“But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all. For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as ransom for many.” – Mark 11:43-45 Salamat sa sharer. Mabuti na lang at muli kang nagbalik. Dumaraan sa low point ang batang ito kaya nawala sya. Dahil malalagpasan nyang muli ang low point nya, back to sharing na ulit. Kamusta kayo? Ako heto, irritated sa rashes na hindi ko alam kung saan ko na naman nakuha. Bukod pa diyan ay puro cuts ang mga daliri ko, dagdagan pa ng masakit na bangag paggising kaninang umaga. Worst pa ay ang paycheck na sobrang baba kumpara sa dati kong kinikita. Bumaba ang net pay pero pareho pa rin ang expenses. Haaay. Help me Lord. Ilang ulit kong kinuwenta ang expenses ko sa kikitain ko at talaga nga namang nakakapanlumo. Iniisip kong bawasan lahat ng 20% ang lahat ng budget pero hindi ko magawa kaya Bahala...
And he will send the angels to gather his chosen people from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the sky. Mk. 13:27 Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto medyo dinapuan ng sakit. Pasaway na katawan bumigay sa nakakapagod na mga araw na nagdaan. hehehe. Salamat na rin kasi narealized ko na nakakalimutan kong ipagpasalamat sa araw-araw na buhay pa ako at malusog. Kaya simula ngayon pag gising ko, unang-una na ang pagpapasalamat sa buhay at malusog na pangangatawan. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa PSP. It sounds technology pero ang ibig sabihin nyan ay Pagpupugay sa Pablik. Para sa kaalaman ninyong lahat, graduate ako sa public schools, elementary at high school. Naaalala ko pa noong malapit ng matapos ang school year sa Nagkaisang Nayon Elementary School, palagi akong tinatanong ng mga classmates ko kung saan daw ako mag-aaral. Iisa lang ang palagi kong sagot "sa Pablik." Bukod sa hindi kaya ng mga magulang kong magbayad ng mataas na tuition fee...
Reading 1 Is 42:1-7 I formed you, and set you as a covenant of the people, a light for the nations, To open the eyes of the blind, to bring out prisoners from confinement, and from the dungeon, those who live in darkness. Gospel Jn 12:1-11 "You always have the poor with you, but you do not always have me." Monday of the Holy Week. Wow. Heto na ang pinakahihintay matapos ang 5 linggong lent. 2 thoughts ang ikoconnect ko sa blog ngayong araw. Paggising ko kaninang umaga, nag-isip ako ng puwede kong gawin sa unang araw ng holy week. Though talagang ang pinakapuso ng Holy Week ay Friday (ewan ko kung tama nga) at ang Triduum naman ay Thu, Fri at Sat., minabuti ko ng may gawing kaaya-aya sa bawat araw ng holy week. Ang hirap namang magpakabait (Almsgiving), magdasal nang mas marami (Prayeful) at lalo naman ang kumain nang kaunti (Fasting) kaya sabi ko sa blog ko na lang idadaan. Let’s start. Nakakuwentuhan ko ang isang kaibigan tungkol sa sacrifices niya during lent. Though hindi ...
Comments