... kagabi, nalate na naman akong natulog tapos paghiga ko nagbutinting pa ako ng APPS. Feeling ko makakapahanap ako ng APP na isang click ko lang lalabas mga job vacancies ng employer ko. Walang ganon pero may Chrome naman kaya sa madali't sabi, nakahanap pa rin ako ng job vacancies.
Jackpot! Kilala ko iyong recruiter. Sya iyong nag-interview sa akin when I was in Cinci. Hindi man successful iyong application ko kagabi at least I know where I stand.
High na high ako kasi nga inaantok tapos parang ang saya ng feeling na kapag time na for me to try another role, may kukontakin na ako.
May envelope sa desk ko na late ko nang nabuksan dahil nga sa dami ng trabaho. Ako na! Tax forms iyon. Wala lang sa akin kasi pareho lang naman ng last year (ang akala ko). Iba nga pala iyong last year kasi hati ang taxable year ko - US at HK. Nong isang gabi lang nahirapan na akong magbudget ng payable ko until 1st quarter next year. Tapos, biglang susulpot 'tong payable na 'to na sobrang lobo ng nakaraan. Haaaaay. Napatigil talaga ako at gustong kumausap ng mga locals para nga mag-inquire, eh ako na lang ang naiwan sa office.
Haaay. Nagmove-on ako pansamantala, nagdinner para makalimutan ang problema. Nang ako'y nabusog na, bumalik na naman ulit sya. Literally, tumingin ako sa langit at tinanong ko Sya, "Anong gusto mong ipagawa sa akin? Bakit naman pinapahirapan Mo ako financially? Hindi ko pa nga maisingit iyong napangakuan ko may bago na namang puzzle. Haaaay"
Tapos, nagcompute-compute ako... Kailangan ko ng PHPXX. Ang blog booklet ay nagkakahalagang Php100.00. Ibig sabihin kailangan kong makapagbenta ng ganitong number... Tapos, naisip ko na mga kaibigan ko eh hindi naman ganon karami iyon.
Kung tutulungan nila ako, posible pero malaki pa rin e. Pero, puwede rin. Kasi, kapag nagustuhan nila ang booklet bibilhan din nila mga kaibigan nila. O kaya, basta bumili lang at ibenta nila para tumulong. hehe.
O diba, kung anu-anong pumasok sa isip ko.
Kahit may financial problem ako at the moment, pareho pa rin ang intention ng blog booklet - the proceeds will go to SHARE A SECRET SPREAD SUCCESS. Magpapaaral kami ng mga kabataan para makatulong sila sa pamilya nila at makatulong din sila sa pagginhawa ng lipunan.
Niluluto. I just like to have something different kapag nagTRENta na. Bahala na.
Comments