Graduate Na Ako!
Graduate Na Ako!!
by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, September 1, 2012 at 12:22am ·
March 2003 nang nagtapos ako sa Kolehiyo... Puwede na akong magtrabaho at dapat nagtatrabaho na ako pero pinili ko talagang mag-aral ulit para nga maipasa ang CPA Board.
Nakapasa naman ako.... Salamat sa Diyos!
Ang pagtupad ng pangarap ay mahirap kapag nakasentro ka lang sa sarili mo. Iyong tipong naghihirap ka pero wala kang inspirasyon. Ako kasi noon, inspiration ko ang family ko. Simple lang ang pangarap ko - makakain lang kami ng 3 beses sa isang araw na hindi puro pancit canton, ligo sardines, GG, bilang na bilang na maliliit na pakpak ng manok.
At, sana may regular na meryenda rin kahit hot monay lang.
Sa bawat araw ng paghihirap ko ay kasama ko rin ang family ko. Iyong tipong suportado ka. Mag-aaral lang ako at sila ang bahala sa gawaing bahay.
Kaya, ayun! Sobrang saya rin nong nakalagpas ako. At, pagbalik sa simula... I did it with them kaya sa pag-angat ko ay kasama ko rin sila syempre.
I'm writing this note para sa mga kabataang malalapit sa aking puso. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay simula pa lamang. Mas marami pa kaung pagdaraanang hirap. Tandaan niyo lang palagi kung bakit niyo ginagawa ang ginagawa niyo. Babalik at babalik ka sa pagmamahal sa family mo. You will not be aware hindi na lang hot monay ang pangarap mo for them kung hindi hot wheels na. hehe.
Kaya, kapag nahihirapan sa paghahanap ng trabaho, sa napiling trabaho, sa mga nakakasama sa trabaho, sa hirap ng trabaho... back to the basic.... Ang 3 beses na pagkain sa isang araw, ang hot monay, atbp!
At syepmre, always ask His guidance and blessings!
Happy graduation... Welcome to the real world.
Comments