Posts

Recorded blog

"Do your best to enter by the narrow door, for many, I tell you, will try to enter but will not be able." Luke 13:24 Hello all! Recorded ang blog ko ngayon. Say niyo. hehe. Pero exclusive lang iyon sa PYM. Wala pa akong lakas ng loob na iparinig ang boses ko sa lahat. hehe. Anyway, kahit nakapagrecord na ako ng blog gusto ko pa ring magtype para sa mga nagbabasa ng aking blog kung meron nga. :-) Pinaalalahanan ko ang PYM ng kahalagahan ng pag-attend ng BEC lalo na ang pagsisimba. Ang dahilan kasi ng ilan ay busy sila sa kanilang pag-aaral kaya hindi na nakakaattend ng mga gawaing pangsimbahan. Naalala niyo iyong quote dati ni Wayne Dyer kapag nakakapagbigay ka kahit nahihirapan ka mas madali nang magbigay kapag mayroon ka? In relation to this, kapag busy ka at nagagawa mo pa ring makatugon sa mga gawaing pansimbahan, mas madali lang sa 'yong makapunta kapag hindi ka busy. PERO, kapag nagpi-feeling-feeling-an na busy ka at ginagawa mong excuse sa hindi mo pagsis...

BB

Image
Hello mga kablogs! May bonus blog na naman dahil sa aking "katangahan." Ako ang tipo ng taong hindi mapakali kapag walang ginagawa at kapag bakante ang isip. So, palaging may tumatakbo sa isip ko at palagi rin akong may ginagawa. Pauwi pa lang ako sa bahay alam ko na ang mga gagawin ko. Magbubukas na laptop, magdidinner, magchecheck ng emails, magfafacebook, mag-aaral, magrereply sa mga texts at kung anu-ano pang extra. Every Thursdays ako naglalaba. Sa sobrang dami ng mga dapat kong gawin, dali-dali akong umuwi sa apartment. Kinuha ko agad ang labahin at biglang sara ng pinto... Hala! Ang susi ko ay naiwanan pala! Sobrang inis na inis ako kasi bukod sa marami akong gagawin sobrang trying hard din akong makasave ng money. It will cost me $25.00 dahil maiistorbo ang maintenance guy na bumalik ulit sa building. Pandagdag na sana sa project ng mga youth sa Pinas, nagastos pa dahil sa pagkakamali ko. Itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa laundry room at pagkatapos ay nagpunta ako sa...

Queen's Garden

"Blessed are you who believed that the Lord's word would come true." Luke 1:45 Hello mga kablogs! Mabilisang blog 'to dahil ako'y tinatawag na ng aking higaan. Sana naging masaya ang nagdaang linggo niyo lalo na ang inyong weekend. Ako, ayos naman sa trabaho, ang weekend naman busy pa rin sa pag-aaral kaya nag-dalawang isip akong sumama sa mga katrabaho/kaibigan ko nong niyaya nila akong pumunta sa theme park dito. Sumama na rin ako for two reasons - una, baka isang araw hindi na ako nakatira rito sa Cinci tapos hindi ko pa nakikita ang K.I. at panagalawa, para makabonding ang mga kaibigan dahil ilang araw na lang aalis na rin sila pabalik sa Pinas. Sa totoo lang hindi na ako big fan ng theme park lalo na iyong mga nakakatakot na rides. Nagpupunta lang ako sa EK dahil libre palagi ang ticket at para makita ang mga pamangkin kong nag-eenjoy sa mga rides. Pagkatapos ng experience ko sa space shuttle together with my college friends dagdagan pa nong nakita ko iyong p...

Lagina Handa

Image
"Do not be afraid, little flock, for it has pleased your Father to give you the kingdom." Luke 12:32 "Be ready..." Luke 12:35 Hello mga kablogs! May dapat akong gawin kaya lang katatapos ko lang kumain kaya sabi ko blog na muna para puwedeng gawin kahit nakatayo. May magkapareho sa pagbasa ngayon at last week kaya kinanta ulit iyong Where Your Treasure Is kanina. Ang ganda talaga ng kantang iyon. Ok, ok, ang blog ko ngayon ay tungkol sa aking career. Kung titignan mo ang employment background ko sa Pilipinas, pinakamatagal na iyong 1 year and 1 mo. Hindi naman sa nateterminate ako, parang gusto ko lang gumawa ng iba, may mameet ulit na mga kaibigan at wala lang, maiba lang. Sa Bermuda nga kung hindi lang nagkaroon ng economic crisis, naghahanap na ako ng work non. Kahit dito rin sa Cinci, sobrang gusto ko na talagang makalagpas sa mission na 'to. For the past few weeks, todo talaga ako sa paghahanap ng work sa mga isla. Nafufrustrate na nga ako. Hanggang sa isan...

Qsye

Image
"Be on your guard and avoid every kind of greed, for even though you have many possessions, it is not that which give you life." Lk. 12:15 "You fool! This very night your life will be taken from you; tell me who shall get all you have put aside?' This is the lot of the one who sotres up riches instead amassing for God." Luke 12:21 Hello mga kablogs! Ang ganda ng gospel ngayon. Pagsasama-samahin ko ang nice message na natanggap ko from my officemate, fact kapag nagmahal ka ng lagpas 100% at kapag addicted ka sa isang bagay plus message ng kantang "Where Your Treasure Is." Scenario 1: Isang lover na sobrang mahal na mahal ang kanyang "mahal," nagpatiwakal matapos siyang ipagpalit sa iba. Oh oh... Scenario 2: Isang estudyanteng kailangang mag-aral, matapos ang 30 minutes na pagbabasa ng accounting book, napagod at gusto magpapahinga raw muna. Habang nagpapahinga, naglog in sa Facebook... 2 oras ng nakababad, kahit pagod na ang mga mata, tuloy-t...

Be Walastik Part 2

Image
"For the sake of ten good people, I will not destroy Sodom." Gen. 18:32 Hello mga kablogs! Sabi ko matutulog ako ng maaga ngayon, mukhang uumagahin na naman. hehehe. Hindi talaga kumpleto ang aking week kapag walang blog. Kahit isa lang ang nagbabasa ng blog ko, tuloy pa rin. May mga ideas na kahapon pa lang kaya lang ang hirap ng pagsama-samahin kapag exhausted na. Bahala na si Batman... Si Carla na lang ikukuwento ko para madali. "6 lang sa inyo ang papasa!" sabi ng professor nya sa PRAC2. Hindi ko na maalaala iyong kuwento niya sa iba pang sinabi ng prof niya basta sabi niya buti na lang isa siya sa anim pero sinabi rin niya na siguro iyong mga kaklase niya galit na galit sa prof na iyon o iyong iba naman ay nagising at nag-aral nang mas mabuti para mapatunayan sa prof na hindi totoo ang sinasabi niya. Ang naging resulta ay ilan nga lang ang nakapasa sa batch nila. Sa pagninilay-nilay ko, kahit ganoon pala katerror iyong prof na iyon, nakakatuwa pa rin kasi kahit...

STICK - Stick to your goals! Be walastik.

Image
"Mary has chosen the better part, and it will not be taken away from her." Lk. 10:42 Hello mga kablogs! Aattend dapat ako ng retreat this weekend kaya lang hindi naconfirm kung nagrant ako ng scholarship. $150.00 rin iyong bayad kaya nag-alangan na akong pumunta. Gusto ko talagang magretreat kaya lang mahal naman ng $150.00. Sayang... May nakausap akong pinsan last weekend kaya naisip kong idedicate sa kanya ang blog na 'to. Sabi nya, "sana iba na lang kasi hindi ako deserving." May nagpapaaral kasi sa kanya at feeling niya hindi sya deserving. Feeling niya hindi sya deserving kasi hindi rin nya ginagawa ang part niya. Gusto kong balikan ulit ang PSB Community Giving. Sa totoo lang kahit hindi ako pumasok sa eksena, winning na sila kasi noong nameet namin sila mataas na ang rank nila. Bakit nag-ukol pa rin ako/kami ng panahon? Dahil naniniwala akong may pagkakataon! Na kung naniwala lang ang marami at nakiisa, kayang-kayang maging Top 1. Sa mga postings nga ng p...