Posts

ENGAGED NA TALAGA – Bonus Blog

Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit, indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21 Hello na naman sa inyo mga kablogs! Umaasa ako na patuloy lang kayong nagbabasa ng blogs ko. Sana hindi kayo nagsasawa na may bonus blog ako palagi. Kayo rin pag nagsawa kayo. Hehehe. Magdadagdag lang ako nang kaunti sa nauna kong blog. Naikuwento rin kasi ng isa ko pang kaibigan na selosa at sobrang mapagmahal din naman na isang beses din syang natauhan. Dumating kasi sa point na minsan silang nagkatampuhan ng minamahal nya dahil sa pagiging selosa nya dahil tumutulong ang mahal nya sa isang tao. Para syang nauntog nung sabihin sa kanya ng mahal na para bang tinatanong sya na kung mayroon syang isang kakilala na nangangailangan ng tulong at alam nyang malaki ang matutulong nya, hindi mo ba ito tutulungan? Nang mga panahon na iyon, guilt ang naramdaman nya sa sarili. Sa so...

Engage...

This people honors me with their lips but their heart is far from me. Mk. 6 Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21 Hello mga kablog! Kababalik ko lang ditto sa Bda tapos pinagbantay naman kami ng bahay ni Kuya kaya heto nasa patio ako ngayon katapat ang napakagandang Devonshire bay. Isang blog sa tapat ng dagat habang nakikinig ng religious songs… Ano kayang kakalabasan? Sobrang nakakapagod lately. Maraming dapat gawin at sa sobrang dami ang hirap simulan. Palagi pang napupuyat kasi hanggat maaari habang nandito pa makapagbonding kami ni Bro. Ryan. Pinili ko iyong Mk. 6 This people honors me with their lips but their heart is far from me kasi nagdecide ako kaninang madaling araw kung uunahin ko ang blog o ipagluto ng almusal ang aking kapatid. Batid sa kaalaman nating lahat na maraming parokyano ang palasimba a...

Don't judge if you're not a judge

"Can anything good come from Nazareth?" Jn. 1:46 Magandang gabi sa aking mga masusugid na tagabasa ng blog (nag-aassume ulit ako). Hehehe. Maaaring totoo, maaaring hindi. Mayroon akong isang kaibigan na nagkuwento sa akin ng experience nya. Ipi-feel ko na parang ako sya para mas galing sa puso ang blog. Anyway, galing sya sa probinsya at napunta sa Maynila para magtrabaho. The story goes something like this... Lumaki ako sa probinsya, kapiling ang pamilya ko at mga kaibigan. Pagkagraduate ko sa college at ilang taong experience nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho sa Laguna with matching malaking sahod. Nanibago ako sa simula dahil namiss ko ang aking mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat naman ako dahil mababait ang mga tao sa Laguna kaya hindi masyadong nakakatakot kahit gabi na. Nang dahil sa pagbagsak ng economy, isinara ang company namin sa Laguna pero naabsorb naman ako sa Maynila. Maraming gustong makapunta sa Maynila. Hindi ko alam kung isa ako sa mga taong iyon pero...

Samahan Mo Ako…

"Master, to whom shall we go? You have the words of eternal life." – John 6:68 Isang mapagpalang linggo mga kablogs! Salamat nang marami kay God dahil tayong lahat ay palagi Nyang ginagabayan at pinagpapala saan man tayo naroon. Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo'y inilalayo Nya sa anumang kapahamakan.Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo ay palagi Nyang sinasamahan. Noong isang araw, nagpasama sa akin ang kaibigan ko sa bahay para pumunta sa mga kabarrio nyang mga kaibigan. Ang purpose ko kung bakit ako pumayag ay para syempre masamahan sya dahil medyo alam ko kung paano makapunta sa lugar na gusto nyang puntahan na hindi nya alam at kahit hindi ko naman alam kung saan banda. Pumayag ako dahil gusto ko na mayroon syang KASAMA. Maayos naman yung napuntahan namin, pinakain pa kami ng masarap na sopas na miss na miss ko nang kainin. Pumunta pa ulit kami doon sa isa pa nyang kabarrio na kasambahay ng isang napakalaki at napakagandang bahay ng among ibang lahi. Nakakat...

Ang Puso Ko'y Nagpupuri…

And Mary said, "My soul magnifies the Lord, and my spirit rejoices in God my Savior. – Luke 1:47 Hello na naman sa inyo mga kablogs! Nakalipas na naman ang isang linggo na punumpuno ng mga paghihirap na nalagpasan, kaligayahan, pagsubok, at kung anu-ano pang pwede maramdaman nating mga kablogs. Pero syempre palaging happy ang ending dapat dahil tayong lahat ay palaging pinagpapala ng Panginoon. Para nga pala sa ating kaalaman, sinecelebrate natin ngayong linggo ang Feast of the Assumption of the Blessed Virgin Mary. Ito yung time na ginugunita natin ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit. Si Mama Mary, ang butihing Ina nating lahat. Meron isang kaibigang nagshare sa akin. Sabi nya sa akin, palagi-lagi nyang pinagdarasal na sana maging katulad sya ni Mama Mary kahit papaano. Maraming beses na raw noon na gumaganap sya bilang Maria. Nang magsimba raw sya ngayon, natutunan nya na ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit ay hindi soul lang nito ang umakyat. Kundi pati ang katawan ni Mama Ma...

Instant blog ulit...

"I am the living bread which has come from heaven; whoever eats of this bread will live forever. The bread I shall give is my flesh and I will give it for the life of the world." Jn. 6:51 Hello mga kablog. Medyo another quick blog 'to from me. Mayroon kasi tayong contributor kaya lang kinapos sa oras kaya bukas niya raw ipopost. Dahil nag-aassume ako na weekly kayong nagbabasa ng post ko ayaw ko kayong biguin kaya kahit pahapyaw magbabahagi ako. Ewan ko ba pero parang lumilipad ang isip ko sa mass kahapon. Kahit na ganoon nagregister naman iyong homily ni Father tungkol sa simbahang naguhuan ng mga bato. Mayroon daw image roon na The Resurrection of Jesus. Imagine that image na nakalahad ang mga kamay pero dahil nga nahulugan ng bata naputol ang kamay.... Parang Jesus is telling that MY HANDS ARE YOURS.... Bawat isa raw sa atin ay instrument ni God para sa iba pa Niyang likha. Kunwari ako, I'm not noticing pero ginagamit na Niya pala ako para maging represen...

Instant blog...

Hello mga kablog. Medyo maaga tong blog ko para habang mainit pa maishare ko na agad. Si Carla ay nagshare sa akin na pangblog kaya heto simulan na natin. Naranasan mo na bang palabasin kang "tanga" ng katrabaho mo, kaibigan mo o ng ibang tao? Yan ang naranasan ni Carla. Baguhan lang si Carla sa department nila. Bilang bago syempre inaasahan na mangangapa pa sa lahat ng mga trabaho sa department na iyon. Natiyempo pa sya sa trainer na "shortcut" meaning kung anong maisipang ituro iyon ang ituturo tapos nag-eexpect na napick-up agad ni Carla ang itinuro nya. Sobrang pagsubok para sa kaibigan natin pero naging matatag sya lalo. Nakakatuwa naman kasi nararamdaman niya ang pakikiramay ng ibang katrabaho. Nagstay pa talaga sa office para lang masamahan sya at maalok ng tulong. Sasabihan ko kayo kapag nalagpasan nya na ang stage na 'to. 2 lessons ang gusto kong matutunan nating lahat dito. Una, palagi nating tandaan na walang sinuman ang puwedeng humusga sa...