CPA - Courage, Patience & Almighty

Hello mga kablogs!  Matagal-tagal din bago ako nagblog ulit.

Ipinangako ko ang blog na 'to sa family friend at naniniwala akong marami ring mga kabataan ang mag-iiba ang outlook sa buhay Accountant kapag nabasa ang blog na 'to.  

Isang bakasyon ko sa atin habang nakikikain sa birthday party.  

Kumare:  Shel, sabihan mo nga yan.  Hindi raw magtatake ng CPA Board Exam
Ako:  Sige.  Gagawin ko ang makakaya ko.  

9 years ago sa ACE Review Center...  Palaging sinasabi ni Sir Agamata, "Bakit kayo matatakot sa araw ng board exam?  Hindi ba dapat ay nagpapasalamat kayo kasi iyang mga araw na 'yan ay OPPORTUNITY para makuha niyo CPA Licensure niyo?"

Hindi ko sya naiintindihan noon.  Huwag daw matakot kung hindi ay magpasalamat kasi OPPORTUNITY ang mga araw na iyon.... 

Kapag babalikan ko ang mga araw ng pagrereview ko for CPA Board, ang tanging naalala ko ay ang mga gabing walang tulugan at madadaling araw na habang ang iba'y natutulog ako nama'y subson sa pag-aaral.  Isang araw sabi ng Nanay ko, "Kahit hindi ka makapasa ok lang.  Hindi mo kailangang magpakapagod nang sobra."

Ang mga salitang ito ang lalong nagbigay sa akin ng inspirasyon para pagbutihin lalo.  Hindi naman kasi talaga mahalaga sa mga mahal natin kung anong maaabot natin o kung anong mga failures natin sa buhay.  Ang mahalaga sa kanila ay TAYO.  Tayo at hindi ang mga nakadikit sa pangalan natin.  

Ano nga bang sikreto ko sa pag-abot ng pangarap??

Hindi ako magpapakaipokrita na I will not be hurt kapag hindi ko naabot ang pangarap ko.  Syempre, ilang araw din akong masasaktan kapag hindi ko nakuha ang gusto ko.  Pero, salamat kay God at unti-unti ko ring naiintindihan kung bakit hindi nangyari ang gusto kong mangyari (halimbawa ay ang pagbasak ng 2 beses sa CMA Exams).

Ito ang sikreto ko - I give my best sa lahat ng gusto kong mangyari.  Sa CPA Board, tinodo ko talaga.  Ang dami kong pinutol non.  Doon yata simulang nawala ang gana kong manood ng TV.  Sikat na sikat ang Metoer Garden pero ako nagpapaka-kill joy sa loob ng kuwarto.   Kung hindi man ako nakapasa non, ayos lang kasi ibig sabihin may ibang plano sa akin si God.  Masakit kasi magsisisi sa bandang huli na kaya hindi ako nakapasa kasi nagkulang ako sa preparation which is eto iyong nangyari sa CMA Exams.  I cried a lot kasi nagsisisi akong nag-aksaya ako ng panahon.  Back to square 1 tuloy ulit ako.  At, syempre I let go and let God.

Bago pala ang giving my best at letting God, syempre dapat i-grab din natin ang opportunities.  We always have a choice kung igagrab ang chance o hayaan lang silang makawala.  Kapag pinili mo ang pangalawa, maghintay ka ng ilang panahon malamang-lamang magsisisi ka.  Sabi nga ng mga Sales people, kapag hindi mo sinubukan ang isang bagay alam mo na agad ang sagot, NO.  Kapag sumubok ka, may chance kang makukuha mo ang gusto mo.  You're giving yourself 50% chance kapag sumubok ka.

Natutuwa ako kapag nababalitaan kong nagtake ulit ng board ang mga kaibigan ko.  Ang tatapang nila at hindi nila sinukuan ang board hanggat hindi nila naipapasa.  Magkakaiba syempre ang priorities ng bawat isa.  Maiintindihan ko rin ang mga kaibigan kong hindi na nagtake ulit kasi syempre may mga pamilya na sila na mas kailangan nilang paglaanan ng time.  

Magfofocus ako sa mga nakapasa kong kaibigan dahil nga hinihikayat ko ang mga Accounting Students na magtake ng board... 

Hindi biro ang paglalaan ng time ng mga Accounting graduates para lang makapasa sa Board Exam.  Bakit nga ba?  Anong meron kapag nalagyan ang pangalan mo ng , CPA?

- sabi nila kapag may , CPA matatalino kasi nga ang hirap ng exams.  Hindi alam ng iba hindi naman ako matalino.  Masipag lang ako.  Ang board kasi ay paramihan ng exercises na masasagutan.  

- susi ito sa maraming opportunities which I can attest.  

2 directions ang sa tingin ko (with my experience) ang puwedeng tahakin ng CPAs

1) magtrabaho sa Auditing firms lalo na sa malalaking firms (Ernst & Young, Joaquin Conanan, Punong Bayan, Deloitte, etc) ng ilang taon.  Paglabas mo rito siguradong manager ka at may malaking sahod na naghihintay sa BIG private companies sa Philippines o companies abroad.

2) magtrabaho sa isang known company at doon na bumuo ng pangalan.  I mean entry level to manager at kapag may opportunity ay lumabas ng bansa.

Looking at these two directions parang pareho lang iyong ending diba?  Pero sa tingin ko ay mas maraming opportunities sa direction no. 1 kasi iba ang training sa mga auditing firms.  May mga kakilala ako na nasa magagandang companies na ngayon sa iba't-ibang bansa (Australia, Canada, America, Bermuda, UAE, Singapore, etc.)

May isa pang direction (ito iyong ginawa ko) pero parang risky pero challenging.  Nagpatalun-talon ako from different companies - maliit na auditing firm > family owned corporation > family owned corporation ulit  > one of top companies in the Philippines > Bermuda > USA > HK

Basta's kasama natin palagi si God sa lahat ng ginagawa natin, Sya ang magdadala sa atin sa dapat nating kalagyan.  Ang kailangan lang natin ay lubos na manampalataya sa gitna ng kalungkutan.  

Kaya mga bata huwag magpadala sa daga na nasa ating dibdib.  Kapag hindi mo nilabas yan, gabi-gabi kang dadagain.  hehe. 


Praise and glory be to God!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?