NINGAS KUGON


by Maria Shiela M. Cancino on Friday, July 27, 2012 at 12:13am ·
during PALSC Part 1 preparation:

Nanay:  Shiela, wag na wag mo nang uulitin yang kalokohan mo.  Kung sinu-sinong iniistorbo mo.  Akala mo madali pinapagawa mo... (Mga Tiya ko nagpuntahan sa Nova para tumulong sa pagluluto at nambulabog lang naman ako ng mga kabataan)

Ako: deadma... Pero deep inside ang sama ng loob ko kasi mabuti naman ang intention ko.  Gusto kong makita ng mga kamag-anak ko ung PALSC 1 para mainspire sila lalo sa pagpapaaaral ng mga anak nila.  Nagkataon lang na nagprepare ng food, eh nature nilang tumulong kaya ayun tumutulong sila.  

I was hurt but I told her what I felt.  I want to inspire youths pero humuhugot ako ng lakas sa family ko kaya kung hindi sila boto sa ginagawa ko balewala pa rin.

bago magPALSC 2... si Nanay nagbakasyon sa HK.

Shiela:  Nay, may PALSC 2 ha.  Naghahanda na mga bata ron.
Nanay:  Mabuti yan.  Kailangan ng  mga kabataan ang ganyang event.
Shiela: Tignan mo 'to, sabi wag ko na raw gagawin ulit. sa isip ko lang syempre. haha. 

araw ng PALSC 2 (during preparation).  I am literally BROKE. 

Nanay: Shiela, hindi ka magpapakain?
Shiela: huh? wala sa plano ko iyon.  OK lang iyon.
Nanay:  Ano ka ba? Nagpakain ka last year tapos ngayon hindi. 
Shiela: Ok lang iyon.
.....
Nanay: (at some point on that day) Wag mo nang uulitin yan ha. Wala ka na tuloy lalong pera.
Shiela:  Sinabi ko na kasing wala akong balak magpakain e. Kayo kaya nagpumilit.
Nanay:  Tignan mo nga ang saya-saya nila.  Ang dami mong napasaya.
Shiela: ( Haaaaaay.  Pero, sobrang saya talaga. )


Habang ako'y nabubuhay at tumutulong ang mga kabataan sa akin  esp DVDB at PYM, pipilitin naming magkaroon ng PALSC.  Pero, parang mas oks iyong simple lang kagaya ngayong taon.  Mas nabigyan kasi ng pansin ang mga nagtapos.  

NNES Mass Feeding???  

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?