Posts

Makiisa, May Pag-Asa Pa!

Image
Nalalapit na naman ang araw para ma-exercise nating mga Filipino ang isa sa ating mga karapatan. In one year, 2 beses. Kung binibisita niyo ang aking profile, naging adDICKted ako kay Senator Gordon noong panahon ng presidential campaign. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para maipromote siya. Hindi man sya nanalo, ok na rin kasi may mga naging kaibigan ako sa Facebook. Depende ang lahat sa pananaw natin. Para sa akin siya ang pinakamagaling sa lahat ng mga tumakbo. Nanalo si President Noynoy kasi nagustuhan ng mga tao ang kanyang pangako na “Kung walang corrupt, walang mahirap” tsaka nadala na rin ng kanyang personal at family background. Sana nga maibangon ni President Noy ang Pilipinas. Nasa Pilipinas ako noong botohan, dumating ako noong May 9, 6:30pm at tamang-tama election kinabukasan. Siyempre dahil bagong dating kahit gusto kong magpahinga mas pinili kong makipagbonding sa aking pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan. Kahit sobrang puyat at pagod sa biyahe (halos 24 hours ...

Utak at Puso ang Pairalin

Image
"If you come to me, without being ready to give up your love for your father and mother, your spouse and your children, your brothers and sisters, and indeed yourself, you cannot be my disciple. Whoever does not follow me carrying his own cross cannot be my disciple." Hello mga kablogs! Medyo naaaddict na naman ako sa FB. Tsk. Tsk. Pero nag-improve na in fairness. Kagigising ko lang matapos ang almost 2 hours na idlip tapos bigla kong naisip na magblog kaya heto na... Ang topic ko ngayon ay tungkol sa Barangay Election na malapit na (October 25). Medyo matagal pa pala. :-) Pero mabuti na iyong maagap diba. Noong nasa Pilipinas ako sa totoo lang pumasok sa isip kong maging politician. Gusto ko kasi iyong nakikialam sa community at akala ko kapag nasa position ka lang magagawa iyon. Balak ko pa ngang magturo sa college habang nagseserve sa barangay. O diba planado na. Kaya lang dyan na papasok iyong "Shel, mapapasama ka lang madadamay pa family mo. Shel, kahit gaano kang k...

AKO'Y MAY MUNTING TINIG

Image
For every one who exalts himself will be humbled, but the one who humbles himself will be exalted. Hello mga kablogs! Nandito ako sa trabaho ngayon. Hehe. Wala namang masyadong ginagawa kaya sabi ko isusulat ko na an ... g mga naiisip ko. Sakit ko na ang hindi makaget-over agad sa isang pangyayari na nakatouch sa akin nang sobra. Simulan na natin. Ito ay kuwento ng aking kaibigan. Itatago ko na lang sya sa pangalang Verna Mendiola na nagtatrabaho sa Dubai. Simple lang syang manggagawa. Matalino pero hindi gaanong maboka. Mabuti nga unti-unti na nyang natututunan ang pagsabi ng mga nararamdaman lalo na iyong makakatulong sa department nila. Medyo inis sya sa amo niya (ibang story na ‘to) pero still kapag may naiisip sya about improvement ng grupo nila, pinapadaan pa rin niya ang mensahe rito. Lalo syang naiinis kapag hindi man lang nagrereply ang amo niya. Isang instance, mayroon syang nabasa sa bulletin nila at may message ang director para sa lahat ng empleyado. Dahil concern sa buon...

Recorded blog

"Do your best to enter by the narrow door, for many, I tell you, will try to enter but will not be able." Luke 13:24 Hello all! Recorded ang blog ko ngayon. Say niyo. hehe. Pero exclusive lang iyon sa PYM. Wala pa akong lakas ng loob na iparinig ang boses ko sa lahat. hehe. Anyway, kahit nakapagrecord na ako ng blog gusto ko pa ring magtype para sa mga nagbabasa ng aking blog kung meron nga. :-) Pinaalalahanan ko ang PYM ng kahalagahan ng pag-attend ng BEC lalo na ang pagsisimba. Ang dahilan kasi ng ilan ay busy sila sa kanilang pag-aaral kaya hindi na nakakaattend ng mga gawaing pangsimbahan. Naalala niyo iyong quote dati ni Wayne Dyer kapag nakakapagbigay ka kahit nahihirapan ka mas madali nang magbigay kapag mayroon ka? In relation to this, kapag busy ka at nagagawa mo pa ring makatugon sa mga gawaing pansimbahan, mas madali lang sa 'yong makapunta kapag hindi ka busy. PERO, kapag nagpi-feeling-feeling-an na busy ka at ginagawa mong excuse sa hindi mo pagsis...

BB

Image
Hello mga kablogs! May bonus blog na naman dahil sa aking "katangahan." Ako ang tipo ng taong hindi mapakali kapag walang ginagawa at kapag bakante ang isip. So, palaging may tumatakbo sa isip ko at palagi rin akong may ginagawa. Pauwi pa lang ako sa bahay alam ko na ang mga gagawin ko. Magbubukas na laptop, magdidinner, magchecheck ng emails, magfafacebook, mag-aaral, magrereply sa mga texts at kung anu-ano pang extra. Every Thursdays ako naglalaba. Sa sobrang dami ng mga dapat kong gawin, dali-dali akong umuwi sa apartment. Kinuha ko agad ang labahin at biglang sara ng pinto... Hala! Ang susi ko ay naiwanan pala! Sobrang inis na inis ako kasi bukod sa marami akong gagawin sobrang trying hard din akong makasave ng money. It will cost me $25.00 dahil maiistorbo ang maintenance guy na bumalik ulit sa building. Pandagdag na sana sa project ng mga youth sa Pinas, nagastos pa dahil sa pagkakamali ko. Itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa laundry room at pagkatapos ay nagpunta ako sa...

Queen's Garden

"Blessed are you who believed that the Lord's word would come true." Luke 1:45 Hello mga kablogs! Mabilisang blog 'to dahil ako'y tinatawag na ng aking higaan. Sana naging masaya ang nagdaang linggo niyo lalo na ang inyong weekend. Ako, ayos naman sa trabaho, ang weekend naman busy pa rin sa pag-aaral kaya nag-dalawang isip akong sumama sa mga katrabaho/kaibigan ko nong niyaya nila akong pumunta sa theme park dito. Sumama na rin ako for two reasons - una, baka isang araw hindi na ako nakatira rito sa Cinci tapos hindi ko pa nakikita ang K.I. at panagalawa, para makabonding ang mga kaibigan dahil ilang araw na lang aalis na rin sila pabalik sa Pinas. Sa totoo lang hindi na ako big fan ng theme park lalo na iyong mga nakakatakot na rides. Nagpupunta lang ako sa EK dahil libre palagi ang ticket at para makita ang mga pamangkin kong nag-eenjoy sa mga rides. Pagkatapos ng experience ko sa space shuttle together with my college friends dagdagan pa nong nakita ko iyong p...

Lagina Handa

Image
"Do not be afraid, little flock, for it has pleased your Father to give you the kingdom." Luke 12:32 "Be ready..." Luke 12:35 Hello mga kablogs! May dapat akong gawin kaya lang katatapos ko lang kumain kaya sabi ko blog na muna para puwedeng gawin kahit nakatayo. May magkapareho sa pagbasa ngayon at last week kaya kinanta ulit iyong Where Your Treasure Is kanina. Ang ganda talaga ng kantang iyon. Ok, ok, ang blog ko ngayon ay tungkol sa aking career. Kung titignan mo ang employment background ko sa Pilipinas, pinakamatagal na iyong 1 year and 1 mo. Hindi naman sa nateterminate ako, parang gusto ko lang gumawa ng iba, may mameet ulit na mga kaibigan at wala lang, maiba lang. Sa Bermuda nga kung hindi lang nagkaroon ng economic crisis, naghahanap na ako ng work non. Kahit dito rin sa Cinci, sobrang gusto ko na talagang makalagpas sa mission na 'to. For the past few weeks, todo talaga ako sa paghahanap ng work sa mga isla. Nafufrustrate na nga ako. Hanggang sa isan...