Posts

Shut up! Support us!

Image
ssssssshhhhhh 10 And the multitudes asked him, "What then shall we do?" 11 And he answered them, "He who has two coats, let him share with him who has none; and he who has food, let him do likewise." 12 Tax collectors also came to be baptized, and said to him, "Teacher, what shall we do?" 13 And he said to them, "Collect no more than is appointed you." 14 Soldiers also asked him, "And we, what shall we do?" And he said to them, "Rob no one by violence or by false accusation, and be content with your wages." Luke 3:10-18 Hello mga kablogs! Ang bilis talaga ng panahon, natapos na naman ang isang linggo. Parang kailan lang nong dumating iyong roommate ko, ngayong araw paalis na sya. Nakaka-3 months na pala kami sa apartment na 'to... Naaalaala ko tuloy iyong mga unang linggo ko rito sa apartment pati sa office. Para akong kalabaw na aligagang-aligaga na ultimong lunch break nagtatrabaho. Actually hanggang ngayon ganyan pa ri...

Suffering => Rewards

Image
"...Everything crooked will be made straight and the rough paths smooth." Lk. 3-5 Hello mga kablog! Kamusta kayo? Ako heto, medyo inaantok dahil maaga akong nagising kanina at sobrang pagod din sa office nitong mga nakaraang araw. Kahit ganoon, masarap pa rin sa pakiramdam kasi kaya ako nagising ng maaga dahil pinilit kong makapag first friday mass. Thank God nakaabot ako. Okidoks, enough for the introduction. Ang kuwento natin ngayon ay tungkol kay Carla. Aariin kong ako ulit para mas madaling magkuwento. Hi mga readers, ang dami kong gustong ishare sa inyo sana maaliw kayo habang nagbabasa. Sa mga naranasan ko recently, muli ko na namang narealize kung bakit ko kailangang pagdaanan ang lahat ng mga pinagdaanan ko dati. Isa akong Accountant at mayroon akong work experience na ang ginagawa ko ay ang magreconcile ng mga hiniram na pera ng mga empleyado. Madali lang sana ang trababho pero ang masaklap nyan ay ang maka-encounter ng mga "special officemates." Meaning ak...

Handa na ba ako?

Image
some drawings of "5 years from now" PYM President with "5 years from now" drawings Kuya Ryan's dream Nanay's dream - big house with playground for her grandchildren syempre mayroon din ako But watch at all times and pray, that you may be able to escape all that is bound to happen and to stand before the Son of Man. Lk. 20:36 Blog time! Kamusta ang week niyo? Ako, ayos naman, 4 na araw lang pero parang sobra pa sa limang araw sa dami ng trabaho pero ayos lang. Pati iyong sharer natin last week, maayos na rin sya. Nagfocus na lang sya sa kabutihan ng mga officemates nya kaya parang wala na lang masamang nangyari. 1st lighting of advent wreath. May mga ibig sabihin pala iyong mga kandilang iyon sabi ni Google - hope, love, joy and peace. Basta ang pagkakaintindi ko roon ay parang countdown, ibig sabihin malapit ng magChristmas. Ito rin naman ang period ng paghahanda natin sa pagdating ni Jesus symbolically. Heto rin iyong time na aligaga ang marami sa pagbi...

Bato Bato sa Langit (ang tamaan masaktan sana)

Image
"...Everyone who is on the side of the truth hears my voice." Jn 18:37 Good morning all at happy weekend! Ang blog natin ngayon ay from one of our sharers, itatago na lang natin sya sa pangalang Maria. As I write it kunwari ako para feel na feel ang blog. Paggising ko kanina, naisip ko ang lahat ng mga dapat kong gawin. Maglaba, mag-aral, maglinis at marami pang iba na para bang kulang ang 24 oras. Pero habang naiisip ko ang mga bagay na iyon mas naiisip ko ang environment sa office namin dito sa Dubai. Ang work environment at ang mga officemates ko mismo. Paano ko magagawa ang mga dapat kong gawin kung binabagabag ako ng bagay na ito kaya idadaan ko na lang sa blog. Bago lang ako sa department namin. Ako lang ang Pilipina sa 14 staff. Ako iyong tipo ng empleyado na papasok sa office, magtatrabaho at uuwi. Ganoon lang. Nakikipag-usap din ako syempre sa mga katrabaho ko pero hindi iyong usapang "naninira ng ibang mga officemates." Bakit hindi ako sumasali sa ganoo...

PSP - Novaliches High School

Image
And he will send the angels to gather his chosen people from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the sky. Mk. 13:27 Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto medyo dinapuan ng sakit. Pasaway na katawan bumigay sa nakakapagod na mga araw na nagdaan. hehehe. Salamat na rin kasi narealized ko na nakakalimutan kong ipagpasalamat sa araw-araw na buhay pa ako at malusog. Kaya simula ngayon pag gising ko, unang-una na ang pagpapasalamat sa buhay at malusog na pangangatawan. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa PSP. It sounds technology pero ang ibig sabihin nyan ay Pagpupugay sa Pablik. Para sa kaalaman ninyong lahat, graduate ako sa public schools, elementary at high school. Naaalala ko pa noong malapit ng matapos ang school year sa Nagkaisang Nayon Elementary School, palagi akong tinatanong ng mga classmates ko kung saan daw ako mag-aaral. Iisa lang ang palagi kong sagot "sa Pablik." Bukod sa hindi kaya ng mga magulang kong magbayad ng mataas na tuition fee...

How to join 4s

"Give, and it will be given to you. Good measure, pressed down, shaken together, running over, will be put into your lap." Lk 6:38 Hello mga kablogs! Wala sa hulog ang blog ko ngayon. Maibibilang ko ito isa sa mga instant blogs ko. Mayroon na kasing bank account ang 4s! Ibig sabihin umuusad na. Ang gagaling kasi ng mga CORE members kaya sumusulong na talaga ang 4s. Ate Shel, para saan naman 'tong instant blog mo? Kapansin-pansin na maraming interesadong makiisa sa 4s project kaya lang iniisip ng marami na ang puwede lang sumali ay ang mga may LABIS - labis na pera. Para sa inyong kaalaman lahat tayo ay may mga labis isa o higit pa sa 3 TS - TIME, TALENT and TREASURE. Marahil hindi ako pinanganak na mayaman pero marami naman akong TIME para makapagbahagi ng aking mga experiences through blogs. Ang ibig kong iparating ay lahat tayo ay puwedeng sumali. Magkakaroon tayo ng 3 groups bukod sa CORE group: Time group - ang grupong ito ay naka-assign na maglaan ng ilang...

give me 5!

"Truly I say to you, this poor widow put in more than all those who gave offerings." Mt. 43 Hello mga kablogs! 12:45 rito. 12:45 ng madaling araw. hehehe. Katatapos ko lang kasing gawin iyong video na matagal ko nang gustong gawin. Oks naman at sana mapanood niyo. Hindi talaga kumpleto ang week ko kapag walang blog kaya heto na at para makatulog na rin ako. Oo nga pala, maganda ulit ang sharing ng isang blogger kaya kung ako sa inyo babasahin ko rin iyon. Pagbukas ko kanina ng email ko, bumungad sa akin ang mga sponsors na magpepledge ng Php25, Php50, Php100 at Php500 every month. Grabe nakakatuwa talaga. Nakakataba ng puso at naisip ko agad na ipagdasal iyong mga taong iyon. Iyong pakiramdam na sana magawan ko sila ng pabor o iyong desire na sana matupad iyong mga wishes nila. Nagegets niyo ba ang ibig kong sabihin? Hmmm. Parang bigla tuloy akong napaisip na siguro ganoon din si Lord kapag nasosobrahan Sya sa saya. hehehe. Igagrant Niya iyong mga requests ng mg...