Anong Pakialam Ko Sau?!



by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, August 25, 2012 at 12:34am ·
12:21am

Yes, gising pa ako at masama ang pakiramdam.  Umatake na naman ang bacteria kaya't tiyan ay nanakit...  Buti tumigil din.  Haaay.

Gusto ko lang magblog bigla.  Isang gabi nagkausap kami ng kaibigan kong sobrang competitive.  Iyong feeling nya lahat ng nasa paligid niya ay kalaban niya.  

Hindi ko alam kung nabasag ko ang prinsipyo niya pero sabi ko lang... "Magkaiba kasi tayo.  Ako, kalaban ko lang ay sarili.  Hindi ko kinukumpara ang kakayahan ko sa ibang tao.  Ang basis ko ay kung paano dapat gawin at kung ganoon nga ba ang ginawa ko.  Hindi iyon kung paano niya ginawa dapat mas magaling ako ron."

Lagi ko rin ipinapaalala na mas mahalaga ang relationship (i.e. magkatrabaho, magkakaklase, magkaibigan) kaysa sa anuman.  Sakto pang kakabasa ko lang ng book ni Bo.  We are not human doings but human beings!

Hindi sa pagmamayabang pero kung babalikan ko ang aking mga kaibigan sa mga dati kong pinagtrabahuhan at kahit pa sa schools (College, HS, even Elementary)... nag-iwan siguro ako ng tatak ng "magandang pakikisama."  

Hindi kailanman magtatagal sa ala-ala ng isang tao kung gaano kagaling, gaano ka katalino kundi paano mo natouch ang buhay ko.  Paano ka naging nagkaroon ng magandang bahagi sa buhay ko...

At, para lang makumbinsi ko ung kaibigan ko, sabi ko pa - "Even Senior Leaders, that is what they are saying - NETWORKING IS SO IMPORTANT.  You may never know you colleague now is your hirining manager tomorrow."

Nag-iiwan ako ng magandang pakikisama sa kahit na saan ako mapunta hindi dahil para makapagbenefit sa kanila in the future.  Kung hindi dahil ito ang dapat gawin. Kagaya rin sa palaging ginagawa ng aking Saint - St. Francis de Assissi.

MAKE ME A CHANNEL OF YOUR PEACE.  

Tanungin kita... Paano mo gusto makilala ng mga kasama mo ngayon?? 
parang tong kambal na 'to...

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?