Posts

UNTITLED

"So they are no longer two but one flesh. Therefore what God has joined together, no human being must separate." Hello mga kablog! Oct. 3 7:45pm Chinchy time; Oct. 3 8:45pm at Oct. 4 7:45am Pinas. Feast ulit ni St. Francis de Assissi. Remember iyong song na "Make Me A Channel of Peace." Sa dinami-dami ng pagbasang maaaring matapat sa linggong ito natapat pa ang tungkol sa pag-aasawa na wala akong kaalam-alam. Wala raw? hehehe. Wala akong experience pero nagkakaroon ako ng clues sa pamamagitan ng mga tao sa paligid ko. Sabi nga nila sa buhay pag-aasawa matutunan ang higit na lesson ng buhay. Sa mga nag-struggle sa buhay may-asawa, palagi niyo na lang sigurong tandaan iyong vows niyo nong ikinasal kayo at kung may mga problemang darating magkasama niyong harapin para happy pa rin ang ending. Para sa mga nalilihis ng landas, open your eyes kasi baka you are still turning left, turn right na pala ang sign. Tandaan mo rin na hindi lahat ng roads ay may U-turns...

Ang kuwento ni Lola BOWsyang

"For whoever is not against us is for us." "If anyone gives you a d rink of water because you belong to Christ and bear his name, truly, I say to you, he will not go without reward." "If your eyes causes you to sin...." Hello mga kablog! 12:10am dito ng Sunday. Minabuti ko nang gawin ang blog ngayon para wala na akong utang.... 3 phrases ang nakastruck sa akin sa pagbasa this week. I'll explain them briefly through the help of my experiences. For whoever is not against us is for us . Kung mag-iisip ka ng mga weird na kakilala mo siguraduhin mong kasama ang pangalan ko kasi talagang WEIRD ako. hehehe. Napansin ko kasi sa sarili ko na minsan ayaw ng mga tao sa paligid ko sa isang tao pero ang tingin ko naman ay walang problema sa ayaw nila. Kaya kahit magsabi sila ng mga negative tungkol sa kanya tahimik lang ako at ngingiti lang. Wala kang maririnig sa akin kahit na kaunting salita na aagree ako sa sinasabi mo. Simula pa iyon dati pa hanggang...

I'm ON again!

"If someone wants to be first, let him be last of all and servant of all." Mark 9: 30 - 37 You do not have, because you do not ask. You ask and do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your passions. James 3:16-4:3 Hello mga kablog. Another week na naman ang lumipas. Kamusta naman kayo? Ako na lang palagi ang nagkukuwento ha? hehehe. Nakapagsimba na ako kahapon. Ang daming nagsimba at medyo casual na ulit ang pananamit kagaya sa Pilipinas. Sa Bermuda kasi mga nakacoat and tie pa iyong iba at talaga nga namang formal. Kahit na ganoon pinili ko pa rin iyong nakasanayan kong jeans at blouse/shirt. Hindi na nakakailang ngayon dito except wala pa akong nakikitang Pinoy sa simbahan. Simulan na natin ang blog... Nagtatalo ang mga alagad kung sino ang greatest sa kanila. Kaya sinagot sila ni Jesus ng "If someone wants to be first, let him be last of all and servant of all." Tamang-tama sa naexperience ng department namin last week. Mayroon kas...

Hello Chinchy

“Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it,but whoever loses his life for my sake and that of the gospel will save it.” Hi mga kablog. Parang sinisindihan ang puwit ko nito e. hehehe. Nasa Public Library kasi ako at may limit lang ang paggamit ng computer. Hindi kumpleto ang week ko kapag hindi ako nakapagblog kaya heto ako ngayon nakikipagsabayan sa maraming users. Simulan na natin bago pa maubos ang oras. Last week ang main topic ko ay tungkol sa masasayang alaala na iiwanan ko sa Bda. Ang blog naman ngayon ay tungkol sa pagwelcome sa akin ng Chinchy. Ano ang Chinchy? secret yan. check niyo ung ibang blog ko. hehehe. “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake and that of the gospel will save it.” Gusto ko lang sabihin na talagang totoo ang sinasabi ng ...

Open Sesame

Say to those who are afraid: “Have courage, do not fear. See, your God comes, demanding justice. He is the God who rewards, the God who comes to save you.” Is. 36:4 Hello mga kablog! Ilang tulog na lang at magbabago na ang lahat ng mga nakasanayan ko. Kung nasubaybayan niyo ang blogs ko simula sa “Change” way back August o September 2008 maiintindihan niyo kung paano akong nagworry na mawalan ng trabaho, paano ako nalipat from Accounting department to other department, announcement ng pagsasara ng branch namin dito at ang pagbukas ng maraming windows matapos magclose ang isang malaking pinto. Sana rin ay nabasa niyo na ang “Who Moved My Cheese” kasi napakaganda talaga non at naniniwala akong marami kayong matututunan. Pati na rin ang ibang books na sinasuggest ko. Balik na tayo sa topic. Have courage, do not fear. Sa totoo lang halu-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. Nakakalungkot kasi ang nangingibabaw pa ay ang kaba at takot. Naoverwhelm din kasi ako ng maraming gawain sa...

ENGAGED NA TALAGA – Bonus Blog

Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit, indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21 Hello na naman sa inyo mga kablogs! Umaasa ako na patuloy lang kayong nagbabasa ng blogs ko. Sana hindi kayo nagsasawa na may bonus blog ako palagi. Kayo rin pag nagsawa kayo. Hehehe. Magdadagdag lang ako nang kaunti sa nauna kong blog. Naikuwento rin kasi ng isa ko pang kaibigan na selosa at sobrang mapagmahal din naman na isang beses din syang natauhan. Dumating kasi sa point na minsan silang nagkatampuhan ng minamahal nya dahil sa pagiging selosa nya dahil tumutulong ang mahal nya sa isang tao. Para syang nauntog nung sabihin sa kanya ng mahal na para bang tinatanong sya na kung mayroon syang isang kakilala na nangangailangan ng tulong at alam nyang malaki ang matutulong nya, hindi mo ba ito tutulungan? Nang mga panahon na iyon, guilt ang naramdaman nya sa sarili. Sa so...

Engage...

This people honors me with their lips but their heart is far from me. Mk. 6 Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21 Hello mga kablog! Kababalik ko lang ditto sa Bda tapos pinagbantay naman kami ng bahay ni Kuya kaya heto nasa patio ako ngayon katapat ang napakagandang Devonshire bay. Isang blog sa tapat ng dagat habang nakikinig ng religious songs… Ano kayang kakalabasan? Sobrang nakakapagod lately. Maraming dapat gawin at sa sobrang dami ang hirap simulan. Palagi pang napupuyat kasi hanggat maaari habang nandito pa makapagbonding kami ni Bro. Ryan. Pinili ko iyong Mk. 6 This people honors me with their lips but their heart is far from me kasi nagdecide ako kaninang madaling araw kung uunahin ko ang blog o ipagluto ng almusal ang aking kapatid. Batid sa kaalaman nating lahat na maraming parokyano ang palasimba a...