Posts

Crucify Him!

Image
Crowd: Crucify Him! Bayan: Ipako Siya sa Krus! Hello mga kablogs! 9:46 pm... Nagsimba na ako kanina (Sabado rito) kasi aattend ako ng Stations of the Cross bukas. Pangatlong Holy Week na simula nong nagtrabaho ako sa ibang lugar. Kung nasa Pinas ako, ngayong mga araw na ito aligaga na kami sa pagpapractice ng play. Busy na rin sa simbahan at maraming mga activities. Damang-dama talaga ang holy week doon sa Pinas. Naalaala ko last year sa Bermuda, feel na feel din sa mga activities ng bawat parishes. Weekly ay mayroong Stations of the Cross tapos marami rin silang mga seminars. Kakaiba lang iyong holy week don especially Good Friday. Kakaiba kasi imbes na lungkot mode, ang ginawa ko noon ay nakijamming sa mga kaibigan ko sa beach. Ang tradition don ay magpalipad ng kites kapag Good Friday. Dito kaya? Hmmmm. Parang feel ko rin na holy week at nakakatuwa kasi may mga activities for Triduum sa parish na sinisimbahan ko. Para sa kaaalaman ng iba, ang Triduum ang pinakamahahalagang araw sa c...
March 23, 5:38am Gabi-gabi ng linggong ito palagi kong naiisip ang opening program ng 4S. Unti-unti ko nang dinadraft sa isip ko ang aking magiging speech. Ngayong March 24, 2010 nagising ako ng 4am at hindi na makatulog ulit kaya sabi ko time na para isulat ang mga nasa isip. Unang-una sa lahat, gusto kong batiin ang lahat ng naririto. Gusto kong magpasalamat sa paglalaan ninyo ng oras para magkasama-sama tayong muli lalo na ngayong gabi ito na maituturing kong isa sa mga highlights ng aking buhay. Salamat sa inyong lahat na naging part ng aking buhay. Sa aking mga katrabaho, sa aking mga katropa from Letran College, ang aking mga co-squatters from Novaliches High School, ang aking mga kaklase at mga kaibigan mula sa Nagkaisang Nayon E/S, ang PYM, AG, pati na ang mga kapamilya nila, mga kababatang-kapitbahay na itinuring ko ng mga kapamilya, mga kamag-anak ko, at higit sa lahat ang aking pamilya lalo na ang aking Nanay. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay ...

Isip-isip

Image
"Has no one condemned you? Neither do I condemn you." John 8:1-11 Hello mga kablogs! Ang aga ko ngayon no? Dapat nga kanina pa kaya lang nasingitan na naman ako ng facebook. Ang laki talagang time nagugugol ko sa FB. hehehe. Iba iyong nasa isip kong iblog pero irerelate pa rin natin. "Whatever is going on in your mind is what you are attracting." from The Secret. Sa totoo lang namimiss ko nang magbasa ng mga inspirational at motivational books kagaya ng ginagawa ko noong nasa Bermuda pa ako. Napansin ko nga na bihira na rin ang mga blogs kong nakakamotivate. Medyo karamihan ngayon ay about sa lent at sa 4S. Ngayong linggo ay iinspire ko ulit kayo at sabay-sabay nating irecall ang mga nabasa ko sa The Secret. Ang main point ng The Secret ay ang law of attraction. Kung ano raw ang naiisip mo, naattract mo. Napansin mo ba iyon na kapag may kanta ka sa isip mo, bigla mong makakanta tapos bigla na lang maririnig mong kinakanta na rin ng iba o kaya biglang papatugtugin ...

Musketeers

Image
This man welcomes sinners and eats with them... Father, I have sinned agains God and before you. I no longer deserve to be called your son. His father was so deeply moved with compassion that he ran out to meet him, threw his arms around his neck and kissed him. We shall celebrate and have a feast, for this son of mine was dead and has come back to life. He was lost and is found. And for that we had to rejoie and be glad. Hello mga kablogs. 6pm na rito na sana 5pm pa lang kung hindi dahil sa DST. Tuwing November ay nagbibigay sila ng 1 hour at binabawi naman kapag March. Wala lang nabanggit ko lang. This week, halos lahat yata ng mga don'ts ko ay ginawa ko. Isang halimbawa ay ang pagsali ko sa usapang nakakasira sa ibang tao. Marami pa pero hindi ko na sasabihin... Baka kasi lalong bumaba ang tingin niyo sa akin. Hehehe. Nararamdaman ko how Satan was tempting me do those things at ako naman na akala kong matatag na hindi madadala ng mga tukso, nakaya pa rin ni Taning. Narealize ko ...

Untitled. Sleepy

Leave it one more year... if it doesn't, you can cut it down. Luke 13 Hello mga kablogs! Medyo nalate ang blog ko ngayon. Dahil late night na rin dito, iiksian ko lang para makatulog ako bago mag-12. Paghahaluin ko ang blog ngayon sa pagbasang The Prodigal Son at itong pagbasa ngayon about sa figs on the tree. Naramdaman mo na ba kahit minsan iyong parang may kinikilingan ka? Ayan iyong homily ni Fr. sa misa noong isang araw. Mayroon daw nanay na may labing-apat na anak tapos tinanong siya ng isang kabataan kung may favorite raw sya sa mga anak nya. Ang sagot daw ng nanay ay OO. Mas minamahal daw niya iyong mas nangangailangan ng pagmamahal. Naalaala ko tuloy iyong commercial dati (can't recall iyong product). Top 1 iyong panganay sa klase tapos nakapasa naman iyong bunso. Mas narecognize pa ng mga magulang iyong nakapasa kaysa sa Top 1. Bakit nagkaganun? Dahil ang panganay ay likas na palang matalino at iyong bunso naman ay special child. Sa buhay ng kaibigan ko nakaranas ...

Blind Belief = Unheard Voices

And no sooner had he spoken than a cloud appeared and covered them: and the disciples were afraid as they entered the cloud. Luke 9:34 Hello mga kablogs! 2:10pm dito sa gitna ng aking pag-aaral. Kaninang umaga pa ako nakakaisip ng topic pero sabi ko saka ko na gagawin kapag natapos ko na ang pag-aaral ko. Ibig bang sabihin tapos na akong mag-aral? Hindi pa. Sa pagpapahinga ko, nakita ko iyong news about sa Chile. Before pa iyon napanood ko ang video sa Haiti. Pagkatapos ng Chile, patayan sa Mindanao. Haaaaayyyyy. Sabi ko gagawin ko na ang blog ko. Grabe ang mundo. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Ngayong araw (Linggo sa Pinas) rin ooperahan ang tenga ng pinsan ko. Siguro nasa 23 o 24 y/o sya. Isang araw dahil sa isang aksidente sa dagat, bigla na lang siyang hindi nakarinig. Kung dati ay naririnig niya ang huni ng mga ibon, ang ihip ng hangin, ang kulitan ng mga kapatid niya, ang pag-uusap ng mga magulang niya, ang paglalambing ng asawa niya at ang lahat ng tunog sa paligi...

430 - 02202010 - ^ __ ^ 470 - 05032010 - ^____^

Image
"All that you ask for in prayer, believe that you will receive it and it shall be yours." Mk. 11:24 Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Sa totoo lang sa mga oras na ito, masakit ang aking ulo at pakiramdam ko ay pagod na pagod. Gusto ko lang ishare ang experience ko at ang hula ko na maaaring gusto Niyang ituro sa akin sa mga pangyayaring ito. Dahil sa pangambang mawalan ng trabaho noong sinabi sa amin na ikoclose ang J sa Bda, nagdecide akong dagdagan ang aking qualifications. Mas lalo pang pinatibay noong unang received ko ng salary ko na sobrang baba. Sabi ko ang kasagutan sa mga issues na ito ay kapag naipasa ko ang isa sa mga requirements ng maraming job posts. Nag-aral ako simula last October at una kong salang ay noong February 20th. Score ay 430 (passing ay 500). Kaunti na lang sana at nasa Step 2 na ako. Magbabakasyon ako sa Pinas at bibiyahe ako starting May 7 kaya right after nang hindi ko pagpasa, nagdecide ako na i-take ulit agad habang fresh pa sa isipan ko a...