Posts

OFW experience

Mahirap ang mag apply kung hirap lang ang pag uusap, dahil: 1. Maraming terminated na nandito pa rin sa dubai. Lucky sila dahil mababait naman ang companies, binibigyan sila period na hawakan ang labour permit hanggang magkaroon ng bagong employer, mostly three months ang iba pa nga until makakuha ka na work 2. Madaming work pero mabibigat karamihan with UAE experience ang kinukuha, sa dami ng na terminate, mahirap talagang makisabay sa kanila ang mga baguhan 3. Kapag qualifications naman pinag uusapan, kailangan talagang pangatawanan mo ang resume mo, kung sinabi mong marunong ka, dapat marunong ka tlaga, minsan pa nga, during interview ang trial ay, pahawak sayo ang ilang transactions then input mo sa actual accounting system nila, tapos gagawa ka pa ng whole financial statements (bs, is, cash flow at she), gagawa ka rin ng mga journal entries 4. I consider din sa hirap ng klima dito, usually ang interview pass lunch, ang lunch dito between 1pm to 3pm, isipin niy...

I love you Tay!

Image
"Be glad and joyful for a great reward is kept for you in God." Mt. 5-12 Haaaaay. Hiiiiiiiiii. Actually, 2 ang ibig sabihin nyan. Una ay nakakapagod pero masayang weekend at pangalawa naman ay mahabang hi. hehehe. 8:16pm rito. Salamat sa very inspiring blog ng isang sharer. http://cancinomsm.blogspot.com/2009/11/he-will-raise-me-up.html . Nakakatuwa kapag may mga nagbabahagi na rin ng kani-kanilang mga sariling experiences. Mas mabuti ang pakiramdam kaysa sa nagbabasa lang. Kaya iniencourage ko iyong iba na magbahagi rin. Anonymous naman e kaya no one will know na kayo iyong nagshare. Birthday ng Tatay ko ngayon! Tatay kong namatay at inilibing noong 1996 pero bago pa lang mag-1996 inilibing ko na sya sa puso't isipan ko. Ganyan ako kasamang anak. Iba kasi ang ugali ng Tatay ko, para syang si Hitler sa loob ng bahay tapos bihira pa kaming mag-usap-usap sa bahay... Kanina sa misa, gusto kong maiyak habang naiisip ko si Tatay. Lalo pa akong naiyak kasi w...

He Will Raise Me Up

“Blessed are they that hunger and thirst after justice: for they shall have their fill.” – Matthew 5:6 Hello sa inyong lahat mga kablogs! Nakaraos na naman tayo sa isang blessed na week para sa ating lahat kahit na may dumating na namang bagyo sa atin. Ngayon din ay sinecelebrate natin ang All Saints’ Day. Ginugunita natin ang kahalagahan ng mga buhay ng mga saints, kung paano natin ito matutularan somehow at ganon din ang paggunita natin sa ating mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Nakakatuwa ang araw na ito para sa akin. Iba talaga kasi kapag inspired ka sa mga kabutihan ni God sa atin kahit na may pagkamisteryoso ang mga paraan na iyon. Kaninang umaga after ng breakfast, naishare sa akin ng mga kasamahan ko ditto sa bahay iyong napanood nila sa youtube tungkol sa isang taong walang kamay at paa, kung paano sya nabubuhay sa ngayon at kung paano sya hindi nawawalan ng pag-asa para magpatuloy sa buhay. Sa ngayon, isa syang preacher na nagtuturo at nagpapatotoo na sa lahat ng...

Blind date...ni Jung

Blind Date “Jesus said to him in reply, ‘What do you want me to do for you?’ The blind man replied to him, ‘Master, I want to see.’” – Mark 10:51 Hello mga kablogs! Another weekend na naman sa ating lahat. Kakaiba ang week na ito at super special dahil may kasabay ako ngayong gumagawa ng blog. Ayk. Mas masarap pala sa pakiramdam at nakakainspire kasi para kayong nagbebec dalawa. Binasa ko ulit yung Gospel for the week tapos yung sharing namin ay ginagawa namin thru blog. O di ba? High tech na bec. BEC online. Naisip ko tuloy ngayon na sana nga magkaroon ng BEC online. Para kahit nasa malayo, meron pa ring group sharing. Matutupad yun in His time. Dumako na tayo sa topic natin ngayon. Nagustuhan nyo ba ang title ng blog? BLIND DATE. Hehehe. Hindi sya related sa pag-ibig pero related sya syempre sa pagbasa. Maganda kasi ang Gospel ngayon. Para sa akin, ang ibig sabihin nyan ay tungkol sa pagtupad ni God ng mga hopes, wishes and dreams natin. What do you want me to do for you? Tinatan...

Connected ka ba?

Image
"What do you want me to do for you?" "Master, let me see again." Hello mga kablogs! Nakalipas na naman ang isang linggo na punong-puno ng challenges at excitements. Medyo nalate talaga ang blog ko kasi gusto kong i-include ang experience ko today. Mamaya ko na sasabihin... Ok iyong tanong ni Jesus 'no? Kanina nga sa simbahan, iniimagine kong tinatanong Niya sa akin yan tapos kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Tapos na nga iyong time ng pagninilay hindi pa ako tapos sa mga requests ko gaya ng finances. hehehe. Ganyan naman talaga tayo mas marami iyong time natin kapag magrerequest kaysa magpraise. Ouch! Ngunit ipinapaalala sa pagbasa ngayon na dapat naiintindihan natin ang mga hinihiling natin. Kagaya nong bulag, kung mabuti ang hangarin niyang makakita igagrant ni Lord iyon. Kunwari, kapag makikita niyang mabuti ang mga taong nangangailangan, tiyak diringgin nga ang hiling niya pero kapag makakakita nga sya tapos magbubulag-bulagan naman sa mga k...

magSimula na Tayo

“But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all. For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as ransom for many.” – Mark 11:43-45 Salamat sa sharer. Mabuti na lang at muli kang nagbalik. Dumaraan sa low point ang batang ito kaya nawala sya. Dahil malalagpasan nyang muli ang low point nya, back to sharing na ulit. Kamusta kayo? Ako heto, irritated sa rashes na hindi ko alam kung saan ko na naman nakuha. Bukod pa diyan ay puro cuts ang mga daliri ko, dagdagan pa ng masakit na bangag paggising kaninang umaga. Worst pa ay ang paycheck na sobrang baba kumpara sa dati kong kinikita. Bumaba ang net pay pero pareho pa rin ang expenses. Haaay. Help me Lord. Ilang ulit kong kinuwenta ang expenses ko sa kikitain ko at talaga nga namang nakakapanlumo. Iniisip kong bawasan lahat ng 20% ang lahat ng budget pero hindi ko magawa kaya Bahala...

Serbisyong Totoo

Serbisyong Totoo welcome back sharer... “But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all. For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as ransom for many.” – Mark 11:43-45 Hello sa inyo mga kablogs! Parang kay tagal kong nawala kasi parang namiss ko maghandog sa inyo ng aking mga thoughts at experiences na sana kahit papano ay kapulutan nyo ng kahit ano lang. Ayk. Ang theme ng ating Gospel for this week ay tungkol sa service o paglilingkod. Sigurado na marami na sa atin ang tinawag para maglingkod. Kapag nababanggit ang service, naisip ko ngayon lang na kaakibat nito palagi ang ating kapwa. Ibig sabihin, hindi tayo makakapaglingkod kung wala tayong kapwa. Dahil sa kanila nakaugnay ang salitang ito, dahil sila ang ating pinaglilingkuran. Katulad ng aking nabanggit, lahat tayo ay tinawag upang makapaglingkod. Siguro hindi lang natin ito n...