Posts

You are Mine

My sheep hear my voice and I know them; they follow me and I give them eternal life. They shall never perish and no one will ever steal them from me. Jn. 10:27-28 Hello everyone! Sabi ko sasanayin ko na ang mga nagbabasa ng blogs ko na magmiss ako para hindi na unusual 'pag nagbakasyon ako tska kung may mga times na hindi ako makakapagblog. Kapareho rin minsan kapag antok na antok na ako twuing gabi, sabi ko hindi na lang muna ako magtetext sa lahat. Pero parang may tumutulak sa akin na gawin pa rin itong mga bagay na ito. Naiisip ko iyong mga nakakabasa ng blog at iyong mga nakakareceive ng verses na baka sa isang beses na makamiss ako ay iyon ang panahon na mas kailangan nila iyon. Naiisip ko na siguro kahit paano nakakatulong sa iba iyon lalo na kapag kailangan nila ng pampalakas ng loob. Siguro kagaya ko rin sila sa mga panahong ito na kailangan ng pampalakas ng loob. Shiela - matapang, matibay ang faith, masayahin, malakas ang loob, optimistic... mga katangian na (hindi naman ...

Follow Him

"Feed my sheep... Follow me." 7:43pm. Hello mga kablog! Kamusta ang nagdaang week niyo? Ako, heto parang nasasanay na sa dami ng ginagawa sa office. Sana one day, maiba naman. Sana talaga. Simulan na natin ang blog. Follow me... Sa totoo lang ang ganda ng pagbasa at maraming puwedeng piliin para pagnilayan. Dahil sa palagay ko napapanahon ang napili kong topic, doon ako magpofocus-expectations. Expectations sa sarili o expectations ng ibang tao ay minsan mahirap i-carry. Kapag mataas ang expectations sa 'yo parang feeling mo bawal kang magkamali o kaya dapat lahat ng gagawin mo ay tama sa paningin ng mga nasa paligid mo. Gaya na lang ng pamangkin ko, simula 1st grading hanggang 3rd grading palaging top 1 tapos biglang naging top 2 noong 4th grading. May disappointment factor tuloy ang Tatay... Ganyan din si San Pedro. Sya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Hesus pero siya pa ang nagkaila sa Kanya ng 3 beses. Siguro noong mga panahong iyon, ang mga alagad ay may mataas na p...

Connect!

"Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." Jn. 21:21 Hello mga kablogs! Sabi ko mamayang gabi na lang ako magbablog kaya lang habang naghuhugas ako ng plato, nabubuo na sa isip ko iyong topic. Bago pa makalimutan, itype na agad! Kaunting background muna sa personality ko in terms of sociability... Ako iyong tipo ng tao na mahiyain. Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga usapan. Kahit nga noong Elem, HS, at College palagi lang akong tahimik. Mabuti nga kahit hindi ako sociable, nakatapos pa rin ako nang maayos. Ayan ang tingin ko sa sarili ko! May mga kaibigan naman ako sa PYM (Hilds, KC, Bok, Memey at Emanot) na ang tingin naman sa akin ay para akong politiko. Masyado raw akong machika. Madalas kapag may pupuntahan kami (kunwari from our place to Area IV) marami iyong times na hihinto ako dahil may makikitang kakilala at syempre maghaHI at mapapakuwento. Minsan nga, naalaala kong sinasabi nila sa akin "Puwede ba Ate Shel, huwag ka ng mag-estasyon?...

Triduum - SILP vs Cinci

Set your mind on the things that are above, not on earthly things. Co. 3:2 Hello everyone! Kamusta naman ang lent at easter niyo? Ako, heto hinahatak na ng aking higaan dahil antok na antok na. Sana may mapulot pa rin tayo sa blog na ito. Sisimulan ko ang aking blog sa pamamagitan ng pagkukuwento ng aking usual lent at easter sa Pilipinas. Kagaya ng palagi kong sinasabi, busy kami sa pagpapractice ng plays at sa mga gawaing simbahan. Though hindi ako isa sa mga gumaganap, umaattend pa rin ako para maipakita ang aking support. Huwebes. Ang unang araw ng Triduum at sa Pinas holiday na kaya nakakadalo ako sa washing of the feet. Ito iyong simbolo na dapat tayong magsilbi sa ating kapuwa. Kasi si Jesus nga na anak ng Diyos ay nagawang magpakumbaba sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa ng mga disciples. Pagkatapos niyan, ipuprusisyon namin ang "katawan ni Kristo" papunta sa simbahan. Biyernes. Alas-tres y media pa lang ng madaling araw, gising na kami kasi mag-start ang Station...

Crucify Him!

Image
Crowd: Crucify Him! Bayan: Ipako Siya sa Krus! Hello mga kablogs! 9:46 pm... Nagsimba na ako kanina (Sabado rito) kasi aattend ako ng Stations of the Cross bukas. Pangatlong Holy Week na simula nong nagtrabaho ako sa ibang lugar. Kung nasa Pinas ako, ngayong mga araw na ito aligaga na kami sa pagpapractice ng play. Busy na rin sa simbahan at maraming mga activities. Damang-dama talaga ang holy week doon sa Pinas. Naalaala ko last year sa Bermuda, feel na feel din sa mga activities ng bawat parishes. Weekly ay mayroong Stations of the Cross tapos marami rin silang mga seminars. Kakaiba lang iyong holy week don especially Good Friday. Kakaiba kasi imbes na lungkot mode, ang ginawa ko noon ay nakijamming sa mga kaibigan ko sa beach. Ang tradition don ay magpalipad ng kites kapag Good Friday. Dito kaya? Hmmmm. Parang feel ko rin na holy week at nakakatuwa kasi may mga activities for Triduum sa parish na sinisimbahan ko. Para sa kaaalaman ng iba, ang Triduum ang pinakamahahalagang araw sa c...
March 23, 5:38am Gabi-gabi ng linggong ito palagi kong naiisip ang opening program ng 4S. Unti-unti ko nang dinadraft sa isip ko ang aking magiging speech. Ngayong March 24, 2010 nagising ako ng 4am at hindi na makatulog ulit kaya sabi ko time na para isulat ang mga nasa isip. Unang-una sa lahat, gusto kong batiin ang lahat ng naririto. Gusto kong magpasalamat sa paglalaan ninyo ng oras para magkasama-sama tayong muli lalo na ngayong gabi ito na maituturing kong isa sa mga highlights ng aking buhay. Salamat sa inyong lahat na naging part ng aking buhay. Sa aking mga katrabaho, sa aking mga katropa from Letran College, ang aking mga co-squatters from Novaliches High School, ang aking mga kaklase at mga kaibigan mula sa Nagkaisang Nayon E/S, ang PYM, AG, pati na ang mga kapamilya nila, mga kababatang-kapitbahay na itinuring ko ng mga kapamilya, mga kamag-anak ko, at higit sa lahat ang aking pamilya lalo na ang aking Nanay. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay ...