Life Is So Unfair!


Life is So Unfair!!!

by Maria Shiela M. Cancino on Sunday, September 9, 2012 at 9:01pm ·
Sila:  Ate Shel, sana matulungan mo ako.
Sila:  Ate Shel, gusto ko sanang makatapos sa pag-aaral
Sila:  Ate Shel, paano ba ako makakasali sa foundation niyo?
Sila:  Ate Shel, nakakaawa iyong kapitbahay namin, sana ay matulungan niyo rin sila.
Sila:  Ate Shel, nagsabi sa akin iyong kapitbahay namin, sana raw maipasok siya sa 4s.
Sila:  Ate Shel, Ate Shel, Ate Shel.....

Ako:  NR  NR  NR.... No Reaction.  

Paano ako makapapagreact eh ako nga itong DATING hindi sanay na may utang at ayaw na ayaw na makikitang may DEBIT BALANCE ang credit card, eh nahihirapan din.  

Ako itong may mga sarili ring pangangailangan...  


Nakakatuwa lang to look back - where did I start??  Mahirap lang ang family namin.  Iginapang ng mga magulang kaya nakapag-aral at pumadyak lang nang pumadyak hanggang sa hindi ko namamalayan na malaki palang pinagbago ng buhay ko, ng pananaw ko sa buhay.

I always complain about life LALO NA about work.  Nakakapagod at parang laging kulang (eh pano nga na mismanage ang funds).  

Last Friday night, nilakad namin ng kaibigan ko ang kahabaan ng Taikoo place.  Ipinakita ko sa kanya kung saan ako naglalakad dati , noong una ay naghahanap lang kami ng GONG CHA hanggang sa malapit na kami sa LIBRENG apartment na ibinigay ng employer ko for 5 months, kaya tinuloy-tuloy ko na rin...  

Ako:  Dyan ako nakatira dati...
Sya:  Talaga?!  Grabe!  
Ako:  Hulaan mo kung magkano binayad ng employer ko?
Sya:  (Hula nang hula hanggang sa sumuko rin)
Sya:  Grabe?!  That much?  Tapos, nagcocomplain ka?
Ako:  sa isip lang... oo nga no... sige na nga, hindi na nga.  

Bakit ganoon, maayos na ang trabaho ko pero palagi pa ring may kulang...  Kapag hinimay-himay mo ang dahilan kung bakit parang kahit enough na ay kulang pa rin kasi God wants us to maximize our talents.  

Kung satisified na ako sa kinikita ko, hindi niyo ako makikitang trying hard magsalita nang magsalita.  Kahit nga hindi ko love ang English, pilit na pilit para lang matupad ang pangarap ng marami.  Sabi nila malaki raw ang kita kapag public speaker.  wahaha. Iyon pala iyon!

I need to overcome my own weaknesses... sa paniniwalang makakatupad ako ng mas maraming pangarap. 

Magsulat?!  Alam niyo bang hindi nga ako journalist noong Elementary at nong HS, hindi ko ipinasa ang mga qualifying exams.  Bakit ako nagsusulat nang nagsusulat...?  Dahil, gusto kong makuha niyo ang positive side ng aking buhay.  Dahil na rin ako'y nangangarap na makapagpublish ng sarili kong libro na ang kikitain ay mapupunta sa SHARE A SECRET SPREAD SUCCESS.

One day, you'll see me singing while dancing... just to achieve my goals (send many youths to college).  Join me and experience the joy of giving!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?