Posts

last blog for a while

Last note on FB for the meantime. Pati na rin blogging stop muna. Karaniwan ang taong hayok sa paninigarilyo kapag biglaang nag-quit, kapag namiss, mas naging sobra pa ang addiction sa pagyoyosi. Napansin kong ganito ang nangyayari sa akin. Nagstop nga akong magFB ng 40 days tapos simula naman Easter sobra ang pagkaaddict ko ulit sa FB. Para bang namiss ko nang sobra to the point na napupuyat ako. Iyong mga groups na lang na involved ako ang pupuntahan ko (lalo na ang NHS Batch '99 supports schoolmate), iyong 4s nakakapag-usap naman tayo sa yahoo, invisible na ulit ako sa FB. Kapag kailangan niyo ng tulong ko pakiemail na lang ako sa cielah_04@yahoo.com. Saka na ulit ako babalik kapag kaya ko ng kontrolin ang paggamit ko ng FB. Maraming advantages sa paggamit ng FB pero huwag kayong papaalipin gaya ng nangyayari sa akin. Dapat siguro makakapasa na ako sa exam na pinaghandaan ko pero dahil nanakaw ng FB ang oras ko, pinostpone ko ang pagtake ng exam. Kung may mga kasama ka naman sa ...

Happy Easter 2011

Image
This is not the time to praise yourselves. Do you not know that a little yeast makes the whole mass of dough rise? 1 Co. 5:6 Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto parang super enjoy sa pagfafacebook. hehe. Dami ko tuloy mga dapat gawin. May ginawa akong video, habang hinihintay kong mag-upload sabi ko magbablog na muna ako. Wala ako sa posisyon para magbigay ng Success Secrets kasi hindi pa naman ako successful pero gusto ko pa ring ibahagi ang ilan sa mga secrets ko kung bakit feeling ko ay papunta ako sa pagiging successful. Siyempre, unang-una na dyan ay nagbabahagi nga ako, hindi lang kaunting Treasure (4S principle) pero nagbabahagi rin ako ng aking super duper precious Time (I'll explain more sa video na ginawa ko) at Talent (blogging at ilang mga techniques at paniniwala sa buhay). Gusto kong magfocus sa isa sa mga strategy ko sa buhay na pakiramdam ko ay talagang nakatulong ng higit sa akin kaya narating ko ang mga nararating ko (kung anuman iyon. hehe). Sarili ko lang...

Above All (Sing-Along Video) by Hillsong

Image
The First Word – (Luke 23:34) - “Father, forgive them; for they know not what they do” The Second Word – (Luke 23:43) - “Amen, I say to thee, today thou shalt be with me in Paradise.” The Third Word – (John 19:26-27) – “ Woman, behold thy son… Behold thy mother” The Fourth Word – (Mark 15:34) – “My God, my God, why hast thou forsaken The Fifth Word- (John 19:28) – “I thirst. “ me?” The Sixth Word – (John 19:30) – “It is consummated.” The Seventh Word – (Luke 23:46) – “Father, into thy hands I commend my spirit.” Hello mga kablog! Gaya ng ipinangako ko, magbabahagi ako para sa 7 last words. Para sa kaalaman ng ibang bloggers, bukod sa Good Friday service, mayroon din kaming 7 sharers ng 7 last words sa San Isidro Labrador. Hindi ko pa naranasang magbahagi sa 7 last words kaya igagrab ko na ang opportunity ngayon. Habang pinagninilayan ko ang huling pitong wika ni Hesus, naisip kong magfocus sa mga OFWs. Noong una akala ko isang salita lang ang magagamit ko pero puwede ko palang...

The Lord's Passion

Hello mga kablogs! Katatapos ko lang umattend ng service for Good Friday (Lord's Passion). Minsan, hindi ko maintindihan sarili ko. Taun-taon ko namang ginagawa pero taun-taon din akong naiiyak kapag veneration of the cross na. Siguro naaalala ko lang kapag Good Friday sa Pilipinas. Gaya nga ng palagi kong sinasabi, kapag Good Friday, kaming magkakabarkada nakaitim dapat tapos ala-una pa lang nasa court na kami kasi makikinig din kami ng 7 last words, tuloy-tuloy na iyon hanggang sa procession na naman. Kapag Good Friday, as in isnaban kami. Kahit nga sa bahay e, kanya-kanya. Paano ba naman, mga pagod lahat kaya pagkatapos ng procession sa umaga, kanya-kanyang tulog na at gigising na lang before 1pm. Wala ring kainan kasi number 1 nanay namin sa fasting. Maganda na rin na ganito kami nasanay na walang pansinan para super focused kaming lahat pagdating sa simbahan. Kapag Good Friday, asahan mo ang misa ay napakahaba. Ang haba-haba ng pagbasa at ang dami-daming extras. Kung hindi nga...

AWIT SA DAAN NG KRUS (Estasyon #1)

Image
Sa Pilipinas, alas-4 pa lang ng madaling araw ay naghahanda na kami para sa estasyon ng Krus. Magsisimula ng alas-5 at magtatapos around 11am. Sa ilalalim ng mataas na araw, walang laman ang tiyan kundi isang tasa ng kape lang at isang tinapay. Uhaw na uhaw man, kailangang magtiis para makasalo sa paghihirap ni Hesus. Sa HK, alas-4 ng madaling araw ay pauwi pa lang ako galing sa isang masayang kantahan at inuman.... (may explanation 'to - blog abangan). Nasaan ka ngayon? Anong ginagawa mo? Isang araw lang nangyayari ang Good Friday. Kaya nga ginagawang holiday para may means tayong makiisa sa mga gawaing magpapalago ng pananampalataya natin.... Para sa mga gustong gunitain ang estasyon ng krus, para sa inyo 'tong links na 'to. God bless us all! http://www.youtube.com/watch?v=yrmSgmsec9c&feature=related http://www.youtube.com/watch?v=UUEm5S0hvSg&feature=related

National Catholic Mission 2011, 1st half hour, Tuesday 19 April 2011

Image

Holy Wednesday 2011

Image
Hello mga kablogs! 10:59pm. In fairness, mas maaga akong nakauwi ngayon - hindi lagpas ng 10pm. Nyahaha. Bago ako magfocus sa pagbasa ngayong Holy Wednesday, magkukuwento lang ako saglit tungkol sa mga araw ko sa trabaho. Wala lang, parang hindi na ako tinantanan ng issues kaya nga kagabi kahit antok na antok ako kailangan ko pa ring magstay. Idagdag pa iyong mga pending bago ako magbakasyon kaya good luck sa things to do ko PENDING ISSUES PLUS ADDITIONAL ISSUES = STRESS. Kaninang umaga, gustuhin ko mang pumasok ng mas maaga sa normal kong pasok talagang nagpatagal ako. Feeling ko kulang na kulang ako sa pahinga kaya sabi ko Bahala na. Pagbangon ko, same rituals - basa ng bible, nood ng youtube, etc. Pagdating sa office - nagdasal (didache reflection), kumuha ng isang timbang tubig at sabak sa mga issues. Ang galing kasi unti-unti naming nakiclear ang mga issues tapos natuwa na lang ako na iyong mga critical issues na kinaharap namin, solved na pala. Natuto kasi ako sa reflection - pow...