Posts

Pagtulong sa 'di Kaanu-ano

Image
"You believe because you see me, don't you? Happy are those who have not seen and believe." John 21:29 Hello sa lahat! Kailangan kong agapan ang mga blogs ko dahil ilang araw na lang ang natitira para makaboto tayo sa Facebook. Palagi kong nakukuwento sa inyo si Carla. Nakakatuwa iyong kaibigan kong 'yon. Napakamapagbigay kahit walang matira sa kanya. Namana niya ang ugali niya sa Nanay niya, iyong tipong isusubo na lang ibibigay pa sa iba. Naalaala ko iyong experience niya nong College pa lang siya. Engineering ang course, syempre mahirap kaya palagi siyang nag-aaral at halos kaunti lang ang free time. Mayroon siyang kapitbahay na nagpapaturo sa kanya, inabot sila ng hating-gabi. Mapagbigay man ang Nanay niya ngunit dahil nag-aalala sa kalusugan ni Carla, palihim siyang kinakausap at sinasabi sa kanyang "Sabihin mo sa kaibigan mo, sa ibang araw na lang ulit. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Nagpapakapagod ka wala ka namang makukuha dyan." Nasasabi niy...

Kriscien is the name

Image
Isaiah 49:16 Behold, I have carved you on the palms of My hands Luke 9:59 Follow me Hello mga kablogs! Balik ulit tayo sa Tagalog blogging. Mas madaling mag-express kapag sariling wika. Medyo busy pa rin sa botohan. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigang tumutulong sa akin. Pasensya naman sa mga nakukulitan na. Dahil ako ay FB addict, lahat ng mga postings tinitignan ko. Hindi lang ako nagkocomment kaya hindi halata. Kanina, napadaan ako sa page ni Igie Franz. Gumawa siya ng video para sa lolo niyang kamamatay lang. Ito iyong pangalawa kong pamilya, akala nga dati ng iba magkapatid kami ni Emma kasi palagi kaming magkasama noon. Ang pangalan ni Tatay Asiong ay Ignacio tapos si Nanay Franz naman ay Francisca. Kung titignan, iyong pangalan ay makasinaunang panahon pero ang nakakatuwa ay dala-dala noong bunso at apo. Si Nonoy ay Ignacio Jr at si Jing naman ay combination ng Lolo at Lola. Alam niyo bang pangalan ko ay MARIA SHIELA? Jologs ng Maria kaya hindi ko ginamit noong nag-aaral ako. I...

Add as a Friend

Image
Come Holy Spirit I Need You! Hello to all my friends, relatives, family especially to all the readers of my blogs. I started my blog by writing Come Holy Spirit because that's what I need now. I don't have good sleep yet since I started commiting myself to support another foundation. That is also applicable because this will be my first time to write my blog in English. I am one of the founders of recent launched scholarship foundation in the Philippines called 4S (Share A Secret Spread Success). I'm not a type of person who will ask help from my friends for any financial assistance or any help. So what I am doing to invite them indirectly is to write blogs, post pictures and encouraging words on my page almost everyday. And I'm very thankful when someone will respond. Having scholarship foundation is not easy. You have to ensure that you have enough money to fund all the expenses of the students. (We only have two right now). Also, there are many youths who want to be...

Ang BASWIT ni Bien!

Image
picture was taken from google My sheep listen to my voice; I know them, and they follow me. Hello mga kablogs! 10:53pm. Medyo nakakapagod na sa mga oras na ito pero sobrang sulit talaga ng weekend. Sobrang saya! Father's Day pa... Kapag wala ka ng Tatay since 1996 tapos hindi naman masyadong close sa tatay, parang balewala lang iyong araw na ito. God will always make something para magkaroon ng kulay ang lahat. Sa dinami-dami ng araw na puwede akong magpunta sa bahay ng katrabaho ko, Father's day pa ang napili ko. Sobrang close siya sa tatay niya kaya parang nakaramdam din ako ng pagkamiss sa Tatay ko. Kanina ko pa gustong maiyak habang naiisip ko sya. Sabi ko, siguro sobrang masaya sya sa mga nangyayari sa aming mga anak niya, sa aming lahat. Siya iyong tipo ng tatay na matigas sa panlabas pero sa tingin ko mabait sya at malambot ang puso. Hindi lang talaga showy sa pagmamahal kaya hindi nagclick ang relationship naming lahat. Siya iyong tatay na mamamalo ng sinturon kapag na...

Next In Line

"Your faith has saved you; go in peace." Lk. 7:50 Hello mga kablogs! 4:21am. Kadarating ko lang galing sa isang kasiyahan. Ako iyong tipo ng taong medyo seryoso at bihirang-bihira mong makikita sa mga kasiyahan. Sige na nga, sabihin na nating KJ. hehehe. Pero alam ko kung kailan din dapat hindi paganahin ang "KJ." Halimbawa, takot ako sa space shuttle pero sinubukan ko kahit natatakot ako dahil sabi ko minsan lang mangyari iyon sa aking buhay at minsan lang akong mabubuhay... Lately, maraming mga pumapanaw na malapit sa akin at hindi man malapit sa akin, kakilala ko. Iyong dalawang malapit sa akin ay sina Tatay Asiong at Tatay Totoy. May mga sakit sila pareho at mga alagain kaya somehow parang napabuti na rin na natapos na ang paghihirap nila sa mundo. Natapos na rin ang paghihirap ng mga nag-aalaga sa kanila. Kahit parang alam mo na na doon papunta, nakaramdam pa rin ako ng lungkot at naiyak pa nga ako lalo na noong mabasa ko iyong mga shoutouts ng mga...

Magtanim ay 'di biro

"You yourselves give them something to eat." Lk. 9:13 Hello mga kablogs! Naku, late na as in madaling araw. Katatapos ko lang kasing gumawa ng video kaya sabi ko magbablog na rin ako. Ang sarap ng buhay kapag bahay-trabaho-bahay lang, iyong tipo bang wala kang ibang iisipin kapag nasa bahay ka na kaya naman nakabalik ako sa pagbabasa ng inspirational books. Matatapos ko na iyong pangalawang book ni Bo Sanchez entitled "How to turn thoughts into things." 2 bagay ang gusto kong ishare this week. Una ay related sa pagbasa ngayon about sharing. Obserbahan mo ang paligid mo. Bakit iyong ibang mayayaman na hindi nagshashare, hindi masaya? Bakit iyong hindi mayayaman na hindi nagshashare, hindi nagiging mayaman? Bakit ang nagshashare na mayaman, lalong nagiging mayaman? Bakit iyong hindi mayaman na nagshashare, unti-unting gumiginhawa? Isa iyan sa topic ni Bo sa book nya. Ang law raw ng pagbibigay ay space. Ibinigay niyang halimbawa ang isang lalagyan na puno ng bato, ordi...

Bukluran

It was not you who chose me... I chose you and appointed you to go and bear fruit that will last. Hello ulit mga kablogs. Minabuti ko ng magblog para iparating sa mga kabataan ang aking nararamdaman. Nagpapasalamat ulit ako sa PYM sa isang napakagandang performance noong 4S launching. sa pagmamasid ko sa kanila, namiss ko ang panahon namin nina Emma, panahon namin ng mga Coolhetz, panahon namin ng iba. Marami na kasi sa amin ang hindi na kasapi ng PYM dahil mga nag-asawa na. Ang nakakatuwa lang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin at nagpapatuloy sa pamumuno ni Dok, Hildz, Bok at Alvin. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang gusto ko lang hilingin ay sana mabuhay ang bukluran. Ano ang bukluran? Ito ay pinasimulan ni Fr. Jayson. Buklod means pinag-iisa. Naalaala ko nong pinadala kami nina Sr. Donna, Hilds at ako sa isang seminar about Bukluran. Mabuti na lang at nagamit ko ang mga natutunan ko noong nasa Pinas pa ako. Nagsimula ang aming bukluran sa aming magkakabar...