MAKISALI. May SAY ka.
Alam kong sobrang init ng ulo ko kahapon. Kaya, malas kung sinong mapagbabalingan non. Isa ito sa winowork out ko kung paanong hindi maipasa sa tao at lalo na sa mga mahal ko ang init ng ulo ko.
Basta, ang huling mensahe na naalala ko ay - Hindi niyo ako naiintindihan! This project is not just feeding the students but encouraging others to give.
Maraming nagugutom, maraming nangangailangan ng tulong, maraming inaapi dahil mahihirap sila, marami... marami... At, # 1 sa ewan ko maganda o hindi magandang ugali ko ay ang MAKISALI. Hindi ako papayag na aapihin mo sila sa harap ko. Lagot ka at nakakahiwa ang mga salita ko. :-)
Nagpapasalamat ako at ang buwanang mass feeding na pinangarap namin ay unti-unting nagkakatotoo. May mga buwan lang na namiss dahil sa mga hindi maiiwasang mga kadahilanan.
Ano nga ba talaga ang layunin ko kung bakit pinili kong pasukin ang mass feeding??
Ito kasi iyong madaling tutugon ang mga tao kasi instant ang result. Magrequest ka sa mga taong mag-sponsor sa pag-aaral ng ELEM/HS/COLLEGE, maraming what ifs (magloko, gastusin ang pera, hindi magseryoso, etc). Unlike, mass feeding... kita mo agad ang saya ng napakain nila.
Kung mapapansin niyo hindi ako after sa KUNG ANO ang pinakain, KUNG ILAN ang napakain. Dahil mas concerned ako sa PROSESO.
PROSESO kung paanong sa proyektong ito napapagbuklod ang dating magkakaklase. PROSESO kung paanong sa MALIIT NA HALAGANG PINAGSAMA-SAMA (Php100.00), labis ang kasiyahang naidulot nila. PROSESO kung paanong unti-unting nagsisink-in sa kanila na KAHIT HINDI TAYO MAYAMAN, PUWEDE TAYONG TUMULONG.
I am more concerned of to the effects to the GIVERS and not to the RECIPIENTS.
Well, let me rephrase that... Actually, ang hinahangad ko naman na maging epekto sa mga bata ay isipin nilang they can do the same when they grow old kapag MAY EXTRA SILANG PERA. At, paano sila magkakaroon ng extrang pera, iyon ay kung may maayos silang trabaho. Kaya, magsisikap silang mag-aral.
Basta. Basta. Basta.
Darating ang panahon na aapaw ang pera sa aking bulsa at helping others will be as easy as posting WHAT'S ON YOUR MIND.
Iaalay ko ang Speech 5 sa lahat ng mga nahihirapan. Sana lang may slot talaga ako bukas... :-)
Salamat sa lahat ng mga nakikiisa! God bless us all!
Comments